Hindi naman ako mukhang pokpok tignan pero why I'm so bothered at my look today?
Tsaka malaki na naman ako, 24 na nga eh bakit pa ako nag iinarte gusto na nga ni Mama mag ka apo, kala nga niya baog ako kasi wala daw akong anak, o tibo daw ako dahil wala rin akong jowa. Gusto kong sabihin sa kanila na sinumpa ho ako ni Layniel. Dahil simula sa kanya hindi na ako makatipo sa iba o abnormal lang ako.
Huminga ako ng malalim at tinignan muli ang sarili sa salamin, wala akong maisip na hairstyle sa buhok kaya naka lugay ito, medyo kinulot ko ng kunti para maalon tignan, hindi ko rin kinapalan ang ayos ko, masakit sa mukha eh, halos 'di na nga ako nag lalagay ng kung ano-ano sa mukha ko kapag nasa hospital ako, kapag may espesyal lang na panauhin lang ako lalagay ng ganito.
Tsaka ayoko sirain ang expectations ni Jane 'no.
Nang makalabas ako ng bahay ni-lock ko ito at nilagay ang susi sa bag, at sumakay sa kotse at nag drive kong saan man ang venue ng reunion na magaganap, maya maya nakarating ako sa venue na sinasabi nito. Mas lalo akong kinabahan, hindi ko rin alam basta kinakabahan ako.
Matapos ko mapark yung kotse ay lumabas ako sa kotse at nag lakad papunta sa entrace, nangunot naman ang noo ng nasa harapan ko, si M-Meran ba 'to?
"M-Meran?" paninigurado ko, takang tumango naman ito, mukhang may inaabangan ito sa entrance?
"Ah hi," sabi nito mukhang naiilang, mukhang medyo hindi na inosente si Meran ha, pareho kami mukhang we had process, dami palang katangan ang ginawa ko n'ong 1st year pero 'di ko man lang napansin.
"Ate Daey," sabi ko. Nanlaki naman ang mata nito at tinignan ako mula ulo hanggang paa, napailing nalang ako at tumawa.
"Ate?! Ang ganda mo hindi kita nakilala," biro nito, napatingin naman ako dito, maganda si Meran makinis mukhang maalaga ito sa katawan, seksi matangkad halos lampasan na ako nito, may lahing Foreigner yata itong si Meran 'di ko napansin, madali ko lang nakilala si Meran kasi medyo naging matured lang naman ang mukha nito at mahilig talaga akong tumingin sa mukha nya noon.
Para siyang buhay na manika, ang cute niya parin kahit malaki na sya.
"Ang ganda parin ng baby ko," sabi ko dito, napatawa naman ito mukhang naalala ang tawag ko sa kanya noon. Iniwasan kong kurutin ang mukha nito dahil baka masira ang make up nito, sayang naman.
"Pasok kana ate. Taga welcome ako ngayon inutusan kasi ako ni Ate Jane." pamaktul nito na wari kong biro lang, napailing ako at nag paalam dito at pumasok sa loob.
Maganda at malawak sa loob may mga desinyo rin na ayos sa araw na 'to, narito na rin karamihan ang ibang kaklase namin, mga matured na sila halos lahat kong tignan may pamilya na. Nakita ko si Kevin kumakaway, ngumiti naman ako at lumapit nag taka ang ngiti ko ng makita ko may inaakbayan ito na babae.
"Hi, Daey asawa ko pala," pakilala nito sakin sa magandang babae na akbay ni Kevin, mukhang masaya sila pabirong siniko ng babae si Kevin hinimas naman ni Kevin ang nasikong parte.
"'Wag mong pansinin ang isang 'to, I'm Sarah his fiance by the way, feelingera lang isang 'to," sabi ng babae at tumingin pa kay Kevin.
"Papunta na rin iyo dun." Sabad ni Kevin at hinimas-himas ang tiyan na parte ng babae na si Sarah. Napangiti na lamang ako, cutiee.
"Nice to meet you," magalang na sabi ko.
Napaigtad naman ako ng may umakbay sakin, tumingin ako dito maganda ito sino ba 'to? 'Di ko makilala.
YOU ARE READING
Brainiac's Promise (Completed)
Fiksi Umum[COMPLETED] Quarrel of brainiacs. Brains VS. Brains Grade VS. Grade Hate VS. Hate But why does our hate went wrong? We used to be more than happy in our current lives but how the happy moments of past became past. Right person is everyone you see...