Ikatatlompu't dalawang Alaala

149 27 0
                                    

Ikatatlompu't dalawang Alaala

+Tiwala't Paniniwala+

Marso. 03, 1892.

Simula kagahapon ay mukhang nakuha ko na ang tiwala ni Cristina, sinabi niya ring marami na siyang nahikayat na mga kauri namin dito sa Colegio de Santa Isabel at sa iba pang mga paaralan dito sa Intramuros.

Pero mas pinili niyang hindi na lang sabihin sa 'kin ang mga 'yon dahil nga, bago pa lang ako. Wala rin siyang binanggit na kahit ano tungkol sa mga pinaplano ng grupo nila.

Sigurado nga kong gustong-gusto na siya ni Saktibo, dahil bukod sa isa siyang maharlika... marami rin siyang nahihikayat na kapwa maharlika na naaabuso ang mga pamilya.

Napatingin ako sa pinto ng silid namin ng may kumatok. Binuksan ko naman kasi ako lang ang nag-iisang tao dito ngayon. Wala rin sila Polina at Fiona dahil naghanap sila ng mangga.

Pagkabukas ko, bumungad sa 'kin si Cristina at Teresa. Ngumiti naman sila sa 'kin, kaya nginitian ko din sila. "Cristina, magandang tanghali." Bati ko.

"Magandang tanghali rin, Maxifina." Bati ni Cristina, pero napatingin siya kay Teresa nang alugin nito ang balikat niya.

"Cristina, nakakasigurado ka bang tapat at hindi kakanta iyang si Maxifina? Talaga bang nagtitiwala ka sa kaniya na tutulungan niya tayo?" Narinig kong bulong ni Teresa kay Cristina.

"Teresa, hindi masamang magtiwala kung nahahalata mong pinagkakatiwalaan ka rin niya. Tignan mo ang mga mata ni Maxifina," tinignan nila ko. "...hindi ba't makikita ang sinsiridad ni Maxifina? Nararamdaman ko na makakatulong siya, kaya magtiwala tayo sa kaniya." Dagdag pa ni Cristina.

Malamang na bahagi na rin si Teresa ni Saktibo. Mukhang nahikayat na rin siya ni Cristina, pero sa paraan ng pagsasalita niya... halatang palaban din ang isang 'to.

"Cristina?" Tawag ko sa kanila kasi nagtitigan na sila na parang nag-uusap sa pamamagitan no'n. Tumingin naman na sila sa 'kin.

"Maari bang sumama ka sa aming paglalakad, Maxifina? Marami kaming sasabihin sa iyo habang mapayapa tayong naglalakad." Sabi ni Cristina na tinugunan ko naman.

Naglalakad na kami ngayon palabas ng hallway ng 3rd floor kung nasa'n kami, at pababa na kami sa hagdan. "Maxifina, paano mo masasabing dapat ka naming pagkatiwalaan? Batid mo rin naman na mahirap magtiwala lalo na kung hindi mo pa labis na kilala ang isang tao... alam mo namang marami ang nananaksak ng patalikod." Tumingin ako ng masama kay Teresa dahil sa paraan niya ng pagsasalita.

"Teresa..." saway sa kaniya ni Cristina, pero hindi siya pinansin ni Teresa.

"Hindi, Cristina. Dapat kailangang subukin muna natin si Maxifina-katulad lamang ng ginawa sa atin ni Saktibo. Hindi kaagad nagtitiwala si Saktibo, at nagpapagawa siya ng mga iba't ibang mga pagsubok para lumabas ang totoong mga motibo. Kaya pakiusap, Cristina... hayaan mo na ako." Pilit pa ni Teresa kay Cristina ng mapunta kami sa 2nd floor.

Tumingin naman sa 'kin si Cristina sabay lipat ulit ng tingin kay Teresa, at tumango. "Sa palagay ko, tama ka nga, Teresa. Paano, Maxifina? Handa ka ba sa mga pagsubok na ihaharap sa iyo ni Teresa?" Paninigurado sa 'kin ni Cristina.

I nod, and look at Teresa who is now arching a brow on me. How this woman can do that to me? Well, let's see what you've got. Hmpp!

"Ako'y laging handa, Cristina." I answered while smirking at them.

"Kung ganoon, ito ang aking magiging mga pagsubok." Nagsimula na si Teresa'ng umikot sa palibot ko. "...Sa apat na pagsubok na ito, masusubok ang iyong katapatan, tiwala, lakas, at talino na isa sa mga kakailanganin bilang isang rebelde." Dagdag pa ni Teresa, at huminto sa harap ko.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon