Chapter 19 -Ordinary

122 16 0
                                    

"Daey nood tayo Takraw?" Tanong sakin ni Ate Ayen, yung kasama ko sa volleyball team?

Tumango naman ako parang nakakahiya naman kasi kong tanggihan ko, ng matapos ang laro namin kanina laban naman sa Slytherin, kami naman ang nanalo, kasi nasa Hufflepuff ang captain ng Volleyball kaya hindi kami nahirapan.

Bago pa man kami pumunta dun ay bumili ako ng tubig, diba yun naman ginagawa kapag may jowa ka?

Nakikita ko si Layniel ngayon nag lalaro, ang galing nya, lalo na kapag nasa sakanya ang bola madali nitong natamaan, sila kasi ang Takraw team para sa Griffindor.

Nanalo naman sila hindi ko talaga alam kong ano ang mga scoring ng laro ng Takraw ang sakin ay matatamaan ni Layniel ang bola o hindi.

Lalong lumawak ang ngiti ni Layniel ng makita ako, nag jog ito papunta sakin, hindi ko maiwasang iikot ang mata.

"Oh tubig." Sabay bigay sa binili ko kanina.

"Oyyy, sweet mo naman Daeña." Tudyo nito sakin.

"Ulol." Gagad ko dito, tumawa naman ito sa naitugon ko.

"Guys, guys si Layniel natin may no# 1 fan na?"

"Oo nga no?"

"May pa tubiggggg"

"Jowa ni bebe boi yan HAHA."

Napalingon kami ni Layniel sa nag salita sa likod mukhang yun mga kasama nito ang Team ng Griffindor. Dalawa lang kilala ko yun ay si Kuya Drake at Kuya Kult. Madalas ko narin sila nakikita kapag practice at kasama ni Layniel.

"Hi, Daeña." Bati sakin ni Kuya Kult.

"A-ah, hi po." Bati ko pabalik.

Tinatamad ako makipag usap ngayon.

"Tssk, akin 'to." Asik ni Layniel kay Kult. Tumaas naman ang kilay ni Kuya Drake mukhang nagulat sa tinuran ni Layniel.

"Edi sayo na." Taray naman ni Kuya Kult.

Nag patuloy naman ang lalo namin hanggang finals, kalaban namin ay yung hufflepuff kung nasan ang totoong captain ng Volleyball League ng school. Kinakabahan ako kasi pano kung matalo kami? Balita ko rin magaling mag plano ang Captain kasi Captain ba yun kong hindi magaling sa techniques.

Medyo napansin ko rin sa ka-grupo ko ay nag lalaro lang sila pero hindi yung athlete tulad ng iba hindi rin bihasa yung ibang shot nila.

Yung blocker naman sa grupo minsan, nalulutang hindi rin pagkakatiwalaan ang mga tira ko dahil para lang talaga to sa shuttlecock. Medyo may pag kapareho naman ang spike ng volley at badminton, kasi tinitira naman pero may rocket kasi yun tsaka hindi ako sanay mag exert ng force para malakas.

Sa huli natalo kami sa Volleyball, medyo nalulungkot ako pero magaling kasi ang kabila habang kulang lang kami ng insayo, hindi naman talaga ang field ko at hindi rin athlete yung kasama ko. Habang ang kina Layniel naman ay nanalo sila hanggang finals.

Tinanghal kaming 1st Placer sa Volleyball, Champion naman sa Takraw, Champion naman sa chess, Champion rin sa Exhibition Dance Competition, 1st sa Street Dance, para naman sa Dance sports ngayong foundation ay 2nd.

Overall ay 1st Placer kami.

Slytherin naman ang Champion mas marami kasi ang Champion nila kaysa samin. Pero ayus naman kasi masaya ang mga preparation, lutang moments ng Dance exhibition, na pag desisyonan ni Sir Gray na kumain kami sa labas kasama ng buong team.

Hindi naman nakalapit sina Layniel sakin kasi kasama ko ang Dancers, kinausap kasi ako ng mga ito, pag katapos naman ay ang Volleyball players.

"Hi, Daeña diba?" Tanong nito sakin, isa itong 4th year dahil sa taas at mature narin ang mukha nito.

Brainiac's Promise (Completed)Where stories live. Discover now