Ikadalawampu't dalawang Alaala

199 38 0
                                    

A/N: Sorry talaga sa matagal na update! Gomennasai mina! (Sorry, everyone!) And HAPPY 1K READS! 🎉🎉🎉 Sorry ngayon ko lang nasabi! Pero THANK YOU VERY MUCH TALAGA!

Enjoooooy!

_______________

Ikadalawampu't dalawang Alaala

+Talaarawan+

12:24 PM. Pebrero. 10, 1892.

Nakatitig lang ako sa results ng finger prints ng nakita kong finger prints ng heart silver pendant na 'to na nahanap kong clue sa pag-iimbestiga ko kagahapon.

Tumayo na ko, at bumaba ng hagdan. Gusto kong mahanap kung kaninong finger prints 'to, hindi na kasi ako mapapalagay kung hindi ko 'to gagawin.

Pero natigilan ako ng makita ko si Melissa'ng aakyat sana. Humarap naman siya sa 'kin, at ngumiti. "Binibini, nand'yan po sa baba si binibining Severa. Tinatanong po ang tungkol sa sikreto niyong dalawa." Sabi niya.

Napatingin naman ako sa ibaba ng grand staircase kung nasa'n ang daanan papunta sa sala. Ngumiti naman ako kay Melissa, at tumango.

"Sige, baba na ko." Sabi ko sabay baba ng hagdan. Pagkababa ko pa lang, nakita ko na si Zerra'ng kinakausap ni Doña Besalinda/ina sa sala.

Pumunta naman ako sa direksyon nila, at binati. "Magandang hapon, ina't Zerra. Ano't naparito ka?" Tanong ko sa kaniya. Well, kailangan ko naman talaga si Zerra ngayon, marami pa kong itatanong sa kaniya.

"Nais ko lamang tanungin kung kailangan mo ng tulong ulit katulad kagahapon. Kailangan mo ba?" She asked while smiling at me, sweetly.

Wow ah. Kala ko ba walang tiwala?

"Anong pinagkakaabalahan niyo, Maxifina? Pwede mo bang sabihin? Kung ayos lang sa iyo?" Interesadong tanong ni Doña Besalinda/ina sa 'min.

Kung sasabihin ko sa kaniya, malamang na pagbabawalan niya ko. Masyado kasing mapanganib kung para sa normal na dalagang katulad ni Zerra at Polina. Pero kaya ko ang sarili ko.

Umiling na lang ako kay Doña Besalinda/ina, at ipinatayo si Zerra. "Hindi niyo na po kailangang malaman pa, ina. May pinagkakaabalahan lang po kaming mahalaga... ina? Maari po bang umalis na kami ni Zerra? Babalik din po kami bago mag-gabi." Paalam ko.

She immediately nod at us, and smile sweetly at me. "Oo naman. Basta't mag-iingat kayong dalawa." Tumango kaming dalawa ni Zerra, at naglakad palabas.

May belo na naman si Zerra katulad kagahapon, syempre... meron din ako. Mahalagang hindi makita ang mga pagmumukha naming maganda sa gagawin namin.

Nakalabas na kami ng gate ng Hacienda, at naglakad pa ulit sa kaliwang bahagi. "Zerra, may Hacienda ba ang mga Cruz dito?" I asked.

Hindi ko muna hahanapin ang mga salarin ngayon, kailangan ko munang mahanap kung saan ang Hacienda ng mga Cruz. Baka may mga bagay kaming mahanap do'n na makatulong sa 'min.

T'yaka kung may Hacienda na sila sa Bulacan, hindi na nila kailangang pumunta dito, maliban kung binisita nila sila Ji. T'yaka sinong magsusumbong dito, kung mas magandang magsumbong na lang sa mataas na hukuman?

"Oo. May Hacienda sila dito. Pero matagal nang inabanduna simula noong mawala ang matandang mag-asawa." Sagot niya.

Tumango naman ako kasi tama nga ang iniisip ko. May Hacienda nga sila dito, pero abandunado na. Pinigilan ko naman si Zerra'ng maglakad sa pamamagitan ng paghawak ko sa pulsuhan niya.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon