Ikadalawampu't limang Alaala
+Batang Magnanakaw+
Pebrero. 13, 1892.
"Opo, hindi po muna ngayon makakatrabaho si Melissa." Sabi ko pa kay Sara.
Tumango naman siya, at nagsimula na namang magbasa. Yumuko ako, at akmang aalis na sana, pero bigla niya kong tinawag.
"Pero binibini, sigurado po ba kayong hindi niyo na kailangan pa ng doktor? At sa silid niyo siya aalagaan? Aba'y pilya din po si Melissa." Napangiti na lang ako sa sinasabi ni Sara.
"Ayos lang po iyon, ginang Sara. May alam po ako sa paggagamot, at isa pa, malapit naman po sa 'kin si Melissa. Sige po, ginang. Mauna na po ako." I said, and walk away.
Kung napapansin niyo, tinatawag ko siyang 'ginang Sara,' 'di ba? I just thought, I have to learn some manners, parang kasing 'pag sa 'Sara' ko lang siyang tawagin—parang walang galang.
Wew! Come from you!
Eh, mas mas matanda pa nga 'yon sa 'kin. Naglakad ako papunta sa silid ko, at no'ng makarating na ko, nangunot ang noo ko ng may makitang batang babaeng nakapang-katulong.
Hindi niya ko nakikita kasi abala siya sa pagbulong. Nakatalikod din siya sa direksyon ko kaya hindi ko siya nakikita. Sa tangkad niya, mukhang 11 years old pa lang siya.
"Uhh—ano 'yon?" Tanong ko.
Nagulat naman siya, at unti-unting lumingon sa direkyson ko, ngumiti ako sa kaniya, pero alangan lang siyang ngumiti, at napakamot sa ulo. Parang may nakikita ako sa kaniya...
Sino ba 'yon?
"B-Binibining Fuentes? A-Ano... si... si..." nakatungo lang siya sa lapag, pero hinawakan ko ang isa niyang balikat dahilan para iniangat niya ang ulo niya.
"Ayos lang. Magsalita ka."
"Gusto ko lang pong kumustahin si ate Melissa. Balita ko po kasi, nagkalagnat siya kahapon." Sabi niya. Tumango ako, at inakbayan siya.
"Gusto mong kumustahin si Melissa? Sige. Pasok ka." Sabi ko sabay bukas ng pinto ng silid. Bumungad naman si Melissa'ng kumakain ng tanghalian.
"Melissa, may bisita ka." Sabi ko sabay sara ng pinto.
Sabay naman kaming pumunta sa harap niya. Ngumiti siya, at tinignan ang bata—este ang nagdadalaga. Hinabaan ni Melissa ang mga braso niya, at nagyakapan sila no'ng babae.
"Oh, Yina? Napadalaw ka?" Umupo naman ako sa kama, kung saan nakahiga si Melissa—kung saan ang kama ko.
Nag-pout 'yong sinasabi ni Melissa'ng 'Yina.' Napatingin ako sa kanilang dalawa. Oo, ito ang kahawig ni Melissa! Si Yina! Magkaparehas sila ng mata—magkapatid kaya sila?
"Kasi ate Melissa, nag-aalala ako, hindi ka po kasi natulog kagabi sa tabi ko. Pinag-alala niyo po ako ng lubos! Huhu." Naiiyak na saad ni Yina.
"Ano ka ba, Yina? Grabe ka naman mag-alala. Hindi mo naman ako kamag-anak, pero sagad ka kung mag-alala." Natigilan ako sa sinabi ni Melissa.
Hindi sila magkamag-anak? Whuut?
"Eh kasi ate Melissa, para na kaya kitang tunay na ina." Sabi ni Yina sabay yakap na naman kay Melissa.
"Huwag kang gan'yan sa iyong ina. Mahal ka no'n, kaya huwag kang magsasalita ng gan'yan." Suway sa kaniya ni Melissa. Tumango naman si Yina.
BINABASA MO ANG
I Treasure You, 1893
Ficción histórica|NOVELA HISTORIA SERIÉ #1| [ONGOING] She once hated her own existence. She once wondered if she ever had a purpose living in this chaotic world. But not even once, in her whole life, had she imagined herself sacrificing for others. She never imagin...