Nagets ba nya?
Teka ba't ako worried?
Ano naman kung hindi ma-gets?
Di naman yung big deal diba?
Bakit ko ba iniisip 'to?
Ngayon palang na nasa harapan palang ako sa gate ay kinakabahan ako, bakit nga ba? Bumuga ako ng hangin at nag simulang pumasok sa campus, sakto naman ay tumunog ang bell kaya hindi na ako pumunta sa room para ilagay ang bag kasi mahuhuli ako sa Flag Ceremony. Nag line up ang iba ganon rin kami sa pwesto namin.
"Good Morning Ate." bati sakin ni Meran sa halip na ngitian ko sya ay napansin ko ang bugbog nitong braso, at may pagka maga ng mga kamao nito.
"Meran ba't ganyan ang kamao mo? May nangyari ba?" tanong ko, mukhang nagulat ito at namutla at pilit na ngumiti at umiling.
Hindi ako nito inimik mukhang ayaw akong sagutin, ba't ganon yun ito ang unang pag kakataon na hindi ako nito sinagot mukhang ayaw nitong sabihin at halata naman na pilit lang ang ngiti nito. HIndi naman ako nag tanong pa dahil nag simula nang tumugtog ang National Anthem at hindi rin ako mahilig mag tanong ng mga sensitibong bagay.
Habang nasa 'Panatang Makabayan' ang lahat nakuha ng aking pansin ang taong nasa flag pole na mukhang nakatingin rin sakin. Napalunok ako nang makitang nakatingin rin si Layniel sakin.
Tama si Layniel ang nasa Flag Pole, at nakatingin rin sakin, mukhang pinipigilan nito ang supil na ngiti nito sakin.
Buong Flag Ceremony ay nakatingin lang sakin si Layniel naiilang ako, hindi ko nalang pinansin baka paranoid lang ako dahil normal lang syang mapapatingin sa direksyon dahil nasa harap ito at nasa gitna rin ang pwesto namin hindi naman siguro yun sinadya.
Tama, tama!
Nang matapos na ang Flag ay nag simula ng mag lakad ang iba papunta sa kani-kanilang room, ako naman hindi ko parin matanggal sa isip ko ang tingin ni Layniel sakin kanina, kong sakin ba talaga yun, pero bakit parang sakin nga?
Napaigtad ako ng may humawak ng balikat ko, mukhang nakarating na ako sa harap ng room. Lumingon ako gumisng ng diwa ko, nakita kong tinanggal nito ang kamay sa balikat ko at kinalas ang pag kakatali ng necker chief mukhang humigpit ito at nahirapan. Nairita ako ng minumura nito ang necker chief, para syang tanga.
"Ano ba matanggal ka!" sigaw nito habang sinusubukang tanggalin ang necker chief, halos malukot ang mukha ko sa kainggayan nito, napapatingin ang ibang istyudyanteng papasok palang sa kanilang room na dumadaan sa parteng yun. Nakakahiya itong kasama, kunting problema lang ay mag mumura ito.
"Ako na nga dyan, tsaka tumabi ka nga nakakahiya ka. Hawakan mo bag ko." utos ko dito, hinablot ko ang dulo ng pulang necker chief nito at sinimulang I untie ang necker chief nito.
"Oyy guys oh!"
"Sila Layniel ginagawa nila?"
"Nag hahalikan sila?"-si Joy (lalaki)
"Tanga nakita mung tinatanggal yung necker chief ang issue nyo!" asik ni Layniel.
Binatukan naman ng grupo ni Dominic si Joy na nasira na naman ang mga pang aasar dahil sa kanya. Minsan maganda ang kalabasan ng kalutangan ni Joy 'no?
Nang matapos ay kinuha ko ang bag dito at pumasok sa room at umupo sa upuan, kinabahan ako ng makitang si Layniel kinuha ang bag nya at nag lakad palapit sa direksyon ko. Bigla namang tumayo si Meran na nasa tabi ko, napalingon ako dito at pinandilatan syang mensaheng wag ito umalis kaso ngumiti lang ito sakin sabay peace sign at umupo sa bakanteng upuan na katabi ni Jane.
YOU ARE READING
Brainiac's Promise (Completed)
General Fiction[COMPLETED] Quarrel of brainiacs. Brains VS. Brains Grade VS. Grade Hate VS. Hate But why does our hate went wrong? We used to be more than happy in our current lives but how the happy moments of past became past. Right person is everyone you see...