Ika-limampu't dalawang Alaala

107 22 9
                                    

Ika-limampu't dalawang Alaala

+Gaya ng Oras+

Hunyo. 26, 1892.

Binuksan ko ang bintana ng silid ko, t'yaka pinagmasdan ang tahimik na Hacienda Fuentes. Wala pang gaanong ingay, 'di tulad dati, dahil nga magulo na ngayon ang San Aprosa. Ang kaguluhang nagaganap sa gitna ng nakakabinging katahimikan. Minsan nga iniisip ko kung anong mangyayari sa bukas.

Kukunin ko sana 'yong walis para patuloy kong linisin ang silid ko, nang may marinig akong sunud-sunod na tahol mula sa labas ng mansyon namin. Hindi ko sana papansinin, pero nakita ko sa bintana ko na isang golden retriever ang tumatahol—si Suprema!

Ayon sa nakikita ko sa kaniya, nagdadalaga na ang aso ni Ji. Hindi na siya gaya no'ng tuta pa siya. Matuturing isang aso na talaga siya, malapit na siyang mag-adult. Dahil sa nakita, bumaba kaagad ako mula sa silid ko. Pagkababa ko, nakita ko si Suprema'ng patuloy pa ring tumatahol.

Nakikita ko ang mga guardia personal na nai-stress na dahil sa walang tigil na pagtahol ni Suprema. "Hoy, aso! Umalis ka nga! Nakakaabala ka!" sigaw ng isang guardia personal.

"Arf! Arf! Arf!"

"Shu! Alis!"

"Arf! Arf!"

"P're, barilin mo na nang manahimik—" I cut what this guardia civil saying.

d+_____+*b

"Pakiulit nga kung anong gagawin mo?" tanong ko sa maawtoridad na tono, dahil sa tinanong ko; tumingin silang dalawa sa 'kin at muling umayos ng mga tayo. Si Suprema naman ay tumahimik na sa pagkahol at nagawa pa talagang umupo't ilabas ang dila.

"B-Babarilin po—" I cut him, again.

"Gusto mo, ikaw barilin ko? Para sulit, 'no?" sarkastiko kong tanong sa kaniya dahilan para manlaki ang mga mata niya at umiwas sa mga mata kong matalim na tumitingin sa kaniya.

"H-Hindi po." Sagot niya habang nauutal.

Nilagpasan ko naman silang dalawa at hinarap si Suprema. Babarilin? Seryoso ba siya? Hinawakan ko ang ulo niya at tinapik dahilan para gumalaw ang nga buntot niya. Malaki na talaga si Suprema. Ilang buwan ko din siyang hindi nakikita... tapos ganito na siya?

"Edi maganda. Kapag nakita niyo ang asong ito, hindi niyo siya maaaring palayasin o sigawan." Panimula ko sabay tingin sa kanilang dalawa na taka na 'kong tinitignan.

"Bakit naman po?" takang tanong ng isa.

"Hindi mo ba batid? Ang asong 'to ay mas mataas pa sa inyo, mga hangal! Ang asong ito ay pagmamay-ari ni ginoong Ji Loperaza at nanaisin niyo bang mawalan ng ulo, dahil lang binaril niyo si Suprema?" tanong ko sa kanilang dalawa na ikinailing naman nila.

"H-Hindi po."

"Edi maganda. Ayoko na ulit marinig at makita ang hindi kanais-nais ns pakikitungo niyo sa kaniya. Maliwanag ba 'yon?" tanong ko sa kanila sa maawtoridad na naman na tono.

"O-Opo, binibini."

Tumalikod na ko sa kanila at nakangiting tinignan si Suprema, na nakalabas na ang dila ngayon. "Hello, Suprema." Bati ko sa kaniya, pero may isang ideya kaagad ang pumasok sa isip ko.

Bakit nandito si Suprema?

Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid, pero wala akong nakikitang Ji. Pinagliitan ko ng mata ang buong paligid. Yumuko ako at hinarap ang Watch 1000. Kailangan kong gawin 'to para malaman kung nasa'n siya.

"Trace Watch 900." I commanded as Watch 1000 obey it.

May invisible na hologram sa mata ng iba ang lumitaw sa harap ko. Nangunot ang noo ko matapos makitang nasa Hacienda Loperaza ang Watch 900. Kung nando'n 'yon, bakit nandito si Suprema? Hindi siya basta—muntik ko nang makalimutan na gala pala ang asong 'to.

-,-

Pinawala ko na ang hologram at tumingin kay Suprema. "Suprema, ba't ka naman nandito? Pinadala ka ba ni Ji?" tanong ko sa kaniya, pero natigilan ako sa tinanong ko. As if naman na ipinadala nga siya ni Ji, 'di ba? Imposible naman—.

I stop when Suprema use her feet to point the collar that I gave. Tinignan ko 'yon at may napansing may nakasabit na kung ano. Sa kuryosidad, kinuha ko 'yon. Muli akong tumingin kay Suprema bago buksan ang nakarolyong papel.

Nawa'y makatulong ito. Sundan mo si Suprema, sa kaniyang paglakad. Sambitin ang mga katagang salitang 'Mahal kita, pero alam kong nais mo nang pahinga't pagbibigyan kita.'
__________

Natigilan ako sa nabasa. Paraan ba 'to ni Ji para sabihin kung ano ang nasa loob niya? Seryoso ba siyang sasabihin ko 'yan kay Suprema? Weeh?
__________

Matapos masambit ang mga katagang salita, dadalhin ka ni Suprema sa isang bagay na siguradong makakatulong. Ngunit mangako ka, binibini... sambitin mo ang mga salita at matiyagang maghintay na tayo'y babalik din sa dati.

- J.R.L.

Tama nga 'ko, si Ji nga ang sumulat. Tumingin ako kay Suprema. Muli kong tinapik ang ulo niya, bago muling ibalik sa collar niya ang sulat. "Si Ji ang sumulat, hindi ba?" tanong ko sa kaniya.

"Arf!"

Kailangan ko nang sabihin kung ano ang mga kataga. Ano kaya ang gustong ipakita sa 'kin ni Ji? Hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan. Seryoso akong tumingin kay Suprema at bahagyang inilapit sa kaniya ang mukha ko.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon