Ikadalawampu't walong Alaala
+Awit ng Harana+
Pebrero. 16, 1892.
Nag-teleport na ko mula sa kinatatayuan ko kanina kung saan ako iniwan ni Ji na nagtataka talaga. Sa totoo nga lang, they REALLY acting weird, now.
Wondering, why?
Pumasok na ko sa gate, at agad namang sumalubong si Melissa'ng ngiting-ngiti habang may dalang bayong sa isang kamay.
"Binibini, hinihintay po kayo nila binibining Severa, Reyes, Loperaza sa loob. Kanina pa po kayo nila hinihintay." Sabi ni Melissa. Napataas na lang ako ng kilay.
Kompleto ah?
Ngumiti naman ako kay Melissa, at tumango. "Gano'n ba, Melissa? Oh, sige. Mag-iingat ka sa pamamalengke ah?" Bilin ko. Ngumiti ulit siya nang mas malapad, t'yaka buong galak na tumango.
"Opo, binibini!" Matapos niya 'yang sabihin, umalis na siya.
Ako naman 'tong napatingin sa entrance door ng mansyon, nagtataka at walang ideya sa mga pinagsasabi nila.
Kagabi, si Carlo, kanina si Zerra at Ji... lahat sila nagsasabi na maghanda ako ngayon, pero para talaga saan? At bakit naman ako maghahanda? Duuh?
Umiling na lang ako, at pumasok sa loob. Pero ang sumalubong sa 'kin, ay mga nakaupo sa sala na tatlong dalaga. Mabilis silang tumayo at pumunta sa pwesto ko nang—mahihinhin.
"Maxifina, mabuti't nakauwi ka na. Halika, aayusan ka namin." Sabi ni Polina habang ngiting-ngiti.
Tinignan ko naman ang mga damit nila, magaganda ang mga suot nila, at parang dadalo sa isang malaking piging. Ano ba talagang meron? Hinawakan nilang tatlo ang magkabilang pulsuhan ko, at hinatak papunta sa silid ko.
"Iih, ate Maxifina! Sumunod ka na po..." naka-pout na pakiusap ni Fiona habang hinihila nila ko pataas sa hagdan.
"Oo nga, Maxifina. Para din ito mamaya, kaya huwag ka nang mag-inarte d'yan." Sabi ni Zerra.
Kaya wala na kong nagawa nang makapunta na kaming apat sa silid ko. Si Polina't Zerra, mabilis na pumunta sa kabinet ko, at kaagad na hinalungkat nilang dalawa ang kabinet ko na may lamang baro't saya.
Kakapal din, ano?
Hindi ba kayo tinuruan ng mga magagaling niyong mga magulang na hindi dapat maghalungkat o makibukas ng kabinet sa ibang bahay at silid? Grabe. Hiyang-hiya ako.
Ngayon nga lang nakapasok sa silid ko, tapos gan'to pa ang mangyayari? Grabe lang.
–__–"
"Fiona, ano ba talagang nangyayari?" Tanong ko kay Fiona, pero ngumiti lang siya.
"Umm—hindi ko din po alam eh. Wala nga rin po kaming ideya kung anong meron, pero dahil sa sinabi nila kuya Arnesto't Antonio na maghanda kami bukas, at pumunta dito... ginawa na lang namin kahit naguguluhan." Sagot ni Fiona.
Ang linaw naman sumagot.
–__–")7
"Ah, gano'n ba? Hehe..." Ako 'yan.
So, meaning—mula sa sobrang linaw na paliwanag ni Fiona—hindi nila alam kung ano ba ang pinaplano ng kambal itlog, t'yaka sa hinala ko... plano nilang apat. Ang apat na sikat na silat sa Unibersidad de Santo Tomas.
Para kaya sa'n 'to?
"Maxifina, heto oh. Suotin mo ito. Natitiyak kong magiging mas maganda ka pa kapag ito ang iyong sinuot." Sabi ni Polina habang tinatapat pa sa katawan ko ang baro, at si Zerra naman sa saya.
![](https://img.wattpad.com/cover/205030014-288-k970575.jpg)
BINABASA MO ANG
I Treasure You, 1893
Ficción histórica|NOVELA HISTORIA SERIÉ #1| [ONGOING] She once hated her own existence. She once wondered if she ever had a purpose living in this chaotic world. But not even once, in her whole life, had she imagined herself sacrificing for others. She never imagin...