Chapter 20 -Enlightenment

112 14 6
                                    

THE DAYS BEFORE THE BREAK UP.

---

"Daey, si Layniel nakita ko kahapon, pero may kasama siyang girl?" Sabing tanong ni Ate Xeria sakin.

Natigilan naman ako at humarap dito at umiling, sabay buntong hininga.

"Ate sasabihin naman yan ni Layniel sakin eh, yun pa? Ayaw nga non may pag selosan ako kahit di ako selosa." I explained.

"Ah, ikaw bahala." -Ate Xeria.

IN CLASS.

"Layniel, 'kala ko sabay tayo?" Tanong ko dito, sinabi kasi nito sakin na mag sa sabay kami pero hindi naman ako sinipot sa tagpuan.

"Huh? Sa alin?" Tanong nito.

Bumuntong hininga nalang ako, nakalimutan ba nya? Hindi rin ito naka tingin sakin busy ito sa pag ano-ano man sa phone nya. Mukhang na papadalas ang pag gamit niya ng phone ah?

Hindi naman siya ganon no'n. Mas gusto yung dating siya kaysa dito.

"Akala ko ba sabay tayo? Nasa tagpuan ako mag hapon." Sabi ko dito, tumingin ito sakin nangunot ang noo nito.

"Wala namang usapan ah? Teka di ko maalala." Sabi nito na napakamot pa.

Mukhang nakalimutan nya? Ayos lang unang beses lang naman 'to eh.

RECESS.

"Layniel tara sabay tayo?"

"Huh? Ikaw nalang may kasabay ako sa susunod nalang." Tumango nalang ako sa sinabi nito at humakbang at tumingin muli dito, mukhang busy na naman sa phone?

Akmang mag sasalita ulit ako ng may dumating na babae, kasing edad ko lang. Nakita ko na siya minsan, hindi ko kilala. Nangunot ang noo nito ng makita akong malapit kay Layniel, nag tataka rin ako ng tawagin ni si Layniel.

"Nicole! Sabay tayo?" Tanong nito sa babaeng nasa pintuan, tahimik lamang ako at nakatingin sa mga ito. Pabaling baling ang tingin ko sa dalawa.

The Nicole girl glance at me for the last time, I just smiled for response.

LUNCH BREAK.

Wala akong baon para Lunch kaya kailangan ko umuwi, sakto naman ako dadaan sa tagong daan, medyo nahihiya kasi ako mag isa ngayon.

"Niel, may jowa ka?"

Napatigil ako sa narinig kong pag uusap, mukhang nasa loob ang mga ito sa kubong tambayan ng mga istudyante.

"Ha? Wala naman."

Kilala ko ang boses na yun.

Si Layniel?

Sumikip ang dibdib ko hindi ko rin alam. That words keep repeating in my head. Ano ba talaga kami? Ako lang ba nag assume na seryoso sya? Maybe it just me.

Ha?Wala naman.

Ha? Wala naman.

Ha? Wala naman.


NEXT DAY.

Hindi ko nalang inisip ang nangyari kahapon, siguro guni-guni ko lang yun? Tama-tama.

Hindi ko naman nakita yung mukha, hindi dapat ako nag iisip ng kung ano-ano. I'm smart and I'll use my head.

"Layniel, sabay tayo?" Aya ko at umupo sa harapang upuan nito. Ngunit mukhang abala ito ulit sa kanyang phone?

"Hoy!" Saad ko, nag isang palakpak pa ngunit hindi ito sumagot.

"Ano?!" Reklamo nito.

"Sabay tayo?" Sabi ko ulit hindi pinansin ang tono nito.

Brainiac's Promise (Completed)Where stories live. Discover now