DNIB #24

39 13 4
                                        

• • •

Hoy Diary!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hoy Diary!

Panira talaga si mama. Ang ganda ng panaginip ko tapos bigla ba naman akong hilahin sa paa? Ugh kairita! Mahahawakan ko na sana ang shining shimmering splendid rib cage ni Shan sa panaginip ko eh!

"Bumangon ka na riyan. Nandyan na si Shan."

Shet! Susunduin niya nga pala ako!Nanlaki ang mata ko at dali daling tumakbo papunta sa banyo. Muntik ko pang makalimutang magpanty hihihi. Hindi na ako nakapagsuklay at almusal dahil sa pagmamadali. Nang matapos gumayak ay hinihingal akong lumabas ng bahay.

Nakatayo si Shan sa may gate at hinihintay ako. Naramdaman niya siguro diary na may magandang dalag na papalapit sa kaniya kaya humarap siya sa'kin. Shet na malagket! Diary! Pakiramdam ko ikakasal na ako. Binagalan ko ang paglakad hanggang sa makalapit na ako sa kaniya.

"I do." Bigla nalang lumabas sa bibig kong amoy PhCare hihihi. Ang bango kaya, refreshing.

Nakita kong nanlaki yung mata ni Shan.

"Si... sinasagot mo na ako?"

Ngiti at tango nalang ang naisagot ko diary hihihi. Ang hirap palang itago ng kilig kapag may dimples like me.

"Sapat na Shan yung panliligaw mo na 'yun sa akin. Tiwala naman ako sa'yo eh." Oo diary, ewan ko ba pero nung pagkakita ko palang sa kaniya nung inawat niya kami ni Wendy ay ang gaan agad ng loob ko, parang may tiwala na agad ako non. Speed ko di'ba?

Ang lokong Shan naman ay nakatitig sa akin. Ahihi ene be. Kinikilig ako diary, pakiramdam ko ay nalulusaw yung mga taba ko. Tsar!

"Salamat Chuchay!" Nanigas ako dahil bigla niya nalang akong niyakap. Ang bango niya, amoy sibuyas. Tsarot! Amoy Calvin Kleid nga eh. Calvin Kleid nga ba? Ay ewan, ayan kasi yung tatak ng brief at pabango ni Junjun eh.

Hay... ang sarap sa pakiramdam diary na mahal nyo yung isa't isa nuh? Holding hands while walking ulit kami diary habang papunta sa room. Binabalewala ko nalang yung mga estudyanteng pinagbubulungan kami, pake ko sa kanila? Mga mukang paa.

Huminto kami sa harapan ng room ko at akmang hahalikan ni Shan yung noo ko kaya lang biglang dumaan sa gitna namin si Percival. Luh! Problema non?

"Susunduin kita mamaya, sabay tayong maglunch. Libre ko." Yieeeh syempre diary, auto tango na ako non. Sino ba naman tangang tatanggi sa libre di'ba?

"Oo na. Sige. Mamaya nalang." Pagtataboy ko ngunit nanginig ang mundo ko sa sinabi niya.

"Mahal kita, babe."

Ahihi babe daw diary oh. Mahal din daw ako ni Shan. Mainggit ka diary.

"Mahal din kita, babe."

Matapos non ay nagpaalam na siya. Nang mawala na si Shan sa paningin ko ay pumasok na ako, nagtaka pa ako dahil ang sama ng tingin sa akin ni Percival. Luh! Nigagawa mue? Inirapan ko nalang ang gwapo, napatingin naman ako kay Mae-sapok dahil parang may love quack quack sila, hindi nagpapansinan eh. Sabi ko na nga ba't maghihiwalay din 'tong dalawang 'to eh.

Saglit pa kaming naghintay bago pumasok si Ma'am Casaquit. May nakasunod na babae sa kaniya. Owmay! Why naman like that? Ang ganda niya, hindi si ma'am ha. Panget yun eh.

"Hello! I'm Donna Aguilar."

Ay ang panget ng pangalan diary hihihi. Wala parin tatalo sa mama kong nagbigay ng pangalan sa akin bilang isang Chuchay Lin Hye. Matapos non ay pinaupo na si Donnapot. Hays, nakakainip magturo si ma'am, diary. Matutulog nalang muna ako ha.

"Miss Chuchay."

Gisingin mo nalang ako mamaya ah.

"Miss Chuchay!"

Good mornight diary.

"Miss Chuchay Lin Hye!"

"Wadapak ka kung sino ka mang kupal na tawag ng tawag sa pangalan ko! Inggit ka? Luh! Asa ka!" Sigaw ko habang nakapikit dahil inaantok talaga ako. Biglang tumahimik diary, unti-unti kong idinilat ang aking beautiful eyes at doon sa harap ay kitang kita kong gusto akong i-hame hame wave ni ma'am.

"TUMAYOKADITOSAHARAPANATIPALIWANAGANGMGAPINAGARALANNATINNGAYON!STANAP!"

Sigaw ni ma'am. Naintindihan mo ba diary? Ako kasi hindi eh. Gusto ko ngang sabihin kay ma'am na, ha? Hakdog, pero pinigilan ko sarili ko. Kaya kahit labag sa aking mga laman loob na tumayo, wala akong nagawa kundi ang bumuntong hininga bago maglakad patungo sa harap.

"Saan binaril si Dr.Jose Rizal?" Tanong ni ma'am kaya napangiti ako, basic.

"Sa likod po ma'am." Seryoso kong sagot ngunit tinawanan lang ako diary ng mga kupal kong kaklase. Luh! Anong nakakatawa dun? Tama naman eh.

"Shataaap!" Ayan diary. Basta nag-shatap si ma'am, sinasapian na ng demonyo yan. Pero eto ako at chill chill lang.

"Sino ang pinakaunang nakapunta sa buwan?"

"Kayo po ma'am."

"At bakit naman ako?"

"Muka po kasi kayong unggoy." Pfft! Nakakatawa reaksyon ni ma'am sa sagot ko, diary. "Biro lang yun ma'am syempre. Mahal ko kayo eh."

Magsasalita pa sana si ma'am pero buti nalang diary at nagbell na. Mabilis akong lumabas ng room ngunit may nakalimutan akong sabihin kay ma'am kaya sumilip ako sa pintuan

"Ma'am! Try nyo po yung PhCare. Pampaputi po ng gilagid yon hihihi." Malakas na sigaw ko kaya nagtawanan ang mga kaklase ko.

Masaya akong naglalakad ngayon papunta sa room nila Shano. Pagkadating ko diary ay nagpapaalam narin si Sir Dimaraanan. Nginitian ko pa ito nang mapatingin sa akin.

"Oh? Chuchay, di'ba ang sabi ko ay hintayin mo ako at susunduin kita?" Bungad ni Shan ng makita ako.

"Edi babalik ako sa room tapos sunduin mo ako."

"Baliw ka talaga. Tara na Chups." Pagkasabi niya non ay hinawakan niya ulit ang kamay ko hihihi. I'm is so kilig kilig. Pakiramdam ko ay may mga paru-paro sa aking stomach.

May lunchdate,
ShanChay

P.s bet na bet ko ang pangalan ng labteam namin diary! Hihihi version 1.3.000 ng ShanChay.

Diary Ng Inosenteng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon