Ikalawang Alaala

505 72 115
                                    

Ikalawang Alaala

+Ang Hacienda Reyes+

"Ang lalaking kailangan mong iligtas ay si ginoong Ji Loperaza."

Kailangan kong iligtas? Iligtas ang taong dahilan kung bakit ako ngayon naghihirap? Ayos ah.

Pero kung gusto kong makasama ang pamilya ko-gagawin ko na, nandito na rin naman ako. "...Sa huling araw ng hulyo 1893 ang huli mong pananaliti sa panahon na ito. Pero may isang bagay ang hindi dapat mangyari... ang mahalin mo siya, at mahalin ka niya." Napatingin naman ako sa kaniya.

May limitasyon ang pananatili ko dito? Pero ang tagal pa no'n! At hinding-hindi ako ma-i-in love sa taong 'yon.

At sigurado akong hindi niya rin ako mamahalin. I swear!

"Anong araw na ngayon?"

"Ngayon ay ika-12 ng enero."

January. 12, 1892. Great.

Napunta ako sa panahon ng mga great great great grandparents ko. Pumunta naman agad sa likod ko si Melissa. Nakapikit ako habang naglalakad.

Ang dami kong problema!

Paano ba ako mabubuhay sa mundo na ganito? Kung sanay ako sa world with high technology? Like the fvck. Binuksan ko na lang ang mga mata ko ng may naramdaman akong sumangga sa akin.

Nakita ko ang isang magandang babaeng mestiza na nakaupo sa lapag. Ang sama ng tingin niya sa 'kin, pero like always what I do... I just give her my natural poker face.

"Binibini," nag-aalalang sambit ni Melissa.

Pero hindi ko lang siya pinansin. Naglakad na ako samatalantang si Melissa ay tinutulungan siyang tumayo. Agad namang humarang sa harap ko ang babae.

"Hindi porket ay ikaw ang ate ko---magagawa mo na akong sanggain, at hindi humingi ng paumanhin!" Tinignan ko lang siya ng diretso.

Ate niya ko? So how dare her to shout like that to me?

"Bakit ako manghihingi ng paumanhin? Kung ang mga mata mo'y bukas na bukas, at hindi magawang umiwas kahit saglit?" Umalis na ako sa harap niya. Sinabayan naman ako ni Melissa sa paglakad.

"Siya po si binibining Rosala Fuentes. Gaya po ng ugali niya... masyado siyang mataas ang tingin sa sarili, makasarili, masungit-"

"Bueno, nakaharap siya ng mas malala pa sa mga ugali niya. You mess up with a wrong girl, Rosala Fuentes."

Mukhang may mga judgmentals din ang nabuhay sa panahon na ito ah? And the worst. It's my younger sister. Great.

Pagkapunta ko sa salas ay agad akong sinalubong ng mga yakap. Naiiyak na, at parang nag-aalala ang mukha nila.

"Anak, maraming salamat, at ika'y ligtas, at hindi naligaw sa lugar na ito." Sabi niya sabay yakap ulit sa 'kin.

May 'INA' na ba akong matatawag? Pero bakit gano'n? Hindi ko siya feel, hindi ko sila feel.

Siguro dahil sa pagiging sanay ko na nag-iisa sa sarili kong mundo. "Ayos lang ako. Pumunta lang sa hardin." I lied.

"Sa susunod anak, mag-iingat ka. Malaki, at matao ang bayan ng San Aprosa dahil tayo'y bagong lipat lamang." Sabi ng matandang lalaki.

Yumuko na lang ako umiwas ng tingin sa kanila. Hindi ako sanay na may mga tao na nakapalibot sa 'kin, at nag-aalala dahil sa 'kin. Naiilang ako.

Ayoko sa kanila.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon