Ikapitong pu't dalawang Alaala

136 18 2
                                    

A/N: HAPPY 8.1K READS!!🎉🎉🎉
Sorry, isang update lang nagawa ko no'ng April... simula na kasi 'yon ng Q3 kaya nahirapan na naman akong makapag-adjust para sa pagsusulat. Ginawa ko na 'to dahil isang math na lang kulang ko pati mga Performance Task.

ENJOY!

_______________

Ikapitong pu't dalawang Alaala

+Siperong Halinhan+

Narinig namin ang tila nalulungkot at nokokonsensyang boses ni Carlo mula sa hindi kalayuan; "Ano sa tingin mo, binibining Kenya? Nararapat ba ang ginawa nating pagtestigo kanina laban kay ama?"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Ji dahil sa narinig naming boses ni Carlo. Ibig sabihin nasa malapit lang siya, at paniguradong kasama niya si Kenya. Tinanggal ko ang kamay ko sa bibig ni Ji, sabay kaming tumango sa isa't isa at sabay na sinundan ang pinagmumulan ng boses.

"Bakit tila ngayon ay nakokonsensya ka na, Carlo?" tanong ni Kenya na nararamdaman ko nang nakataas na ang kilay niya sa gano'ng tono palang.

Naglakad pa kami ng konti ni Ji papunta pa sa isang pader, hahakbang pa sana si Ji papalampas sa pader na 'to, nang manlaki ang mga mata ko matapos makita sina Carlo at Kenya na nakaupo sa iisang bench. Hinatak ko kaagad ang kwelyo ni Ji para maitago siya. Sumenyas ako sa kaniya na nando'n sila Carlo at manahimik muna siya.

"Ano ka ba, Ji? You're so reckless!" sermon ko sa kaniya sa pabulong na paraan.

Alangan siyang ngumiti sa 'kin, "Pasensya na, binibini. Hindi ko batid na nandoon silang dalawa." Tugon niya sa pabulong din na paraan.

Nagsimula na kaming tumingin ulit sa kanilang dalawa na masusing nag-uusap ngayon. Si Carlo ay nakapikit at magkadikit ang mga palad, na halatang nag-iisip ng malalim. Kahit nagkagusto sa 'kin si Carlo dati, hindi ko siya nakita na nasa gan'yang mood.

"Kahit na ganoon si ama... wala akong batid na ako ay pang-lima nang anak. Marami akong nakakatandang kapatid, ganoon din si Polina. Hindi kailanman nagsasalita si ama at ina ukol sa mga bagay na iyon." Panimula ni Carlo sa totoo niyang niloloob, "Ang buong akala namin ay hinding-hindi magiging kasing tamis ng tsokolate ang pagsasama ng aming mga magulang; na napilitan lamang silang ikasal sa isa't isa. Ngunit dahil sa isinalaysay ni ama... napatunayan ng tadhana na wala kaming batid sa kanilang dalawa, isang kahiya-hiyang bagay bilang anak." Pagtatapos ni Carlo sa totoong nararamdaman niya.

Ramdam ko ang bigat sa paraan niya ng pagsasalita. Nakikita pa namin ni Ji ang mga mata ni Carlo'ng may namumuong mga luha. "Kahiya-hiya?" takang tanong ni Kenya.

"Oo, binibi—aray ko!" napasigaw si Carlo nang sampalin siya bigla ni Kenya. Kahit kaming dalawa ni Ji nagulat sa ginawa ni Kenya. "Binibini, ano't kailangan kong makatanggap ng sampal?" nakangusong tanong ni Carlo.

"Akin kitang sinampal para magising ka. Carlo, magising ka nga! Ikaw mismo ang nagsaad sa akin nakaraan na dapat nang tuldukan ang mga kawalang-hiyaang ginagawa ng bwiset mong ama sa iba't ibang tao. Tapos ngayon, sinisisi mo sarili mo?" tanong ni Kenya; sumandal na lang si Kenya at nag-cross arms, "Hay. Ito ang dahilan kung bakit sakit sa ulo ang magkaroon ng mga nakakatunginang magulang. Nakakagigil. Sana talaga napatay ko na si Vogar kanina—" she cut.

"Salamat sa pagboluntaryo, ngunit hindi na kailangan, binibini. Kung napatay mo na noon si ama, hindi ko na maririnig ang istorya nila ni ina. Alam kong wala kang pagmamahal sa mga magulang ng kahit sino, ngunit kahit na ganoon... sila ang pinagmulan ko," si Carlo ngayon ay lumuluha na, "m-mahal ko sila." Pagtatapos niya kasabay nang pagpikit niya ng mariin.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon