Ikalabing pitong Alaala

201 47 5
                                    

Ikalabing pitong Alaala

+Hapag ng mga Maharlika+

Pebrero. 2, 1892.

Buong maghapon kahapon ay natulog ako. Hay. Buong hapon din ang clone ko ang gumalaw. Kasi naman. Nakakapagod kaya 'yong misyon ko.

Anyway, nakapag-beauty sleep naman na ko kahapon kaya—fresh na ulit ang ganda ko!

Sumalubong na naman sa 'kin sila Amalia. "Magandang umaga, Maxifina."

"Magandang umaga din sa inyong dalawa." They nod. Naligo, at nagpalit na rin ako ng damit. Hanggang sa nakita ko na naman silang mga busy sa binabasa na aklat. "...wala ba tayong pag-aaralan ngayon?" Dahil sa tinanong ko, napatingin naman sila sa 'kin.

"Maaga pa naman, Maxifina. Nagbabasa muna kami ng isang nobela."

Sa curious ko, nakiupo na lang ako sa kama ni Amalia, at tumingin sa aklat na binabasa nila. Pero bigla na lang nila 'yong sinara, at tumingin sa 'kin.

Aba! Bastusan?!

Taka ko naman silang tinignan. "...Maxifina, may nabasa ka na bang magandang nobela?"

"Wala." Dahil sa sinabi ko, taka naman nila ko tinignan.

Ano? Isasara niyo, pa'no ako makakabasa?

"Hindi ka nagbabasa ng mga aklat na tungkol sa pag-ibig?" I just shooked my head. Halatang nagulat sila.

Bakit naman gano'n ka big deal 'yong hindi pagbabasa ng mga romance books?

"Gano'n na nga."

"Anong gusto mong basahin?"

"Dahil alam naman nating limitado lang ang nagagawa ng mga dilag na katulad natin. Mas gusto kong basahin ang mga aklat ng tungkol sa kalikasan, at sa mundo natin." Sa huli tumango rin sila.

Sinabi sa 'kin ni Dolores na magbuburda kami ngayon sa ilalim ni madam Cecilia. Nag-almusal na rin kami, at nagtirik ng kandila sa simbahan, at nagdasal. Ngayon naman papunta kami sa isang silid. Do'n daw kami magtatahi.

Bumati kami kay madam Cecilia, at umupo sa mga upuan na may mga gamit ng pangburda. Katabi ko na ngayon si Amalia't Dolores. Umalis na rin si madam Cecilia. Ipagpatuloy daw namin ang ginagawa namin.

At ngayon naman, mukha magsisimula na naman sila Amalia ng tsismisan.

"Maxifina, alam mo bang usap-usapan ang talento mo?"

Obvious naman, girl.

"Ganoon ba? Ginawa ko lang naman ang makakaya ko."

Ang humble ko ah?

Bigla namang kinalabit ako ni Amalia na medyo nakangiti na parang nang-aasar. Ano na naman ba? "Maxifina, nakita ko kayo nakaraan ni Arnesto na magkasama. Anong meron sa inyo?"

Sasabihin ko ba sa kanila? Well, wala naman akong interes sa kaniya. Pwede naman siguro.

"Nagtapat siya ng pag-ibig sa akin—"

"Nagtapat siya?!"

Merong kontrol sa mga ang boses nila, pero sure akong kung nasa silid lang talaga kami ay kanina pa sila sumigaw. Buti na lang, at hindi kami pinagtitinginan ng mga kaklase namin dito.

Busy din ata sa mga tsismis.

"Nagtapat nga siya, ngunit hindi ko naman siya nais maging aking kasintahan." Haba ng hair ko! HAHAHA! Halatang disappointed ang mga kasama ko.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon