Ikadalawampu't tatlong Alaala

164 34 0
                                    

Ikadalawampu't tatlong Alaala

+Alamin ang Dalawa+

Pebrero. 11, 1892.

Nagising ako dahil sa nakakairitang katok sa pinto ko. Wala naman kaming bisita, pero wagas kung makakatok ng pinto. Binuksan ko naman, at mukha ni Doña Besalinda/ina ang bumungad sa 'kin.

"Ina? Ano po't kay aga-aga ang lakas niyo kumatok?" Tanong ko habang kinukusot pa ang mata ko. Narinig ko naman ang pagtawa niya ng mahinhin, kaya poker face akong tumingin sa kaniya.

Seryoso?

"Iyon ba? Nais ko lang sanang yayain ka magluto ng almusal? Alam mo kasi, kami ng iyong ama ay magkakaroon ng limang araw na pagtitipon para sa isang mausisang pagpupulong tungkol sa mga sinusulong na negosyo." Natigilan ako sa sinasabi ni Doña Besalinda/ina.

Aalis sila?

"Mamaya na po ba iyan, ina? Bakit naman po apurahan?" Tanong ko.

"Balak sana namin ng iyong ama na magpatakbo ng isa pang negosyo, bukod sa pag-aani ng mga iba't ibang produkto mula sa Hacienda natin. Balak naming magkaroon ng minahan." Sagot ni Doña Besalinda/ina.

Balak nilang magkaroon ng minahan? Minahan ng ano? Bigla na naman tuloy akong kinabahan kung bakit mas ninanais ni Plastic na siya na ang maging bagong Gobernador Cillo.

Dahil ba 'yon sa minahan?

"Minahan po, ina?" Tumango siya sa 'kin.

"Tumpak, at isang minahan ng mga GINTO."

Futunginamers!

"...Alam mo kasi, Maxifina. Ang mga limang ilog ng lawa ay sagana sa yamang mineral—o mga ginto. Sinabi sa amin 'yon ng isang magsasaka sa ating Hacienda, matapos niyang aksidenteng natuklasan iyon nakaraan, bago ka namin sunduin sa Maynila. Kaya bilang kabayaran sa ibinigay niyang impormasyon... mas tumaas ang pasahod sa pamilya niya kada-buwan." Dagdag niya.

Hindi lang pala malungkot ang alamat ng lawa, may iniwan din itong kayamanan para sa kanila—na hindi binabanggit sa alamat. Kaya siguro kami nanatiling mayaman hanggang sa panahon ko dahil sa minahan na 'to.

Malamang din sa malamang, binayaran na nila ng maraming pilak ang magsasaka na 'yon para hindi na ipagkalat ang balita.

"...Kaya mawawala kami dito ng mga ilang araw. Nais ko lang iparating na nais muna kitang makasamang magluto ng almusal dahil hindi na kita makakasamang mag-almusal ulit kapag umalis kami." Dagdag pa ni Doña Besalinda/ina.

Ngumiti naman ako sa kaniya, at tumango. "Opo, ina. Maliligo lang po ako." Sabi ko sabay tawag kay Melissa.

Kailangan naming mag-usap.

Kasalukuyan na kong nakababad dito sa kahoy na bathtub habang kinukwento ko kay Melissa ang lahat ng sinabi ni Doña Besalinda/ina kanina.

"Binabalak na pala nila magpatakbo ng isang malaking minahan. Maxifina... ilang buwan na lang ang hihintayin mo, at siguradong magkakagulo na dito. Nakakatakot lang na mauulit ulit ang lahat ng nasaksihan ko dati." Sabi ni Melissa.

Ngumiti lang ako sa kaniya, at umahon na sa bathtub na kahoy. Baka naiinip na si Doña Besalinda/ina sa paghihintay sa 'kin sa baba. Inabutan naman ako ni Melissa ng towel.

"Dress exchange." Mabilis na napalitan ang suot ko. Naging pink na baro, at cyan na saya.

Bumaba na ko sa kusina matapos kong mag-'dress exchange.' At hindi nga ko nagkakamali. Naghihintay na nga si Doña Besalinda/ina sa 'kin. Syempre, kasama ko pa rin si Melissa dito.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon