Ikaanim na pu't siyam na Alaala

122 19 12
                                    

Ikaanim na pu't siyam na Alaala

+Magulang+

Disyembre. 03, 1892. 4:30 PM.

"Ha!" Sigaw ni Marcus kasabay nang pagsipa sa kamay ko na may nakabalot na mga makakapal na telang pinagpatong-patong naming dalawa ni Yina para hindi ako magkapasa.

"'Yan! Lakasan mo pa!" Sigaw ko kasabay nang pagtango sa 'kin ni Marcus at ang pagtitig niya ng seryoso sa mga kamay kong may tela.

Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa, halos magaya na niya ang pinakita kong round house kick dahil sa pag-ikot niya sa ere't pagtama ng malakas ng paa niya sa kamay ko. Napaatras pa nga 'ko ng konti dahil sa lakas no'n. Bumagsak siya sa ere at namimilog pa ang mga matang hindi makapaniwala sa ginawa niya ngayon lang.

"A-Ako ba..." nauutal niyang saad sa hindi niya makapaniwalang nagawa, "...ang nakagawa noon, ate Maxifina?" dahan-dahan nang humuhulma ang ngiti niya sa labi dahil sa nare-realize.

Ngumiti ako sa kaniya't lumapit habang tinatanggal ang mga telang nakakabit sa kamay ko upang tapikin ang balikat niya. Nag-thumbs up ako sa kaniya at kumindat pa. "Magaling, Marcus. Nagawa mo." Nakangiti kong puri sa kaniya dahilan para mas lumawak ang ngiti niya sa labi.

Naglakad naman si Yina papunta sa 'ming dalawa ni Marcus na may dalang dalawang baso ng tubig. Katulad ng inaasahan, nakangiti din si Yina na humarap sa 'min. "Heto po, ginoong Marcus, binibini. Uminom po muna kayo." Saad ni Yina kasabay nang pag-abot sa 'min ng baso.

"Salamat." I thanked as I drink it.

"Salamat, binibining Yina." Pasalamat ni Marcus kay Yina bago ininom na ni Marcus ang tubig na binigay ni Yina sa mismong harap ni Yina.

Natatawa pa 'ko kasi habang umiinom si Marcus nang nakapikit, si Yina ay nakatulala sa gwapo kong kapatid. Pfft... dulot ng pagod ni Marcus, ang pawis niya ay patuloy na tumutulo sa kaniyang mukha hanggang sa katawan niya na naka-topless lang ngayon dahil ayaw ko siyang matuyuan ng pawis; baka magka-Pneumonia pa siya.

Ewan ko ba, ang kapatid ko na 'to, sa edad na 14... maskulado na ang katawan. Dati, akala ko 11 years old lang silang dalawa ni Yina. Pero nagkamali pala 'ko. Kapwa na sila 14 years old, pero mas matangkad lang talaga ang kapatid ko. At sa edad nilang 14 years old, mulat na silang dalawa sa mundo at nag-aaral na upang makalaban sa pisikal.

Dumilat si Marcus at ngumisi kay Yina na nahuli-cam sa pagtitig kay Marcus habang nagblu-blush. "Hahaha! Nahuli kitang nakatitig sa akin! Sabi na, malapit mo na akong sagutin sa aking pangliligaw!" pang-aasar ni Marcus.

"H-Ha?! Hindi! Nanaginip ka na naman, lalaki!" umiwas si Yina ng tingin and bit her lower lips, "...Tinititigan kita kasi... a-ano... ah! Kasi namangha ako sa ginawa mong pagsipa. G-Gayang-gaya nang kay b-binibini, hehe." Palusot ni Yina habang nagkamot pa sa ulo niya.

"Teka, nakita mo ang ginawa ko?" Marcus asked.

"O-Oo naman! Ha-ha-ha! Galing mo nga, e. Nawa'y taglay ko din iyan." Palusot pa ni Yina.

Asus... nakuha pa talagang magpalusot. Ayos din.

Lalo pang namula si Yina nang tapikin ni Marcus ang ulo niya. Ngumiti si Marcus ng matamis, yet his ears are turning red. "Alam kong hindi ka pa magaling, minamahal ko sa iba't ibang paraan ng pagsipa. Pero gusto mo bang sabay tayong magsanay bago tayo matapos sa pagsasanay ngayong araw?" tanong ni Marcus kay Yina dahilan para mapaawang ang bibig ni Yina.

"A-Ayos lang ba sa binibini?" Yina asked and looked at me.

I smile. "Oo naman. Magsanay ka pa ng lubos, Yina. Para kaya mong depensahan ang sarili mo. Papanoodin ko lang kayo hanggang sa lumubog ang araw." Sagot ko kasabay nang pag-upo sa isang gilid.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon