Ika-limampu't isang Alaala

100 22 0
                                    

A/N: Sorry sa matagal na update! Huhu... may mga pangyayari lang talaga na nakaka-down. Kaya hindi ako nakaka-update... pero hope ya'll understand!

Enjoy the updatess!

______________

Ika-limampu't isang Alaala

+Hamon+

10:00 PM. Hunyo. 01, 1892.

"AAHHHHHH!!"

Sabay-sabay kami nagkatinginang tatlo, dahil sa hindi pamilyar na sigaw na 'yon. Hindi ko masabi kung sino ang sumigaw, pero ang tinig na 'yon ay nagdudulot ng malakas na kaba sa 'ming tatlo.

Muli kaming napatingin sa pinto ng silid ko matapos naming marinig ang malakas na pagbukas nito. Si Melissa na pawis na pawis ang bumungad sa 'min habang nasa likod naman niya si Tanda na mukha ring gulat.

"Binibini! Doña Besalinda't Don Francisco!" Malakas na sigaw ni Melissa na halatang-halata na hindi maganda ang ibabalita.

Napatayo sila Doña Besalinda/ina at Don Francisco/ama na nasa magkabilang panig ng higaan ko. Kahit na ayaw kong maramdaman, mabilis na tumitibok ang puso ko na mas nakakabahala para sa 'kin.

Napalunok na rin ako habang diretsong nakatingin sa dalawang taong nasa may pinto ng silid ko. "Bakit, Melissa? Madam Victoria, ano't—" hindi na natuloy ang itatanong sana ni Don Francisco/ama no'ng pinutol siya ni Tanda.

"Wala nang panahon para d'yan! Halika't tignan niyo ito!" putol ni Tanda kay Don Francisco/ama.

Dahil sa sinabi ni Tanda, hindi na nga kami nagpaligoy-ligoy pa. Mabilis ang mga pagkilos namin kasabay nang oras na mabilis na tumatakbo na parang wala nang bukas.

Sa bawat hakbang namin pababa ng grand staircase, makikita ang maraming katulong ng Hacienda Fuentes na may kaniya-kaniyang dala-dalang mga gasera para makita ang naganap sa kabila ng malalim na gabi.

Ang hawak-hawak na gasera ni Melissa ay kaniyang ibinigay kay Don Francisco/ama. Sa pagbaba namin sa grand staircase, hindi ko maiwasang hindi mangunot ang mga noo, dahil sa kumpol ng mga katulong namin.

Nang makita naman nila kami, lumikha sila ng daan para makaraan kami papunta sa harap ng... gate? Anong meron at gan'to na lang ang reaksyon nila? Nagmamadali kaming pumunta sa gate kung saan may nakikita akong nakaluhod na babae at isang babae, na kung hindi ako nagkakamali ay si Yina.

Si Yina ay mahigpit na hawak ang magkabilang balikat ng babae na nakaluhod, na hindi ko nga matukoy kung sino. Pero sa paglapit namin ro'n, napag-alaman kong si Sara pala iyon; ang Mayordoma ng Hacienda Fuentes.

Hindi maipinta ang mukha niya, dahil sa gulat na gulat na mga mata; nanginginig na mga labi at katawan; pinagpapawisan rin siya ng malamig; at talagang hindi ko siya masisisi kung bakit gano'n ang reaksyon niya. Dahil sa paglingon ko sa isang dako kung saan may natatanaw ang peripheral vision ko, isang reaksyon ang namuo sa loob ko...

Takot.

Mabilis na pumunta sa dako na 'yon sila Doña Besalinda/ina at Don Francisco/ama. Dahil sa kakaibang gulat, lahat sila ay nanlaki ang mga mata at nangingilabot na tumitig sa bangkay. Napatakip si Doña Besalinda/ina sa bibig niya, dahil sa nakikitang nakasalampak sa lapag na wala ng buhay.

Nanigas ako sa pagkakatayo habang nakatitig sa katawang nakahandusay ni Brenda Ortiso, ang ina ni Marcus. Unti-unting namumuo sa isip ko ang mga bagay na maaaring mangyari at kung bakit 'to nangyari sa kaniya.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon