Chapter 23-Recognition Day

112 13 0
                                    

Napapansin kong masyado nang lutang si Layniel, minsan hindi na rin ito nakaka sabay kapag sasagot ako. Tinatanong naman sya ng teacher kong ayos lang ba ito, sagot nya may 'Oo'.

Pilit kong hindi pansinin si Layniel pero hindi ko naman nagugustuhan 'to, I would be cruel kong kukunin ko ang Rank 1 kong hindi sya lalaban diba? Sama non di patas.

Kaya sa pag kakataong ito ay lumapit ako dito, recess naman kaya wala ang iba sa room, mukhang hindi rin nito napansin na nag bell na?

Umupo ako sa tabing upuan nito at tumingin dito pero mukhang pati yun di nya napansin, kumunot noo ko.

Anong nangyari sa kanya?

Sinindot ko ang braso nito, medyo nahihiya ako mag salita. Medyo. Sabi ko kasi walang pansinan pero heto ako lumapit sinindot pa ang braso nya.

"Ha?!" Napaigtad ito mukhang nagulat, lumingon lingon pa ito mukhang walang alam kong nasan ang mga kaklase namin.

"Dito." Sabi ko, lumingon naman ito sakin na nasa tabi lang nya, nanlaki naman ang mata nito mukhang nag tataka kong bakit ako nasa tabi nya.

"Lutang ka eh, tsaka ano bang nangyari sayo?" Tanong ko, isinandal ko ang sarili sa upuan at inignora ang tingin nito.

Ba't ba kasi sya nakatingin. Eh wala naman yun kuneksyon sa puso pero ang bilis ng tibok.

"Wala lang 'to." Sabi nito sakin umiwas ng tingin.

"Ba't ka pala lumapit 'kala ko ba...walang pansinan?" Dagdag na tanong nito. Napatingin ako dito na nakatingin na pala sakin.

Ewan ko rin ba't ako lumapit eh.

"Napapansin ko kasi lutang kana madalas tsaka closure na rin diba?" Palusot ko, tumango naman ito wari kong naintindihan nito.

"Auh, Musta kana?" Tanong nito.

Hindi ko alam kong okay ako o ano?

"Okay lang, ayos lang naman ako." Sabi ko dito.

"Ikaw?" Tanong ko.

Natawa ito sandali at sumandal sa upuan at tumingin sa taas na wari kong wala namang magandang bagay don. Inilagay nito ang mga kamay sa batok nito.

"Ayos na siguro." Labas ilong nitong sabi, hindi ako nag tanong o nagsalita pa. Hindi lang pala ako ang panget mag sinungaling ito rin pala.

"Kayo ni Nicole?" Sumandal rin ako sa upuan at tumingin sa taas.

"O-Oo." Barang lalamunan nitong sabi.

Napahawak ako sa dibdib ko, na sumisikip hindi ko pinahalata kay Layniel, mukhang bumalik ang sakit ah? Ang sakit, napapikit ako ng mariin at dumilat muli at tininggal ang pag kakahawak sa dibdib at umayos ng upo.

Tumingin ako dito na nakatingin sakin mukhang naramdaman nito na umayos na ako ng upo.

"Alis na ko baka makita tayo ni Nicole." Saad ko, at ngumiti ng kunwaring saya.

Uminit ang sulok ng mata ko, hindi ko alam pero nanlalabo yun tumayo ako at tumalikod dito, patakbong pumunta ako sa rooftop.

Tuluyan na nahulog ang mga butil na tubig galing sa mata ko. Nagulat ako dahil dun, hinawakan ko ang basang parte ng pisngi ko at tinignan yun.

Luha?

Ayos na ako e! O akala ko lang iyon? Bakit naman ganito 'to? Nag sisinungaling lang ba ako sa sarili ko nang sabihin ko na ayos na ako at mag mo-move on na.

"Ayokong ganito, hindi ako 'to." Sabi ko at pinahid lahat at pinakalma ang sarili.

"So class magaganap ang Recognition day sa sabado para sa mga honors dapat present kayo ha?" Sabi ni Ma'am.

Brainiac's Promise (Completed)Where stories live. Discover now