Chapter 42-Hope

146 10 0
                                    

A/N: Correct me if I'm wrong. Hindi ako Chinese haha, fiction lang 'to. 



Daen's Pov.

"Yídòng!" 'Move!' walang sarili akong napatingin sa intsik na sundalong tumutulak sakin gamit ang mahabang baril nito, nakagapos rin ang mag kabilang kamay ko sa likod at kasalukuyan ay pinapalakad kami ng mga ito at nakalinya kami papunta sa isang kulungan na masasabi ko para sa mga hostage nila.

Ang ibang mga nurses ay nag iiyakan sa takot, ang mga kalalakihan naman ay tulala katulad ni Kevin mukhang iniisip ang asawa nitong buntis. Nang makapasok ako dun ay umupo ako sa gilid at sinandal ang sarili ko sa pader alam kong dadating si Layniel alam ko yun.

"Bì zuǐ! Nǐ hǎo chǎo!" 'Shut up! Your so noisy!' napaigtad naman ang mga nurse na umiiyak dahil sa lakas ng boses ng lalaking intsik na yun. Pinutok pa nito ang baril sa gilid kong saan lalo natakot ang mga ito, hindi ko rin maiwasang hindi matakot pero pinantili kong itikom ang bibig ko. Ipinikit ko ang mata at pilit na pinapakalma ng sarili.

Dadating si Layniel Daey.....

I keep cheering my self up. Ayoko matakot sa harapan nila. 

Narinig ko ang pag bukas sira ng pintuan kong saan naiwang malamlam ang kwarto, tanging sinag ng lamparilya at buwan ang sumusupurtang ilaw sa silid.

"Dok, ano nang gagawin natin?" rinig ko na tanong ng isang Nurse sa grupo nina Nicole.

"Malabong matakasan natin ang mga bantay, mamatay tayo kong susubok tayo, kailangan niyo pang makauwi ng buhay para sa pamilya nyo, mag tiwala tayo sa mga sundalo alam kong may darating tulong." Palakas ng loob nasabi ni Doc. Heiz, hindi ko maiwasang umaasa sa sinabi nito, baka nga tama ito kailangan lang namin mag tiwala sa tulong na darating.

---

HINDI ko alam kong ilang oras o araw na ang nagdaan, pero ramdam kona ang gutom sa tiyan ko ganon rin ang iba kong kasamahan. HIndi kami pinalabas o ano man hindi ko alam ang nangyayari pero mukhang kunektado yun sa mga intsik.

Layniel asan kana....

---

Napadilat ako nang marinig ang pag bukas ng pintuan, ganon rin ang iba ganon parin ang suot ko naka sando at cargo pants ang iba naman ay naka shot lang at damit. Nararamdaman ko na rin ang lagkit sa katawan ko parang matika sa katawan dagdagan pa ang mabahong amoy ng silid. Parang cr ito ang panghi.

"Ràng nàgè nǚhái wèn tā de xìnxī." 'Get that girl ask her information.' sabi ng nasa harap ng lalaki at tinuro pa si Nicole na kinamutla naman ni Nicole, hindi ko maintindihan ang sinabi ng intsik na yun pero biglang linapitan ng dalawang intsik na sundalo si Nicole at marahas na hinawakan ang braso nitohabang ang isa naman ay tinutukan sa ulo si Nicole upang hindi ito makalaban. Napaiyak naman si Nicole sa takot, hindi ko maiwasang kabahan.

"Sa'n niyo siya dadalhin?"

Sabi ko at tumayo ako akmang pipigilan si Nicole pero tinutukan ako ng isang insik na sundalo. Hindi naman ako nakalaban pa kasi nakagapos ang kamay ko sa likod at tiyak akong babarilin ako ng isang to. Walang sarili akong napalunok sa nakita kong nilabas ng lahat ng sundalong intsik ang baril at tinutok yun saming lahat.

"Ràng tā, ràng tā kěyǐ kàn dào wánqiáng de rén de tóngqíng" 'Let her, so she can see the consenquences of hardheaded people' sabi ngparehong lalaking nag utos na damputin si Nicole.

Hindi ko maintindihan ang sinabi ng lalaking yun, binaba naman agad ang mga baril ng mga ito na nakatutok samin na kinataka ko na, niluwagan rin nito ang daan na wari kong pinapalabas kami. Napalunok naman ako at ako ang unang lumabas.

Brainiac's Promise (Completed)Where stories live. Discover now