Ikasiyam na Alaala

245 55 40
                                    

Ikasiyam na Alaala

+Colegio de Santa Isabel+

"Maxifina Fuentes na mula sa hinaharap, ikinagagalak kitang makita." Nanlaki ang mga mata ko.

How did she know that I came from the future?

Ngumiti lang siya, at pinatayo ako. Gumilid naman si Suprema, at hindi umalis sa tabi ko. "...Sasagutin ko ang tanong, habang nililibot mo ako sa Hacienda niyo."

Agad kaming pumasok sa mansion, at nagsimula kami sa pasilyo kung saan maraming paintings ng pamilya ng mga Fuentes.

"...Mahilig mag-pinta, at tumugtog ang pamilya mo dito ah?"

"Teka nga, madam Victoria, bakit mo ako kilala?"

Tumigil naman kami sa paglalakad, at humarap siya sa 'kin ng may nakakalokang ngiti. Tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa.

"Simple lang. Dahil ang iyong lola ay naging malaking parte ng aking buhay." Lalo akong naguluhan sa mga sinasabi niya.

"Papaanong naaalala niyo pa ang lola ko, at kilala mo siya?"

"Maxifina, marahil nga naulit muli ang panahon namin sa ikalawang beses. Pero hindi na maaalis ang mga alaalang nakasama namin ang naging matagal naming bisita dito."

She's good at talking. Expect na sa punong guro ng mga madre sa Colegio de Santa Isabel.

"Anong ibig mong sabihin?" Ngumisi naman siya, at lalo akong naguluhan.

Kakaiba ang madreng 'to---mahirap siyang mabasa.

"Hindi mo ba makuha, Maxifina? Kapag napalapit ang loob naming mga taga-panahong ito sa bisita mula sa ibang panahon ay hindi na matatanggal ang mga alaala kahit maulit pa ang panahon naming wala na ang taong iyon,"

Gets. But its mean...

"...Tama ang iniisip mo. Si Melissa, Luego, at ako ang pinaka naging malapit sa kaniya. Alam namin na galing siya sa hinaharap, at may misyon siya sa panahong ito. Maganda ang iyong lola kaya hindi na nakakapagtaka kung minahal siya ni Luego,"

Tunay nga ang sinasabi nila, my grandma' is so damn pretty. Sigurado akong gwapo ang tito ni Ji, and that's Luego.

"...Si Luego, malinaw, at hindi na niya makakalimutan ang lahat. Alam na namin ang mga mangyayari, si Luego ay pupunta dito sa Hunyo. Bibisita siya dito dahil magpapahinga muna siya mula sa kaniyang trabaho sa Unibersidad de Santo Tomas,"

So, he's going to visit in here.

That would be exciting. I can't wait to see him. But, what about the incoming wedding of Ji? Can I ask it in her? "...Si Ji Loperaza ay hindi ikinasal sa nakaraang panahon," natigilan ako.

What did she say? Hindi kinasal dati si Ji?

"Eh anong nangyayari ngayon? Bakit biglang ikinasal si Ji sa ngayon?" Nag-iwas naman siya ng tingin, at bumalik ang atensyon niya sa mga paintings.

"Hindi namin alam. Parang kusang nagbabago ang lahat simula ng dumating ka dito."

Sinasabi ko na nga ba, I'm worthless. Puro na lang gulo ang nangyayari kung saanman ako pumunta sa mundo.

"Dahil na naman ba sa mga kalokohan ko?" Tumingin naman siya sa 'kin, at ngumiti.

"'Wag kang mag-alala, sigurado akong maaayos din ang lahat ng ito." Napatango naman ako dahil sa sinabi niya.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon