"Ikaw Daey?" Tanong sakin ni Jane parang curious rin kong ano trabaho ko.
"Doctor ako, surgeon actually." I said and put a little smile on my face.
"Wow, mahirap iyon buti kinaya mo, " tumango naman ako, tama ito mahirap talaga maging doktor lalo na't mahirap mag kamali. Isang pagkakamali ay posibleng mamatay ang pasyente. Pressure and Fear is always present at medicine.
Nang matapos ang mga pag uusap kanina ay hindi ako tumingin sa katabi ko at nag paalam na mag ccr kahit hindi naman. Hindi ko rin alam basta ang lakas ng kabog ng dibdib ko yun ang dahilan bakit ayaw kong lumapit kay Layniel.
Bakit naman kasi ang bilis ng tibok nito, hindi naman ako natatakot o ano.
Wala naman akong ginawa sa Cr pumunta nalang ako sa walang taong parte, sa teris ng venue na yun, hotel kasi ang kinuha ni Jane sabi pa nga nya nanghingi pa sya ng sponsor para mag kita-kita kami ulit.
Bumuntong hininga ako at hinawakan ang dibdib ko at tinapik tapik yun, medyo kumakalma na ito pero ewan ko talaga kong puso ko ba 'to o kay Layniel kasi naman parang master niya si Layniel makareact parang si Layniel ang may ari.
"Alam mo malamig dito," napalingon ako sa likod sa nag salita, bumlis ang tibok ng puso ko. Peste!
"Ayos lang," umiwas ako ng tingin dito pilit at lihim na pinapakalma ang puso ko na halos marinig kona sa kakatibok ng mabilis.
"Daen tell me, do you have someone?" tanong ni Layniel diresto sa mata. Napalunok ako dahil sa istura nito, mukhang seryoso ito.
"H-Ha? Ba't mo naman yan tinatanong," sabi ko na nautal pa. Parang nakakatawa naman 'to, natatae yata ang mukha ko dahil sa kaba.
"To make clear baka may kaagaw ako eh," 'to make clear' lang ang narinig ko kasi humina yung ibang mga sinasabi nito.
"Ha? Ano ulit 'to make clear' lang ang narinig ko," tanong ko ulit.
Nang may dumaan na lalaking dala ang baso with drinks kumuha ako at ganon rin si Layniel. Baka sakali kumalma ang puso ko kapag may pag kaabalahan ako.
"Napansin ko lang ha? Iniiwasan mo ba ako?" tanong nito.
Napansin ba niya?
Nakakailang kaya, lalo na't may something samin noon. Hindi ako nag pahalata na kinabahan, tipid lang ako sumulyap dito at ngumiti na malapit na sa ngiwi dahil mariin itong nakatingin sakin.
"Ba't ganyan ka ba makatingin ha?" asik ko para maiba ang usapan.
"Pano ba tumingin?" takang tanong nito.
"Parang gusto mo ko iuwi," sabi ko sa mahina na boses, ngunit sapat parin para marinig nito.
"Tama ka---" sang ayon nito, nanlaki naman ang mata ko at napaawang ang bibig sa pag sang-ayon nito.
"---gusto kitang i-uwi dahil sa suot mong yan, wala akong jacket eh kaya gusto i-uwi ka para matanggal mo ang makasalanang damit na yan," sabi pa nito. Napakurap ako sa mga sinabi nito, seryoso siya?
"Ha? Bakit mo naman gagawin yun 'di mo naman ako pag aari para i-uwi mo." Sabi ko, tama naman ako diba? I-uwi mo yung sayo, tsaka mag kakaroon ka ng robbery kong sakali, tsaka abogado naman siya alam kong alam niya yun.
Tumingin ito sakin at tumawa saglit at muli naging seryoso ang awra, bipolar siya o ano?
"Kaya nga gusto maging akin ka muli, kaya nga nandito ako sa harapan mo," deritsong sabi nito napakurap ako sa sinabi nya. Nakatingin ako sa mata nito na kinalunok ko ng makita kong walang halong biro yun.
YOU ARE READING
Brainiac's Promise (Completed)
Ficção Geral[COMPLETED] Quarrel of brainiacs. Brains VS. Brains Grade VS. Grade Hate VS. Hate But why does our hate went wrong? We used to be more than happy in our current lives but how the happy moments of past became past. Right person is everyone you see...