Ikadalawang pu't isang Alaala
+Planado+
10:00 AM. Pebrero. 09, 1892.
Bumaba na ko ng kalesa ng marating namin ang Simbahan ng San Aprosa. Malaki din ito, at may kampana pa. Papasok na sana ko ng mapansin kong susunod pa talaga ang dalawang guardia personal.
Tinignan ko naman sila. "Pwede na kayong maghintay lang diyan." Sabi ko, at bigla naman silang pumunta sa isang gilid. Pumasok na ko sa loob. Agad din naman akong umupo sa isang upuan.
Nanalangin muna ko. Turo kasi 'yon sa Colegio de Santa Isabel, dapat daw manalangin palagi... siguradong tutugunin din tayo kung tamang panahon na.
Natapos na kong manalangin ng biglang may tumayong babae mula sa kabilang bahagi ng mga upuan. Nakabelo siya, at dumaan siya sa gitna para makalabas na. Pero agad kong nakilala ang mukha niya.
Siya si Zerra!
Mabilis akong tumayo, at agad na hinarangan ang daanan niya. Iniangat naman niya ang tingin sa 'kin. Kailan pa siya nakabalik dito? Pansin ko ding hindi siya nakapunta sa anibersaryo ng Gobernador-Heneral.
"Zerra, kailangan ko ng tulong mo." I said. Nangunot naman ang noo niya.
"Tungkol saan ba iyan, Maxifina?"
"Tungkol sa napag-usapan natin nakaraan. Nais kong makakuha ng mga sagot. Maari bang samahan mo akong pumunta sa ating mababang hukuman?" Tumango naman kaagad siya sa tanong ko.
"Tutulungan kita dahil alam kong ako lang ang nag-iisang saksi na nakakita ng mga bangkay nila, pagkapatay pa lang sa kanila... mangako kang hindi mo ito ipagsasabi. Wala akong tiwala sa isang katulad mo." Naitaas ko na lang ang isa kong kilay sa kaniya.
Wew. Ikaw pa talaga ang walang tiwala ah? Kepels nemen.
"Oo na. Nangangako ako. Peksman!" I said. Nangunot naman kaagad ang noo niya dahil sa huli kong sinabi.
"Anong 'Peksman'?" She asked. Napakamot na lang ako sa ulo ko.
Hindi niya pala alam.
"'Peksman' ay nangangahulugang 'pangako'. Gawa-gawa kong salita. Kaya huwag mo nang intindihin." Tumango naman kaagad siya sa sinabi ko.
"Tatandaan ko iyan." Narinig ko pang sabi niya. Napangiti na lang ako habang umiiling.
Lumabas na kami ng Simbahan, at nakalimutan kong may mga guardia personal pa lang pinasama sa 'kin. Hinarap ko naman silang dalawa habang nakapamewamg sa kanila.
"Kayong dalawa, maglinawan nga tayo... anong gusto niyo? Manatili dito ng walang pananghalian dahil sa matatagalan pa ko sa pupuntahan namin ni Zerra? O bumalik na sa Hacienda para nasa tama ang pagkain niyo ng tanghalian? Ano? Pumili kayo." Sabi ko na ikinalito naman nila.
"A-Ano po?" Takang tanong ng isang guardia personal. Napasapo na lang ako sa noo.
Huwag mong sabihing uulitin ko lahat ng 'yon?
"Pili!" Sigaw ko sa kanilang dalawa.
"Hindi po ba kayo magagalit, binibini?" 'Yong isa naman ang nagtanong kaya siya naman ang tinignan ko. I shooked my head.
"Hindi ako magagalit. Gusto ko lang sumagot kayo ng totoo dahil nagmamadali kaming dalawa ni Zerra." I said. Nagkatinginan naman silang dalawa, at agad na tumango sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
I Treasure You, 1893
Ficción histórica|NOVELA HISTORIA SERIÉ #1| [ONGOING] She once hated her own existence. She once wondered if she ever had a purpose living in this chaotic world. But not even once, in her whole life, had she imagined herself sacrificing for others. She never imagin...