Ikapitong pu't pitong Alaala

71 6 0
                                    

Ikapitong pu't pitong Alaala

+Pakay+

"Roldicion, Fiona, sigurado na ba kayong kaya ni'yo na mga sarili niyo?" tanong ko habang nililibot ng paningin ko ang magulong paligid.

"Sana nga po, ate Maxifina."

"Makakatiyak ako diyan."

Nagkatinginan silang dalawa, dahil sa halos magkasabay nilang pagsagot sa 'kin. Tinaasan ni Roldicion ng kilay si Fiona, "Ano ito? Hindi ka nakakatiyak sa 'ating' kakayahan?" mausisang tanong ni Roldicion.

"Kulang pa tayo sa mga karanasan, Roldicion. Kinakabahan ako, alam mo ba? Ngunit dahil isa akong rebelde, kailangan kong tumayo sa aking tungkulin," hinawakan ni Fiona ang hawakan ng espada niya, "huhugutin ko ang aking espada upang pumaslang ng mga Kastila. Ako'y naiiba, dugo'y maharlika. Isa akong Prinsesa sa Espanya ngunit walang dahilan upang ako'y umatras." dagdag ni Fiona.

"Kahit na gano'n, nagtitiwala ako sa kakayahan niyong dalawa," tumigil ang mga mata ko kay Renji nang mahagip ko siya. "Kung sakali mang may makasalubong kayo, 'pagbigay alam 'to sa lahat ng Dibisyon. Utos ito ni Sakti Maxifina." Utos ko.

"Opo!" sabay nilang sagot.

"Ngayon, magsimula na tayong lumaban!" sigaw ko kasabay nang paghakbang naming tatlo sa magkaibang direksyon.

Maging ligtas kayo, Fiona't Roldicion. Nagtitiwala ako sa inyo.

Inilabas ko ang balisong ko at pinaglaruan ito upang lumabas ang talim. Pinaikot ko 'to sa ere at madaling sinalo. Tumalon ako nang mataas sa harap ng Kastilang 'to at pumaikot, lumabas ang talim sa likod ng rubber shoes ko bago ko isampal sa ulo niya ang patalim ng sapatos ko. Nawalan siya ng balanse sa ginawa ko kaya tuluyan ko na siyang itinumba sa lupa.

Nagsimulang umapaw ang dugo sa ulo niya at wala na rin siyang buhay. Kinuha ko ang baril niyang may bayoneta.

Ang bayoneta ay inilalagay sa harap ng mga baril, sila 'yong patalim sa ibabaw ng baril na tila ibinase sa sibat. Muli akong tumakbo patungo kay Renji na kausap pa din ang tatlong 'yon-—nasa'n si Teresa? 'Di ba, dapat kasama niya si Teresa?

Pero bago 'yon... I need to call him.

Watch 1000, locate where Watch 900 is.

"Okay, Master." It responded. "Watch 900 owner are located in the place named, 2nd Division, by the rebels." Watch 1000 answered.

"Ji," I called using Watch 1000. "'Musta d'yan?-—augh!" napaliyad ako nang wala sa oras nang isang bayoneta ang kamuntik nang tumarak sa 'kin.

"Binibini!" tugon ni Ji gamit ang Watch 900.

Spanish M93 upgrade to Springfield M1903A4 Cal. .30-06 Sniper rifle.

Sa pagtayo ko nang diretso, ang baril ay unti-unting nag-upgrade sa sniper. Ikinasa ko ang baril na nakatapat sa noo niya at kinalabit ang gatilyo. Bago pa siya bumagsak sa lupa, lumipat ang mga mata ko sa lalaking nasa likod niya-—base sa siko niya, miyembro siya ng pangkat ni Saktibo-—itinaas niya ang kamay na may dalang balisong.

Taksil.

Hinawakan ko ang katawan ng sniper at isinakto ang dulo ng bayoneta upang tumarak sa ulo niya ang talim. Isa siya sa mga nasasakupan nina Diana at nakakak'wentuhan pa nga niya sila pero isa siyang taksil. Kinalabit ko pa ang gatilyo dahilan para sumabog ang ulo niya't tumalsik ang mga dugo. Inalis ko ang bayoneta at normal na pinunasan ang dugo sa pisngi ko.

"Ang tunog na iyon... may kinalaban ka din?-—Hih!"  tanong sa 'kin ni Ji gamit ang Watch 900.

Muli akong nagpatuloy sa pagtakbo papunta sa direksyon ni Renji. Patuloy akong lumalaban habang papunta ako do'n. "Oo-—wait a second! 'Din,' you say? 'Wag mong sabihing?" tanong ko sa kaniya.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon