Kinakabahan, di mapkali, basta hindi ko alam ang gagawin ko, kung noon mag babasa ako buong weekend pero ngayon hindi ko alam wala ako sa mood mag basa. Inilundag ko lalo ang sarili ko sa kama at niyakap ang unan at dumapa kinagat kagat ko pa ang balat ng unan wari kong di naman na sasaktan.
Bumangon ako at pumunta sa CR at nag hilamos nag toothbrush narin, ngunit ng matapos ako ay tumigil ako sa harap ng salamin at tinignan ang sarili ko dun.
Hindi ako bata tignan dahil malaki at matangkad ako kung sa ibang paaralan ay pag kakamalan akong 4th year. Ngunit mas matangkad nga lang ang iba kung kaklase pero masasabi kong matangkad ako.
Hindi ako makapaniwala na may karelasyon na ako sa edad na'to kung sa mga tulad ko normal pero iba kay lola, at ibang sinaunang taong papaniwala di naman kasi maalis yun.
"Daey nasa labas ang kaklase mong si Layniel!" sigaw ni mama mula sa labas na kinagulat ko.
's-si Layniel?'
Hindi na ako sumagot inayos ko ang buhok ko na nag kakalat pa at tinali ito ng pony tail, at nag bihis narin ng damit pang bahay, at binaba kung totoo bang nasa labas ng si Layniel.
"L-Layniel." gulat kong sambit lumingon naman ito, at ngumiti ito, totoo ng nandito ng ito pero bakit naman?
"Oh, Daey at Layniel iwan ko muna kayo ah?" paalam ni Mama na nakaupo ka nina mukhang nag usap sila Layniel. Tumango ako bilang tugon at umupo sa harap na sofa na kinauupuan ni Layniel.
"Naparito ka Layniel?" tanong ko dito.
"Eh kasi pasyal tayo?" tanong nito, nangunot naman ang noo ko, hindi ako pinapayagan ni mama umalis ng agad agad at kahit saan.
"Si Mama di yun papayag." sabi ko.
"Pumayag na si Mama, Daen." tawa nitong sabi.
"Mama ka dyan ulol." asik ko tumawa naman ito sakto naman dumating si mama na may dala na juice, inispoil pa si Layniel ah? pag ako nandito sa sofa wala namang juice?
"Ma, ba't may juice?" tanong ko at inilapag nito ang juice sa harapan ni Layniel, tinignan naman ako ni Mama ng masama at binatukan, napakamot ako dun.
"Manahimik ka Daey bisita mo yan." napasimangot ako sasinabi nito. Ba't naman kasi may juice?
"Ma pinayagan mo daw ako sumama dito?"tanong ko sabay turo kay Layniel.
"Oo naman nak, tsaka mukhang importante ang project nyo sinabi sakin ni Layniel na kailangan ka dun kaya G lang." Napaawang ang labi ko sa sinabi ni Mama, at umalis na ito sa sala.
"Group project? kailan tayo nag ka project eh 1st quater palang?" tanong ko dito.
"Alam kong di ka papayagan kaya project nalang sinabi ko." palusot nito.
Nang malaman ko yun ay nag paalam ako dito na mag hintay muna sa sala kasi maliligo ako sa kwarto, ngunit ng matapos ako maligo ay nag bihis na rin ako banyo pag kalabas ko ay nakita ko si Layniel sa kama ko naka indian sit sa dulo at nag babasa ng isa sa mga libro ko, biology?
"Woy, ba't nasa kwarto na kita? di ba sabi ko sa baba?" asik ko dito at kinuha ang suklay at sinuklay ang buhok at tumingin muli dito.
"Pinakyat ako ni Mama eh--I mean mama mo hehe." tinaasan ko naman ito ng kilay.
Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang Hair dryer sa kwarto at humarap kay Layniel mukhang inip na kakahintay.
"Sa'n ba tayo pupunta?" tanong ko dito bigla ito tumayo at hinila ako pababa at sumigaw ng nasa sala na kami.
"Ma! Alis na po kami ni Daen." sigaw nito sabay hila sa labas, maka 'ma' to parang nanay nya oh?
Tumaas ang kilay ko ng makitang may motor sa gilid ng bahay namin, nag momotor sya? Bata pa namin bawal sa kalsada ang gulang namin, it's against the law diba?
"Woy bawal mag motor ang bata diba?" tanong ko dito, kibit balikat lang ito at ibinigay ang isang helmet sakin, sabagay di naman kaming mukhang 14 eh HAHA mukhang kaka 17 ko pala sa Height at pangangatawan ko, mature talaga tignan.
"Baka maaksedente tayo ah?" kinakabahang sabi ko dito.
"Kumapit ka malamang." attitude na sabi nito.
Kumapit ako sa damit nito ng nag simula ng umandar ang motor at nag simula ng lumayo sa bahay, habang nasa byahe ay hindi ko alam kong san kami papunta? Hindi naman kasi ako mahilig lumabas ng bahay kaya wala akong kabisadong lugar, mukhang mahilig umalis-alis itong si Layniel kabisado eh.
Nasa pataas kami? Ba't naman pataas?
Nang huminto ay walang imik kaming bumaba ni Layniel sa motor, napatingin ako sa paligid, ang ganda. Full view ito ng syudad, ba't alam nya lugar na'to?
"Ang ganda." mangha kong sbai , napatingin naman ako dito mukhang nakatingin rin ito sa view ng syudad.
Medyo may kalayuan pala ang syudad, medyo tago rin ang bahay namin kailangan ko pa sumakay para maka uwi, nasa syudad kai ang High school kaya malayo layo.
"Pano mo nalaman ang lugar na 'to?" tanong ko kay Layniel na kasalukuyang naka upo na kaming dalawa sa kumot na inilagay ng kanina, may pag kain rin ito na nasa U box ng motor, mukhang pinag handaan eh.
"Wala kasi akong maisip tsaka sekretong lugar natin 'to ha? Maganda 'no?" tanong nito ngumiti ako at tumango.
"Pero mas maganda kapag sunset Daen, misan kapag may problema ako dito ako pumupunta." saad nito sakin.
"Sige mamaya hintayin natin sunset."sabi ko na kinangiti nito.
Buong buhay ko naging masaya ako g kakaiba man pero masaya, ewan ko pero masaya pala kapag ganito? Nag tatawanan kami ni Layniel dahil sa mga kwento nito noong nasa elementary ito, ganon rin ako.
"May nakalaban akong babae noong G3 ata yun? Alam mo ba natalo nya ako! Pero di ko malala pangalan niya." sabi nito, kinabahan naman ako dahil alam kong ako yun sa Damath contest yun, natalo ko sya kasi may Triple Move akong nagawa na ng palamang sakin ng isang point ng over all.
"H-huh?" kinakabhan kong tanong.
"Damath yun eh. Alam ko yun kasi unang talo ko yun sa Damath." tama nga ako!
"Layniel ako yun hehe." sabi ko napatingin naman ito sakin ng gulat, napa peace sign naman ako dito.
"Ikaw yun?!" gulat sabi nito, tumango ako habang nakangiwi.
"Wag kana magalit natalo mo naman ako sa Rubic eh." pakamot kong sabi.
"Oo nga mas magaling ako dun." yabang nito, halos di maipinta ang mukha ko sa sinabi nito.
HIndi namin na malayan na malapit na ang sunset napatigil kami sa pag sasalita ng mag sunset na, mas lalong gumanda ang paligid dahil sa ilaw ng mga bahay sa baba at orange, pink, light blue na kulay na pinag halo hindi ko maintindihan basta parang kalawang ang iba nito. Ngunit di naman wala ang ganda ng paligid gayun paman ay nadag dagan.
Nang matapos yun ay inuwi ako ni Layniel sa bahay, hindi narin ito pumasok sa loob kasi baka daw hinahanap ito ng magulang. Ang paalam nito sa magulang nito ay gagawa ng project sa bahay namin, ang walang hiya ginamit ang inosenteng project para ma-date ako.
"Nak ayos na ba project nyo?" tanong ni mama na lihim ko kinangiwi.
Project pangga.
"Opo, papasa siguro namin kapag Lunes na?" sabi ko, halos hindi ko masabi yun, kasinungalingan eh.
Layniel's POV.
"Nak ano nang yari sa project nyo tapos na ba?" tanong ni mama sakin, napangiti naman ako sa naalala ko.
"Opo ma success po." I grin then kiss my mom on cheek.
"Mukhang masaya ka ah?" takang tanong nito.
"Opo nakascore ko po, I mean makakascore po kami nito sa lunes." lihim na ngiti kong sabi.
Halos lahat ng plinano ko ngayon ay natupad, masaya ako dahil sa mga naganap kanina.
Sana tuloy-tuloy na'to?
-crypticallyred.
YOU ARE READING
Brainiac's Promise (Completed)
General Fiction[COMPLETED] Quarrel of brainiacs. Brains VS. Brains Grade VS. Grade Hate VS. Hate But why does our hate went wrong? We used to be more than happy in our current lives but how the happy moments of past became past. Right person is everyone you see...