Pagod na tinanggal ko ang surgical mask at pati ang pangkamay, pumunta ako sa may gripo at hinugasan ang kamay ganon rin si Kevin, si kuya Kult naman ay kakalabas palang.
"Nice work guys pahinga na kayo after nito, wala naman masyadong emergency si Desrell narin bahala sa paseyente kanina," pag katapos masabi yun ni Yakult ay umalis agad ito.
"Nakakapagod," Kevin mumbled.
"Ngayon kapa napagod?" biro ko dito, tama nga naman nakakapagod nga kahit nag aaral ka pangalang wala kanang tulog mabuti na ang kalagayan kapag may schedule na tulad ng ganito. Kailangan rin nito mag trabaho lalo na't may mapapangasawa na ito. Kung totoo man iyon hindi ako sigurado.
"Una na'ko," paalam ni Kevin sakin, tumango nalang ako at tinapos ang pag huhugas at kumuha ng tissue at napag desisisyunan kong mag bihis na, bago pumunta sa kwarto ng grupo namin para matulog.
Nang makabihis ay inayos ko ang buhok kaya lang naputol ang tali ko, mukhang matagal na ako hindi nakaka bili ng bago? Matagal-tagal narin itong pantali ko. May katandaan na, hindi naman kasi ako mahilig bumili tsaka nakakalimutan ko parati, kung lalabas ako, abot bewang pa naman ang buhok ko, pinag kakamalan nga ako ng ibang doktor na iba daw ang rehiyon ko dahil hindi ko daw naiisipan ipagupit ang buhok ko.
Noong high school ako nag papagupit talaga ako every August ewan ko rin kong bakit basta trip ko lang nasa 10 or 13 yan, pero ng mag Senior High ako wala na akong panahon sa sarili, trim-trim nga lang itong buhok ko. Hindi naman mainit dahil nakasanayan kong mag tali ng buhok pero ngayon mukhang kailangan ko bumili ng bago.
Lumabas akong nakalugay ang buhok ko, hindi naman magulo ang buhok hindi lang talaga ako sanay sa ganitong aura, malusog naman ang buhok ko at pag kakulot nga lang, mukhang mature akong tignan nito dahil sa lugay ang buhok, inilagay ko ang mga takas na buhok sa likod ng tenga ko, para hindi makalat tignan. Naka suot ako ng doctor's robe habang ang ilalim ay white blouse at skirt na pang professional.
Huminto muna ako sa nurse station, baka hanapin ako ng team, mabuti ng may nasabihan.
"Nurse Gia, kapag hinanap ako ng Team sabihin mo may binili lang ako sa labas ha?" malumanay kong sabi.
"Ang ganda nyo lalo Doc," sabi pa nito, tipid lang na ngiti ang tinugon ko. Hindi naman yun sagot e.
"Paki sabi nalang ha?" bilin ko tumango naman ito, binati naman ako ng ibang nurse ng 'good afternoon' ngiti lang sinagot ko.
"Mahaba pala buhok ni Doktora?"
"Mas gumanda siya lalo."
"Pero professional siyang tignan kapag naka tali buhok nya."
Hindi ko na pinansin ang mga sinabi ng ibang nurse dumiretso agad ako sa labas ng hospital pero hindi pa ako malabas ng tuloyan ay may dumating na mga ambulansya, may military truck rin sa likod. Tumakbo agad ako palapit sa ambulansya, tama nga hinala ko may mga sugatan nga mukhang marami sila hindi baba sa 15 na tao. Kritikal ang iba, tumakbo naman ako sa loob at tumawag ng tutulong, code blue ito kasi marami at kritikal pa ang iba at kailangan tagaling ang bala at patigilin ang dugo. Tsaka isa rin sa mga rules sa hospital ay always priority the patients inside the ambulance. Which is emergency.
"Nurse Gia, call the team, maraming pasyente sa labas," may kalakasang sabi ko tumilma naman agad ang mga nurse at lumabas para mag assist.
Isa-isa pinasok ang mga pasyente at halos mga sundalo ang mga ito, lumapit ako sa pinakamalapit na pasyente and made an compression to stop the bleeding, napaiigik naman ito, hindi ko na inabala ang buhok ko kinuha ko ang bala sa braso nito pag katapos n'on ay nilinisan ko ito at nilagyan ng bandage.
YOU ARE READING
Brainiac's Promise (Completed)
Ficção Geral[COMPLETED] Quarrel of brainiacs. Brains VS. Brains Grade VS. Grade Hate VS. Hate But why does our hate went wrong? We used to be more than happy in our current lives but how the happy moments of past became past. Right person is everyone you see...