We broke up.
Feels empty and quiet.
Hindi ko alam pero sa tamang buhay ko ngayon lang ako nakaranas ng pagkakulang sa isang bagay na hindi ko rin alam. Alam mo yun yung may gusto kang hanapin pero hindi mo alam? I feel that way.
Tulad ng dati pumasok ako sa school nagkrus ang landas namin pero hindi tulad ng dati na ngumiti sya o ano. Nilampasan ako nito tinignan ko ang likuran nito ngunit hindi ito tumingin pabalik.
"Daey! Andyan kana pala! Lika dali!" Salubong sakin ni Mitchelle, ngumiti ako rito at nag madaling puntahan ang gawi nito.
Panandalian kong nakalimutan ang kanina. Pero hindi parin ito mawala sa isip ko. Ang sakit kaya ma-deny pero hindi ko rin alam kong bakit naging kami diba sabi nila kapag nag rerelasyon dapat mahal mo?
Hindi ako sigurado kong mahal ko ba sya o ano? Malay ko ba at ang bata ko pa sa ganon.
Umiba ang mga posisyon ng mga upuan sa room dahil December na syempre malapit na rin ang Christmas party ng school. Ano kaya magaganap 'no?
Tulad ng karamihan nag bayad kami para sa mga pagkain siguro magiging masaya 'to. Sabi nga ng matatanda nasa highschool daw ang pinaka memorable sa lahat ng school years mo.
Wala akong magawa noong umagang yun kaya pumunta ako sa dating paboritong lugar. Walang klase dahil busy ang lahat sa preparation, pumasok ako para sa attendance tulad ng iba ganon rin ang kanila marami ring lumiban. Nasa kanila lang naman yun eh.
Tulad ng dati tahimik ako. Nag susulat nag babasa, hindi ko rin alam pero bumalik si Daeña na nerd. Pero ang kaibahan lang sa dati ay hindi na ako nag uuniform minsan nalang napansin ko kasing mainit pala yun kaya ID nalang ang sinu-sigurado ko.
Sa rooftop.
Napangiti ako ng makita ang mga silya dun hindi naman mainit ngayon dahil sa anino mga puno nakapaligid dun. Umupo ako sa isa dun walang sariling pinakiramdaman ang hangin.
"Daen..." sambit ng kung sino napatingin ako sa gawi ng boses napakurap ako ng makita si Layniel dun.
"Ikaw pala." Ilang na sabi ko.
"Ginagawa mo dito?" Tanong ni Layniel at tulad ko umupo ito sa isang silya dun.
"Papahangin." Maikling sabi ko tumango naman ito at katahimikan ang bumalot samin.
"Nakakamiss no?" Bilang sabi ni Layniel napangiti naman ako sa sinabi nito.
Nakakamiss nga.
"Ano ba nangyari satin." He said then sigh. Ako rin tinatanong ko rin yun siguro oras na nag sasabi na hindi talaga kami para sa isa't isa. Maybe this way we can understand.
Challenging the fire can burn you out. And we got burned.
"Hindi ko rin alam." Bulong ko.
"Pero gusto kong makipag ayus sayo," sabi ko. Alam ko bata pa kami sa ganito tama na sigurong sinubukan namin yun mabuti nga nalaman namin ang kakahantungan kapag masyadong bata pa kayo sa ganon.
No hard feelings, and no feelings anymore is better cure for a broken heart.
Hindi ko alam masakit pala yun.
"Hnmm, ayos lang sakin." Sang-ayon nito na tinanguan ko.
"Kaibigan na tayo ha?" Sabi ko pa tumingin naman ito sakin at tumango.
"Payakap isa lang." Request ni Layniel.
Tumango naman ako at tumayo at niyakap ito. Ang init 'non parang di nakakasawa. Naramdaman ko ang pag tulo ng tubig sa bandang balikat ko uulan ba? Pinahid ni Layniel ang takas na luha pero hindi ko napansin yun.
YOU ARE READING
Brainiac's Promise (Completed)
Beletrie[COMPLETED] Quarrel of brainiacs. Brains VS. Brains Grade VS. Grade Hate VS. Hate But why does our hate went wrong? We used to be more than happy in our current lives but how the happy moments of past became past. Right person is everyone you see...