Ika-tatlompu't siyam na Alaala

116 27 1
                                    

Ika-tatlompu't siyam na Alaala

+Sugat+

Abril. 04, 1892.

Kakagising ko lang mula sa pagkakatulog at mukhang tanghali na ko nagising. Kaninang madaling araw lang kasi kami nakadaong ang barkong mulang Maynila sa pantalan ng San Aprosa kaya puyat na puyat pa kami.

Kinusot ko naman ang mga mata ko kasabay ng pag-upo ko sa kama. Hindi na ko nag-abala pang tignan kung sino ang bumukas ng pinto ng silid, alam ko namang si Melissa 'yan, eh. Bumangon ako, at nag-unat pa.

"Magandang tanghali, binibini!" Narinig ko ang masiglang boses ni Melissa kaya nginitian ko siya.

"Magandang tanghali din, Melissa. Anong oras na?" Tanong ko habang papalapit sa kaniya na nag-aayos ng mga damit ko na bagong tuyo.

"Alas-dos (02) na po ng hapon, binibini. Hindi na po kasi kayo pinagising ni Doña Besalinda at Don Francisco dahil alam nilang pagod na pagod kayo sa byahe ng dalawang araw. Heto, nagdala nga po pala si Yina ng almusal niyo kung sakaling magising na kayo." Sabi ni Melissa habang dinala sa bedsheet ang tray na may lamang suman at kape.

"Bagong luto?" Tanong ko sabay upo sa kama.

"Opo. Ininit iyan ni Yina kaninang ala-una (01). Kaya bago lamang." Sabi niya sabay balik ulit sa ginagawang pagsalansan ng mga damit ko sa kabinet.

Samantalang, agad naman akong kumain. Nagugutom na kaya ko. Ang hirap kayang matulog na hindi busog, dahil pinangunahan ako ng antok, natulog na lang ako kaysa sa kumain pa ng niyayaya ni Doña Besalinda/ina na suman at kape.

"Nasaan sila ina, Melissa? Bakit parang ang tahimik sa baba?" Tanong ko.

"Ah, sila po ba? Pumunta sila sa lugar kung saan gaganapin ang bagong negosyo ng pamilya niyo, binibini. Ang pagmimina ng ginto." Sagot niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Alam mo na may magkakaro'n sila ng minahan ng ginto?" Taka kong tanong.

"Opo. Pinatalastas na iyon ni Don Francisco sa buong San Aprosa kaninang umaga, sinabi niya sa patalastas na magkakaroon na ng malaking minahan ng ginto dito sa San Aprosa na ipapadala sa Maynila para maipagbenta sa mga dayuhan mula sa iba't ibang bansa. Sabi kasi ng isang mananaliksik sa mga ginto at isang eksperto sa mga kalidad ng ginto... ang ginto na mga nakikita sa San Aprosa ay mataas ang kalidad. Kaya hindi na mag-aatubi ang mga taga-ibang bansa na bumili ng mga iyon." Sagot ni Melissa.

Tumango-tango naman ako habang humihigop ng kape. Naubos ko na kasi ang dalawang suman na kamoteng kahoy. Napatingin naman ako kay Melissa na talagang sobrang sipag dahil hinahanda na ang tubig na pagliliguan ko sa bathtub na gawa sa kahoy. Pinupuno na niya 'to ng tubig.

Tumayo naman na ko, at naligo na. Kasalukuyan ako ngayong nagsasabon habang nakababad sa tubig ng biglang kalabitin ako ni Melissa. Hindi ako tumingin sa kaniya, at ipinagpatuloy lang ang pagsasabon.

"Bakit, Melissa?"

"Nako, binibini! Nawala sa aking isipan! May ipinabibilin pala si Doña Besalinda sa inyo!" Natatarantang tugon ni Melissa kaya agad akong napatingin sa kaniya.

"Anong bagay ang ipinagbilin ni ina?" Tanong ko.

"Kanina kasi, dumalaw dito si Doña Teodora at Fiona, kasama ang dalawang guardia personal. Narinig ko na nais ni Doña Teodora na ipaalam sa inyo na nilalagnat si ginoong Ji—kaninang madaling araw lang matapos nilang makabalik mula sa byahe katulad niyo. At hanggang ngayon pa daw ay hindi pa bumababa ang kaniyang lagnat. Kaya ipinagbilin ni Doña Besalinda at Don Francisco bago sila lumisan ay dalawin niyo si ginoong Ji at kumustahin ang lagay nito." Sagot ni Melissa dahilan para magmadali akong magsabon.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon