July One na?
Hindi ko pa alam kong ano ang isa sagot ko, kung Oo ba o hindi? Kasi naman eh, di ko nga alam ang mga yan! Malay ko ba?
Bakit ba kasi nya naisipan mag jowa jowa na yan? Nakakaguilty naman kong di ako susunod diba? Tsaka sekreto lang naman siguro 'to?
Nang ihatid kaming school ay kinakabahan akong pumunta sa room, sino bang hindi?
Nang makarating ako sa room ay wala pang tao at istyudyante, bumuntong hininga nalang ako masyado yata akong na paranoid? Kaya ganon?
Umupo ako sa upuan 'ko at inilagay ang baba sa dalwang palad at nag isip, hindi ko alam ang isasagot ko, kailangan ko pang patunay o ano man yun.
Napaigtad nalang ako sa gulat nang may narinig akong parang na hulog sa likuran ko, nanlaki naman ang mata ko ng makitang si Layniel yun mukhang nagulat rin nanakatingin sakin.
"D-daen ikaw pala?" parang gulat na wika nito. Tumango ako dito at napatingin sa walis na nasa sahig, mukhang yun ang nahulog ah? Mag lilinis sya? Nag lilinis sya?
"Nag lilinis ka?" takang na may halong pag kamangha na wika ko.
"Ayy grabi ka naman, nag lilinis ako oy mabait kaya ako." yabang nito nalukot naman mukha ko sa sinabi nya.
"Hoy anong tingin yan? Hindi ka naniniwala sakin?" turo nito sakin pakunwari nainsulto sa tanong ko.
"Hindi naman sa hindi ka nag lilinis, pero hindi halata sa mukha mo eh." walang halong biro kong sabi.
Tumayo nalang ako at tinulongan ito sa pag walis ng sahig at pag tanggal ng alikabok sa mga bintana, hanggang dumating si ma'am mukhang nagulat na maaga kami at naglilinis pa. Namangha pa ito kasi si Layniel lang talaga ang naabutan nya, mukhang matagal ng ganto si Layniel?
Si Layniel kasi ang taga hawak ng susi ng room namin kaya siya talaga ang nauuna at malapit talaga ang bahay nila sa room. At sya rin ang president kaya walang duda.
Dumating ang grupo nila Dominic at kasalukuyan naman akong nag tatanggal ng alikabok sa bintana ganon rin si Layniel, nagulat naman ang mga ito na makita kami, napalitan ang gulat ng tudyo samin. Napaikot nalang ang mata ko dahil agang-aga mag sisimula na naman sila.
"Tignan mo oh? same vibes sila?"
"Oo nga dre."
"Mag jowa 'to alam nyo duda na ako sa dalawang 'to eh"
"Alam mo Daey sino ba talaga kay Hansel at Layniel huh?"
"Alam nyo tumulong nalang kayo." sambit ko.
"Sus, iniiba mo lang usapan eh."
"Pakain ko 'to sayo gusto mo?" sabi naman ni Layniel sabay pakita ng basahan.
Nag tapikan naman ang mga loko at natatawang kaming tinignan at pumasok na sa room.
ENGLISH.
"Daen ano na sagot mo?"tanong ni Layniel sakin kasalukuyan kasi partner kami sa isang duo activity ng english.
"Di ko pa nga alam tanong eh." asik ko dito habang nililista ang mga tanong sa board ang tamad kasi mag sulat ni Layniel eh, tsaka di ko mabasa ang sulat nya, parang ewan ang sulat nito.
"Yung sa kasunduan natin." simple na sabi nito napatigil naman ako sa pag susulat tumingin dito, at inangatan ng kilay.
seryoso ba sya?
dito talaga?
"Alam mo Layniel nasa klase pa tayo mamaya kana mag kulit ano?" sikmat ko dito, napakamot naman ito ng ulo at ibinalik ko muli ang pag susulat.
YOU ARE READING
Brainiac's Promise (Completed)
Fiksi Umum[COMPLETED] Quarrel of brainiacs. Brains VS. Brains Grade VS. Grade Hate VS. Hate But why does our hate went wrong? We used to be more than happy in our current lives but how the happy moments of past became past. Right person is everyone you see...