Chapter 27-Dance

116 11 0
                                    

Tumayo ako dahil sinabi ng emcee na tumayo lahat ng girls at mag line up dahil mag pa-pair up na magaganap, ang mga walang kadate lang naman yun ang mag-li-line up, tumayo naman ako baka tanongin ako sino kadate ko, nakakahiya naman mag stay dun. Ganon din ang ibang boys na walang partner, ang mechanics ay pumunta sa harap kung sino ang kasama mo pumunta run yun ang first dance mo.

Ang lame pero minsan lang 'to at least diba may first dance diba? Baka walang mag yaya sakin, okay na yung isa.

Nang ako na ay huminga ako ng malalim at umakyat sa stage, nag tilian naman ang mga girls, nagulat naman ako sa nakapartner ko sa first dance. May first daw kasi baka walang sumayaw kapag walang pair up, talino talaga ng school na'to.

"Kuya Kult," saad ko. Isa sya sa mga nag approached sakin noon, medyo nag kausap narin kami noon, ayaw nyang tinatawag ko siyang Kuya dahil hindi daw sya matanda, nasa 3rd year palang kasi ito. Nanalo ito noon ng Mr. and Ms. NTCHS sila ni Ate Shakira. Kaya pala, inilahad nito ang kamay at inabot ko naman at sabay naglakad.

"Anong pangalan mo, ngayon lang kita nakita,"tanong nito. Babaero talaga kahit kailan. Well, hindi naman kami ganon ka-close pero sapat na iyon para malaman ko na babaero ito. Well, rumors spread like wildfire, isa do'n ang pagiging babaero nito.

"Kuya si Daey 'to," saad ko. Gulat naman itong napatingin sakin, ang mga reaksyon nila ay masyadong raw, gnon ba talaga ako kaiba sa Daeña na kilala nila? Para tuloy akong weird!

"Daey?!" tumango ako at mahina siyang tinawanan.

"Hindi kita nakilala, lalo kang gumanda," manghang sabi nito, pinaikot naman ako nito, natawa nalang ako at umikot.

Flattery. Kaya maraming babaeng nahuhulog rito sa matamis nitong pananalita. At hindi lang iyon pagkat matalino rin ito.

"Salamat," tugon.

Nang nasa table na kami ng 3rd year kong saan ang grupo nila Ren, Kent, Ian. Jan-jan, himala kilala ko pa sila? Sila yung mga kasapi sa marching band na kinausap ako.

"Pre sino na naman yan?" reklamo ni Kent, wari kong good boy sa grupo.

"Oo nga baka bago na naman yan," dagdag pa ni Ren. Iniwasan kong taasan sila ng kilay dahil hindi nila ako nakikilala.

"Ate wag ka mag papauto kay Kult ha?" sabi pa ni Ian.

Napangiti ako sa mga pinag sasabi nila mukhang hindi ako nakilala, tumango nalang ako ng pabiro, umakbay naman si Kuya Kult sakin, hindi ko tinanggal gusto ko pangang lokohin ang apat, mukhang hindi ako nakikilala, dahil sa bago ng pormahan ko ngayon.

"Bagong jowa ko 'to." yabang ni Kuya Kult sa apat, sumama naman ang mukha ng mga ito, si Kuya kult talaga ang tipo na maraming babae, hindi tumatagal ng 3 weeks, nabalitaan ko rin.

"Sayang ka ate nauto ka agad," hinayang sabi ni Jan-jan.

"Hindi niyo talaga ako kilala," sabi ko, nagtaka naman ito dahil mukhang pamilyar sa kanila ang boses ko.

"Kaboses nya yung baby girl? yung dancer?" si Ren.
Baby girl? Ano ako sanggol na babae?

"Oo, yung kinausap natin," si Ian.

"Pamilyar yang boses mo." Sabad ni Kent.

"Yung 1st year tama, kaboses nya." kunklusyon ni Jan.

"Ako nga 'to si Daey," sabi ko sinabayan ng mahinang tawa, tumayo naman ang apat at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Daey!!" sabay na wika nito.

"Hoy ang ganda mo." sabi ni Ren.

Hindi naman sa mayabang ako ah? Pero ganon ba kalakas ang alindog ko?

Brainiac's Promise (Completed)Where stories live. Discover now