Last Chapter -Y, Es

233 14 3
                                    

"Layniel! Dali game na ng crush ko!" sigaw ni Niño, napatingin naman ako dito na ngunot ang noo. Area meet kasi namin ngayon at may mga games na laban, ngayon kakatapos ko palang ng sakin tapos ito na naman si Niño nangungulit ulit.

Crush eh GRADE FIVE palang kami may crush na siya?!

"Niño ayoko sumama..." sabi ko at sumubo ulit ng  fishball, pero nag pretty eyes pa ang tanga kaya ayon napasama ako. Parang bakla itong si Niño kong wala siguro itong crush baka napagkamalan ko itong bakla.

"Okay sign,  sandali lang ako dun ha?" sabi ko. Masaya naman itong tumango at hinila ako papunta kung saan ang crush na sinasabi niya, may Crush kasi ito akala ko imaginary lang tsk.

"Ayun siya ayun!! Go! Daeña!!!!" napatakip ako ng tenga sa lakas ng sigaw ni Niño, napatingin ako sa chi-ni-cheer niya, si Hansel at ang babaeng Daeña na tinatawag ni Niño. Ang ganda niya ha, Niño have good taste huh?

Para siyang pinagpapawisang anghel, hindi ko maiwasang tanongin ang buong pangalan nito kay Niño.

"Pangalan niya?" pa-inosente kong tanong.

"Daeña Thein Cain, Lay!" napaangat naman ang kilay ko, pamilyar ang pangalan nito hindi ko lang maalala kong saan.


--


Kinakabahan ako laban ko ngayon para sa DaMath regional, sabi ni Ma'am magagaling daw ang sinasabak rito. Nang makaupo ako sa pwesto ko ay may umupo agad sa harapan ko nanlaki ang mata ko nang si Ms. Badminton girl yun, hindi ko na maalala ang pangalan.

Nag shake hands naman kami bago mag simula hindi ko maiwasang hindi tumingin sa mukha nito, para talaga siyang anghel.

Nang magsimula na kaming mag laro ay mukhang seryoso ang lahat sa panunood, nahihirapan naman ako talunin agad ang kalaban kasi may mga bantay ito, may mga traps ito, kung isa ang kinakain ko sa kanya dalawa. Natagalan ang scoring namin hanggang natalo ako sa kauna unahang pag kakataon.

Niminsan hindi pa ako natalo sa ano mang ganitong laban mukhang ito si  Ms. Badminton girl ay unang tao nakatalo sakin.

I'm starting to get thrilled and liking her...



--


Unang araw ko para 1st year nakilala ko agad ang mga pamilyar sakin, si Hansel naman ang naging unang kaibigan madalas kasi itong sumali sa scouting kaya nag kakaclose kami kahit hindi same school noong elementary.

Napatingin naman ako sa loob ng room, hindi ko pinahalata na nagulat ako, si Ms. Badminton girl!

Kaklase kami yesssss!

"Pre siya ang sinasabi ko sayong crush ko since elementary." bulong sakin ni Hansel na kinatigil ko.

Wala ngang Niño pero ito naman si Hansel ang may gusto...



--



Nang malaman ko crush pala ni Hansel si Daen, dumistansya agad ako, nag kakasagutan rin kami sa room dahil pareho kami ng thoughts at answer at mag kasabay pa!

Tinahadhana talaga kami esh!

Nang kami lang dalawa mag kasama kapag tinatanong na mag jowa kami Oo agad ang sagot ko, ewan ko rin feel ko lang.

Nang nasa library kami hindi ko maiwasang hindi magkagusto kay Daen kasi, ang talino nya tapos ang ganda pa, tsaka ewan ko rin na glue ako sa isang 'to.

Ang lakas ng tibok ng puso ko kapag malapit ito, ewan ko rin parang may saltik puso ko.

May sakit ba ako?

Brainiac's Promise (Completed)Where stories live. Discover now