Chapter 22 -Move on?

88 9 0
                                    

"Ba't niyo naman sinabi yun?" Tanong ko agad kina-Dominic. Hindi ako pinansin ng mga kasama ko. Kasalukuyan kasi kami nasa plaza at nakalampagi lamang sa damuan hindi inalintana ang dumi non. Patuloy sa pag nguya sina Jane at Dominic parang walang naririnig.

Sa katunayan ay narinig ko ang mga ito, medyo masasakit na mga salita ang mga binitawan nila. Nakikita ko rin kasi sa mata ni Layniel ang pag sisisi at lungkot.

Ibinaba ni Mitchelle ang pagkain na hawak nito at bumuntong hininga tumingin sa mata ko. "Kung ikaw hindi ka galit at nagawa mo yung tanggapin kami hindi, ibahin mo kami sayo Daey na mamahimik lang. Ayoko non, ang gago kaya ng ginawa niya."

Hindi ako umimik sa sinabi ni Mitchelle, bakit nagawa ko pang ipagtanggol si Layniel kahit pa nasasaktan na ako?

"Tsaka nakita namin yung regalo mo, naalala namin na Monthsary pala niyo, tutulong sana kami e. Actually si Hansel nakaisip non, may pa-banner pa nga kami. Tapos ganon lang?" Dagdag ni Jane, sumulyap naman ako kay Hansel ngayo'y tahimik lamang katabi ni Jane at Dominic.

"Salamat, nag abala pa kayo." Sensirong sabi ko sa kanila, umiling na lamang si Joy sa sinabi ko.

"Sa lahat ng break-up na nakita ko ikaw lang ang kalmado Daey..." singit ni Joy, narinig ko naman ang pag tawa ni Hansel ng panunuya. 

"'Kala nyo lang, nasasaktan na yan. Umiyak pa nga yan ng makita sina Nicole at Layniel na mag kasama e. Masaya pa." Napasinghap naman si Mitchelle at nag aalalang tumingin sakin. Ngumiti ako sa mga ito ng pilit.

"Ano nararamdaman mo? Masakit?" Napangiwing tanong ni Connor sakin, saglit akong tumitig rito bago humiga sa damuhan at pinag masdan ang asul na langit.

"Masakit di maiiwasan yon," iniwasan ko umiyak. Parang nababara ang lalamunan ko at naninikip ang dibdib ko sa alaalang iyon. Umiinit rin ang sulok ng mata ko, huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili.

Ba't naiiyak ako?

"Ayos na ako, ayoko rin tumatagal ang sama ng loob baka kainin lang ako." Dagdag ko pa, tahimik ang mga kasama ko. Napatingin naman ako sa mga ito, naroon ang awa at pag damay sa mga mukha nito.

"Sorry," hinging tawag ni Mitchelle, ngumiti na lamang ako ng pilit at hindi na tumingin sa mga ito.

"Hayaan niyo na si Layniel, may dahilan yun..." tanggol ko pa ulit, narinig ko naman ang nag uuyam na tawa ni Hansel parang hindi sangayon saakin.

Alam ko kung bakit.

"Bilib rin ako sayo Daey, pinatatanggol mo pa si Layniel kahit nasasaktan kana." Saad ni Joy.

"Alam niyo kasi, hindi ako immature na na-stuck lang ang galit, gusto kong umusad tsaka sabi ni Mama. Mag patawad ang paraan." Palusot ko, sana lang talaga hindi nila mahalata.

Mabuti nalang si Layniel lang ang may alam kong nag sisinungaling ako o hindi.

Hindi na ako nagulat na malakas ang impact nito saakin.

"Tama ka," -Dominic.

"Kaya kayo wag na kayo magalit kay Layniel, ako naman yung sinaktan hindi kayo, tsaka wrong timing lang talaga itong relasyon namin kaya ganito yung ending." Dagdag ko pa, umingos naman si Hansel sa sinabi ko.

"Kaya nga kami ang galit kasi hindi ka galit e. Minsan naiisip ko Daey... apektado ka pero ayaw mong ipakita kasi yun ka diba? Gusto mo kang i-sarili. Naiintidihan ka namin kung bakit gusto mo i-sarili iyan pero hindi lahat ng pakakataon na kaya mo ang sarili mo. Tao ka rin tandaan mo yan."  Madiing wika ni Hansel bago ito tumayo sa pag kakaupo at nilayasan kami. Agad naman sumunod si Jane para kausapin ito.

Brainiac's Promise (Completed)Where stories live. Discover now