Ikapitong pu't apat na Alaala

121 9 6
                                    

A/N: I said in my socmed yesterday, July. 26, 2021, that "I'll publish 'this' later." But I didn't because Webtoon flirted me--oh, please. Do I am able to received my reward now? I just finished a new long chapter. :(

Yeah, the reward is the latest ep of Tokrev. Skl.

Hope ya'll enjoy this ud, Cloudies! ☁️💙

__________________

Ikapitumpu't apat na Alaala

+Ikaw Lamang+

Disyembre. 24, 1892. 1:30 AM.

"Ano po ang kailangan niyo, madam Victoria?" tanong ko pagkalabas namin sa silid namin.

Hinintay muna namin si Fiona makatulog para masigurado kong hindi na niya sasaktan ang sarili niya.

"Ang lagay ni Fiona, kumusta na siya?" balik niyang tanong sa 'kin.

"Nakakaranas siya ngayon ng depresyon dahil sa nangyari sa kanila ni Roldicion. Bukas, pagkagising niya, papainumin ko siya nang nararapat na gamot para sa mga gano'ng karamdaman." Kalmado kong paliwanag.

"Mabuti," tumingin siya sa 'kin, "Ipinadala ni ginoong Loperaza ang kaniyang mensahe gamit ang kaniyang personal na alalay, si Lero, mga alas-otso ng gabi (8:00 PM), kanina. Ipinapabatid niya na napakalma na nila ang mga Reyes, sinulatan na ni ginoong Reyes si ginang Severa at ginoong Severa para makapunta sa burol, bukas." Pagdetalye sa 'kin ni madam Victoria.

"Salamat po sa pagbatid sa 'kin, madam Victoria." Pasalamat ko at humikab. "Matutulog na po ako--"

"Sandali,"

"Bakit po?"

Seryoso akong tinignan ni madam Victoria. "Hindi ba noong una palang ay sinabi ko na, na kusang nagbabago ang mga kalagayan simula noong napadpad ka dito." Muling nag-flashback sa isip ko ang unang pagkikita namin ni madam Victoria sa Hacienda Fuentes.

"Hindi namin alam. Parang kusang nagbabago ang lahat simula nang dumating ka dito."-Madam Victoria.

"Bilang isang saksi sa lahat ng mga naganap noong ikalawang linya ng oras, talagang naguguluhan ako. Ako'y nagagalak dahil ang mga pumanaw noon ay nabubuhay pa din kahit papaano; sa tuwing sasapit na ang araw ng kanilang kamatayan sa nakaraang panahon, ako'y labis na nag-aalala. Pero hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari." Ang ekspresyon ng mga mata ni madam Victoria ay tila malungkot at nagsisimulang mamuo ang mga luha.

"Hinayaan mo na lamang sila sana mamatay kung ipaparanas ng iyong ikatlong panahon ang labis na pagdurusa. Hindi ko nakakaya, bilang isang nakakaalam, na sa iba't ibang paraan sila nalulungkot. At nakita ko, sa mismong dalawa kong mata, sila ay nalulunod na; handa ka bang tarukin ang pinakailalim upang sila'y maligtas?" malalim na tanong sa 'kin ni madam Victoria.

(A/N: Tarukin - abutin ang malalim; intindihin; alamin; atbp.)

"Ano ito, Maxifina? Anong 1892 ang ginawa mo at anong 1893 ang balak mong gawin pa, Maxifina?" tagos sa pusong tanong ni madam Victoria.

Ano nga bang ginawa ko?

Umiwas ako ng tingin sa mga mata ni madam Victoria, dahil hindi ko kayang titigan ang mga mata niya. Parang nais kong ma-depressed tulad ni Fiona, pero dapat akong maging matatag.

"Hindi ko alam, madam Victoria." Huminga ako nang malalim, "Maaaring malaking epekto ang bawat ginagawa kong desisyon, pagkilos, plano, at paraan ng pakikitungo't pagsasalita; pero hindi ako ang may kasalanan no'n. Entonces, deja de culparme por las cosas que sucedieron (So, stop blaming me for the things that happened)." pagtatapos ko sa usapan namin at tumalikod na para buksan ang pinto.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon