Ikatatlompu't tatlong Alaala

122 28 1
                                    

Ikatatlompu't tatlong Alaala

+Pagtatangi+

Marso. 04, 1892.

Maaga na naman akong naabala ng mga kasama ko dito sa silid. Nakakaloka dahil sa ingay nilang dalawa... grabe. Wala na ba 'tong break man lang?

"Polina... hindi na ako sasama sa iyo kapag plano mong bumili pa ng mas marami pang mangga. Hindi na matutuwa nito si kuya sa iyo... ginagawa mo akong iyong alila." Naka-pout na saad ni Fiona habang nililigpit ang higaan niya. Kinusot ko naman ang mata ko.

"Sigurado ka ba d'yan, Fiona? Wala ka bang konsiderasyon?" Pagmamakaawa pa sa kaniya ni Polina. Tinarayan lang siya ni Fiona.

"Konsiderasyon? Mabuti't alam mo pa ang salitang iyan... dahil wala ka talaga no'n, simula kahapon. Kaya't magpasalamat ka pa at panatilihing manalangin sa Diyos dahil baka mamaya, makalimutan mo na ang salitang 'utang na loob.'" Sarkastikong saad ni Fiona habang poker face na nakatingin kay Polina na nakanguso na ngayon.

"Grabe ka naman, Fiona. Wala ka namang ibang pagkakaabalahan, ah?" Pilit pa sa kaniya ni Polina.

"Polina... bakit ba ang kulit-kulit mo ngayon, ha? Sinabi nang ayaw ko." Kalmadong saad sa kaniya ni Fiona.

Tumayo naman ako, para ligpitin ang higaan ko. Nakakaloka 'tong dalawang 'to. Isang isip ko lang sa Watch 1000 ko na magpa-teleport ng mga mangga dito—solve na problema ni Polina, eh.

Kaso, ayoko, eh. Bahala sila d'yan.

"Fiona..."

"Sinabing ayoko, Polina. Huwag mo kong sagadin." Babala sa kaniya ni Fiona habang dinuduro na si Polina.

Samantalang, ako. Kumukuha na lang ako ng mga susuotin ko kasi may dalawang pagsubok pa ko sa Teresa na 'yon, at kay Gabriella.

Matapos kong makuha ang lahat ng kakailanganin ko, pumunta na ko sa banyo namin para makaligo na kasi hindi ko na talaga makakaya ang mga away nilang walang kwenta.

Nang makatapos na kong makaligo, lumabas na ko ng banyo, at dumiretso lang sa kama ko, kasi alam ko namang mga walang kwenta ang pinag-uusapan nila.

"Ate Maxifina?"

Tuloy lang ako sa pagsuklay habang napatingin kay Fiona at Polina na taka akong tinitignan dahil sa mabilis kong pag-aasikaso.

"Bakit?"

"Saan ang punta mo? May kasama ka bang kakain sa labas?" Tanong ni Polina habang nakangiti sa 'kin. Napangiwi na lang ako sa tinanong niya.

Date? Psh! Wala ko no'n!

"Wala, noh. Grabe naman, Polina. Sasamahan ko lamang si Gabriella at Teresa sa gagawin nila." Paliwanag ko habang patuloy pa ring nagsusuklay ng buhok ko.

"Ah. Kala ko kasi, may kasama kang kumain sa labas. Mag-iingat ka, Maxifina, ah?" Tumayo ako, at pinatong sa side table ang suklay bago tumango't ngumiti sa kanilang dalawa.

"Oo naman. Kayo din, ha? Mag-iingat kayo sa pamimili ng mga mangga." Natatawa kong saad sa kanilang dalawa bago ako lumabas ng silid ko.

Naglalakad lang ako ng payapa papunta sa silid nila Cristina. Sinabi kasi ni Gabriella na doon ulit kami magkikita-kita dahil doon lang naman ang safe place for them.

Pero bago pa ko makatapak sa ikalawang hagdan ng dormitory building nila, may narinig na kong parang nagkakasagutan. Kaya naman, minadali kong makaakyat.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon