Daeña's POV
Kasalukuyan nakahiga ako sa kwarto ko, ayokong umattend ng students night na yan, hindi ko trip. Ewan ko lang pero hindi ko talaga trip ang mga yan lalo na yung make up? Sakit sa mukha, tsaka yung may demonyong takong na sapatos sakit sa paa.
"Daeña!!! Lumabas ka nga riyan!!!" Sigaw ni kuya sa labas, napatakip ako ng unan dahil sa inggay ng bakulaw. Nakalock kasi ang kwarto ko, kahit kahapon ay sinasabihan ako nitong magiging tao daw ako kapag umattend ako sa students night na yan.
"Kuya hindi nga ako aattend!" Sigaw ko naman pabalik.
Kumatok muli ito ng malakas. "Minsan lang 'to bruha! Di ba di kana sa NTC mag aaral sa Neum kana diba?" Tanong nito mula sa labas.
Tama ito kinuha rin ako ni Mr. Heights, noong recognition, mukhang interesado sa galing ko. Si Mr. Flinn naman si Layniel ang pinuntirya.
"Oo bakit anong kunek?!" Sigaw ko ulit.
"Tanga 'di kana makakaranas nito sa NTC! Last na 'to!" Sabing sigaw nito. Kilala talaga ako nito, alam niyang hindi na ako a-attend ng kahit ako kasi tamad ako.
Tumayo ako kahit naiirita ay binuksan ko ang pintuan nakita ko si Kuya nakatayo sa harapan ng pintuan ko naka formal attire ito.
"Kuya s'an lamay?" Pang inis ko sabay ngisi pa ng pang asar.
"Aba! Ikaw na bruha ka mag palit kana tinawagan ko si Shakira sya mag aayos sayo para maging mukhang tao ka naman bruha kong kapatid." Sabi nito.
"Ayoko nga sabi eh." Reklamo ko sabay padyak sa harapan nito, pinanlakihan lamang ako nito ng mata.
"Kuya mo 'ko."sabi nito na para bang inuutusan ako.
"Bunso ako!"
"Wala akong paki alam." Pambara nito sakin. Kahit kailan talaga maraming sagot, ayoko talaga mag salita kaya sumusunod na lamang ako.
"Bwesit kang bakulaw ka!" Napapadyak ako sa lahat talaga na nakalaban ko si Kuya ako hindi nananalo, laging may back up itong sagot sakin.
"Mag bihis kana, bilisan mo bruha ibebenta kita kay Gil interesado pa naman yun sayo."
Nangilabot naman ako sa sinabi nito, kahit pa gwapo si Kuya Gil eh mas matanda yun sakin.
Nag bihis ako sa damit na hinanda ni mama para sakin sa students night na yan.
Parang puti ito na may silver na touch side strap rin at semi back less rin hindi rin masyadong mahaba sa baba at hindi masyadong maiksi. Sinuot ko rin ang pinaka ayoko sa lahat ang sapatos ng demonyo. I mean ang 3 inches cinderella shoes na silver. Bagay lang ito sa damit, ang kulang nalang ay kung ano ang buhok na style ang bagay dito, ponytail lang ang alam ko jusmiyo!
"Bruha andito na si Shakira labas kana." Sigaw ni kuya mula sa labas.
Nasanay nalang ako kaka bruha nya sakin. Bwesit na bakulaw na yun, alam ko talagang hindi ako nito titigilan kapag hindi ko sundin gusto nya. Tama naman ito na minsan lang to tsaka last na event nalang ito na sasalihan ko sa NTCHS. (Northern Thein Central High School)
Apilyedo talaga ang Thein pero nasa pangalawang pangalan ko yan dahil tinulungan ni General Thein si Papa ng nasa gera isa ito sa nag rescue, sa laki ng pasa salamat ng pamilya namin ay ginawang pangalawang pangalan ko ito.
Nang makababa ako ay nginitian ako ni ate Shakira, infairness ang ganda ni Ate Shakira, bakit ba siya naging jowa ng kuya ko? Eh ang panget nito?
"Hi, ate Shakira."
"Hi, bakulaw."
Bati ko sa kanila inirapan pa si Kuya kainin naman kasi e! Hindi naman ako pinansin ni kuya na tulad ko na nasanay nalang sa mga tawagin namin. Siya kasi nag simula sumunod lang ako kuya ko naman yan eh.
YOU ARE READING
Brainiac's Promise (Completed)
General Fiction[COMPLETED] Quarrel of brainiacs. Brains VS. Brains Grade VS. Grade Hate VS. Hate But why does our hate went wrong? We used to be more than happy in our current lives but how the happy moments of past became past. Right person is everyone you see...