Chapter 10 -Comeback

141 22 0
                                    

June 30.

Same.

Pareho parin ang routine walang nag bago, parang walang nag bago. walang pansinan maaga ako ngayon pero ng makarating ako sa room nakasalubong ko siya pero akmang kakausapin ko siya pero hindi ako pinansin nito sa halip ay tinawag nito si Hera.

I felt my heart crumpled. Hindi ko na lamang pinansin yon, bago lang ako sa emosyon na ito.

Mabuti nalang ay nakita ako ni Hansel at inaya ako nitong pumuntang Canteen, hindi ko na tinanggihan kasi matagal-tagal na rin hindi kami nag kakasama.

SCIENCE.

"Tapos na ma'am" napatingin ako kay Layniel na sakin rin nakatingin, mukhang sabay na naman kami?

Tulad ng dati?

"Okay pass that paper." ma'am said.

Ginawa naman namin, walang umikan at bumalik agad sa mga upuan, seryoso ang lahat dapat ako rin, why I'm bother anyway?



RECESS.

"Daey, ano gusto mo ngayon?"tanong sakin ni Hansel wala kasi akong ganang lumabas at pumuntang canteen, kaya nag offer nalang ito na bibilhan ako.

Sinabi ko naman dito ang gusto ko at nag bigay ng pera, umalis agad si Hansel kasama sina Joy (lalake), Meran, Jane at Hera. Mukhang friendly si Hera samin ah? Well, halos mga sikat ng iba't ibang larangan ang nasa 1st C eh.

Si Layniel? 'di sila kasama nila Hera?

Baka sinundo ng boy scout?

Hindi ko nalang pinansin at nilunod ko nalang ang sarili sa pag basa, hanggang sa nabored ako kakahintay, pumunta nalang ako sa Rooftop kong saan kami nag laro ng cube ni Layniel, medyo nakakamiss pala ang prisensya ng lalaking yun.

Bumuntong hininga nalang ako ng maalala yun, napansin ko ang isang bulto mula sa lumang upuan at kasalukuyang naka upo dun, pamiliyar kaya lumapit ako at tama nga ako si Layniel nga iyon, nag lalaro ito ng cube? Mukhang hindi ako nito napansin kaya lumapit ako dito at sumitsit para kunin ang atensyon nito.

"Psst."

Tagumpay naman kasi lumingon ito, mukhang nagulat ito nang makitang lumapit ako dito, nag away ba kami? hindi naman sa pag kakaalala ko? diba?

Hindi naman ito nag salita bagkus ay bumalik ito sa pag lalaro parang hindi ako nakita parang inignora nito ang prisensya ko.

"Layniel.." tawag ko ulit, hindi kasi ako sanay na may galit sakin, ayaw ko talaga ng katampuhan o kaaway.

"Ba't?" tipid na sagot nito pero nasa cube parin ang atensyon.

"Ba't mo ako di pinapansin? Hindi naman tayo nag away ah?" I said sabay buntong hininga.

Tumigil ito sa pag lalaro at tinignan ako at bumuntong hininga, parang alanganin ito mukhang napipilitan lang itong tumingin sakin.

"Wag mo nalang pansinin mukhang napipilitan kalang naman eh, sige una na'ko." Ani ko at akmang tatayo ay ng mag salita ito.

"Dito ka lang muna," he said. Nakatingin parin ako sa kanya at hindi umimik, mukha syang seryoso sa mga tinuran nya?

"Ba't mo ba ako di pinapansin huh?" angil ko, nakakinis eh kala mo naman may malaki akong kasalanan.

"Ewan ko rin," saad nito, kumunot naman ang mukha ko sa sinabi nya, may sayad yata tong kausap ko? Hindi ko maiwasang hindi itong hamapasin sa braso, napahimas naman ito dun at mahina ko itong sinabunotan.

"Sorry kasi, pero ewan ko ba hindi ko rin alam sa sarili ko basta ang alam ko di kita papansinin." mahinang sambit nito pero sapat na marinig ko.

"Alam mo namiss kita." seryosong ani ko at tumingin sa langit, hindi naman masyadong maaliwalas kaya hindi masakit sa mata.

Brainiac's Promise (Completed)Where stories live. Discover now