Ikapitum pung Alaala

139 19 6
                                    

A/N:

HAPPY RANK #5 SA GENRE NG HISTORICAL FICTION, ITY1893!!🎉🎉🎉

Thank you sa pag-support niyo at naabot sa rank #5 ang ITY1893 sa talagang genre nito. I am so happy! And of course, thanks to all of you, Cloudies!

–Seruleans💙

_______________

Ikapitum pu't isang Alaala

+Nanlalaking mga Mata+

Disyembre. 10, 1892. 7:00 PM.

"Ina, aalis po kayo ulit? Pakiusap, manatili po muna kayo dito kahit isang linggo lang." Pakiusap ni Ji kay Doña Teodora habang hawak nito ang mga kamay.

Natawa si Doña Teodora dahil sa inaasta ni Ji. "Ano ka ba, Ji? Batid mo naman, hindi ba, na may usapin pa kaming tinatapos ni Fiona? Gagawa pa kami ng maraming paraan upang hindi matuluyan si Fiona maikasal sa isang matandang ginoo. Matapos iyon, uuwi na kami." Nakangiting sagot ni Doña Teodora kay Ji. Hinawakan pa niya ang pisngi ni Ji at hinalikan ito sa kaliwang pisngi.

"Magiging ayos lang kami, Ji. Kung muli kang babalik sa Maynila, maaari mo kaming makita roon. Ngunit pansamantala muna, aalis muna ang iyong mga pinakamamahal na mga babae, hmm? Kaya huwag ka na malungkot, Ji Raphael." Saad pa sa kaniya ni Doña Teodora.

Masasabi ko talagang napaka-close nilang dalawa. Hindi nahihiya si Ji kahit halik-halikan siya ni Doña Teodora kahit siya'y binata na. Sa panahon ko, walang gano'n. Nabigla pa 'ko nang hinawakan ni Doña Teodora ang kamay ko't pinisil-pisil, t'yaka ngumiti sa 'kin.

"Nandito naman si Maxifina, o. Isang buwan na lamang at masasaksihan ko na ang aking panganay na maikasal sa mahal niyang dalaga." Dumako ang mga mata ni Doña Teodora sa 'kin, "...Napakapalad mo, Maxifina, anak. Ikaw ang natipuhan ng aking anak. Masaya akong tanggapin ka bilang aking manugang." Saad sa 'kin ni Doña Teodora dahilan para mag-init ang buo kong mukha. Samantala, nakita ko naman sa peripheral vision ko si Ji na dinakuan ko ng tingin nang nakangiti.

"S-Salamat po, Doña Teo-" she cut me.

"Shh! Huwag mo na akong tawaging 'Doña Teodora,' tawagin mo na akong 'ina.' Mas maganda pakinggan." Putol niya sa sinabi ko kaya naman mas lalo kong naramdaman ang init sa pisngi.

I-Ina?

~Kikitai kyoku mo mitsukaranai
Yūutsuna tsuitachi no hajimari ga
Kimi no ōgesana "ohayō" de
Subete kawatte shimau fushigi~

"S-Salamat po, ina." Sagot ko.

Ngumiti naman siya ng mas malawak dahil sa sinabi ko. OMG. Tinatawag ko nang 'ina' ang mother ni Ji. Hindi ko alam kung magwawala na ba ang puso ko o mananatiling kalmado. Tumabi naman kay Doña Teodora/ina-wow naman-sila Fiona at Don Maldicion/ama-power.

"Ano? Handa na ba kayong lumuwas muli papuntang Maynila?" nakangiting tanong ni Don Maldicion/ama.

"Ama, bakit tila masaya ka pang muli kaming luluwas ni ina papuntang Maynila? Kakaiba na iyan, ama, ha." Nakangusong saad ni Fiona kaya naman napatawa si Don Maldicion/ama.

"Ha? Wala iyon. Hahaha!" pasimpleng inakbayan ni Don Maldicion/ama si Doña Teodora/ina kaya naman nagkatinginan kaming tatlo nila Fiona.

May pumapasimple, mga pri.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon