Ika-limampu't siyam na Alaala

106 19 2
                                    

Ika-limampu't siyam na Alaala

+Huling Sayaw+

Agosto. 14, 1892.

Nilapag naming dalawa ni okasan ang mga dish na hinanda namin para sa date nila grandma'. Hindi pa sila dumadating, kaya tinignan ko muna kung ga'no kaganda ang ginawa naming pag-decorate sa abandunadong bahay.

Puno ng ilaw ang buong paligid at parang aesthetic pa nga ang theme ng lugar. Si Happyfeet ang nakaatas na sumundo kayla grandma' mula sa palengke ng San Barosa. Sana maging memorable ang araw na 'to para kay Luego't grandma'.

Pero may ilang mga tanong ang nanatiling hindi masagot na nagdudulot ng lungkot sa mukha ko. Bakit ba hindi 'to maalis sa isip ko? Sa tuwing iisipin ko... sobrang bigat niya sa dibdib. Lagi 'tong nangyayari kapag tumutulala ako.

"O, ano na namang iniisip mo, Maxifina?" tanong sa 'kin ni okasan kaya itinungo ko ang mga balintataw sa mukha ni okasan.

"Iniisip ko, okasan... kung kaya ni grandma' na kunin si Luego mula sa batas ng oras; bukod sa trabaho nito't kasaysayan na nagawa; may malalim pa bang dahilan kung bakit hindi sila pwedeng magsama?" tanong ko.

"Bakit mo naman natanong 'yan?"

"Kasi po... iniisip ko kung pwede bang magsama ang dugo ng manunumpa at ng kanilang isinumpa." Sagot ko kaya seryoso akong tinignan ni okasan.

"Maxifina, ano't nag-aalinlangan ka sa pag-iibigan niyo ni Ji?" tanong ni okasan.

"Isipin mo kasi, okasan. Ano ang epekto no'n? 'Yan ba ang isa sa mga dahilan kung bakit mo po ako no'n pinagbawalan na ibigin si Ji?" tanong ko kay okasan mismo sa mata.

"M-Maxifina,"

"Anong posibleng mangyari kung nagkaro'n kami ni Ji ng supling? Ano, okasan?" tanong ko, pero nahagip kong kinagat niya ang ibabang labi niya kaya seryoso ko siyang tinignan, "...Sagutin mo ako, pakiusap, okasan."

Yumuko lang si okasan dahilan para mawalan ako ng paunti-unti ng pag-asa kay Ji para sa 'kin. Halatang hindi niya alam ang sagot. Sino ba naman ako para tanungin 'yon? Malamang na ang mga Loperaza lamang ang nakakaalam ng sagot ukol d'yan.

Tumingin na lang ako sa lapag habang nakaupo sa hagdanan. Nang may humawak ng dalawa kong kamay, tumingin ako kay okasan matapos niya 'yon gawin. Ngumiti siya sa 'kin at hinawakan ang pisngi ko.

"Marahil ay hindi ko alam ang sagot ukol sa misteryo ng mga Loperaza, ngunit nandito ka upang hindi matuloy ang sumpa, 'di ba? Sa paggawa mo no'n ay maraming mangyayaring kapalit sa hinaharap. Ngunit sa pamamagitan no'n, maraming magagandang kapalit." Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko, "...Paghusayan mo pa, anak ko. Ang mga Fuentes ay nakasalalay sa 'yo."

Sa akin sila lahat, itinalaga.

Hindi pa nagtagal ay dumating na sila Luego at grandma'. Kasama din nila si madam Victoria na mukhang mas bitter pa sa ampalaya. Masasaya silang humakbang papasok ng bahay. Nagkasalubong pa ang mga mata namin ni Ji na nakapagpalungkot sa dibdib ko. Iniisip, pwede ba kaming magkasama sa pang habang buhay?

"Wow, ang ganda naman ng lugar, Maxifina!" puri sa lugar ni grandma'.

Umiling ako't tumingin kay okasan, "Magpasalamat ka, grandma' kay okasan. Siya ang nakaisip na bigyan kayo ng date." Tugon ko.

"Ay, gano'n? Edi thank you, Melissa. Salamat sa effort." Pasalamat sa kaniya ni grandma'.

"Ang mahalaga naging matagumpay ito." Saad ni madam Victoria.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon