Ika-limampu't tatlong Alaala

118 20 15
                                    

Ika-limampu't tatlong Alaala

+Okasan+

"...BECAUSE I ALMOST LOST MY LIFE JUST TO BORN MY DEAREST BABY MAXIFINA!"

Mahigpit na hinawakan ni Melissa ang panuelo ko habang mahigpit na nakapikit kasabay ng sunud-sunod na pagtulo ng mga luha niya. Ang puso ko ay pansamantalang huminto sa pagtibok dahil sa narinig mula sa bibig ni Melissa.

Matapos ng paghinto ng puso ko, mabilis itong tumibok na parang nanabik o dahil sa isang bagay. Malalim akong huminga habang unti-unting inaangat ni Melissa ang ulo niya para makita ang reaksyon ko. Napaawang ang bibig ko habang binubulay-bulay sa isip ko kung anong mga nangyari, ilang segundo lang ang nakakalipas.

Sa pagtagpo ng mga mata namin ni Melissa, hindi ko na napigilan ang mga luha ko't nag-uunahang tumulo mula sa mata ko. Ngumiti si Melissa sa harap ko... 'yon ay isang matamis na ngiti na walang makakapantay para sa mga oras na 'to.

[Now playing: You Never Know by BLACKPINK]

"M-Melissa,"

"Maxifina... h-hindi mo ba ako yayaka-" hindi na natapos ni Melissa ang sinasabi niya sa 'kin, nang mahigpit ko siyang yakapin.

Ipinatong ko ang babâ ko sa kaliwang balikat ni Melissa't mahigpit siyang niyakap. Talagang hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko sa loob ko. Gusto ng puso kong sumabog dahil sa kakaibang nararamdaman, ang mga mata ko ay hindi na napagod sa paglabas ng mga luha; ang katawan ko ay walang tigil na niyayakap si Melissa...

I now found my mother...

Melissa is my real mother!

"M-Melissa..."

Naramdaman kong hinaplos ni Melissa ang buhok ko, at alam kong walang tigil ding lumuluha ang mga mata niya. Ang tanging maririnig lang mula sa paligid ay ang hagulgol naming dalawa. Isa ito sa mga pag-amin na hinding-hindi ko makakalimutan.

"Masayang-masaya ako..." I stop and hug her so tight, "...m-mom. I'm so happy than you've know." I continue as I now look at her in her eyes.

Ang mga kamay niyang nasa buhok ko ay lumipat sa mukha ko. Ang likod ng kamay niya ay kaniyang ipinangpunas sa mga luha ko mula sa aking pisngi. Pinisil pa nga ni Meliss-este mom ang pisngi ko bago muling ngumiti sa 'kin.

Bakit ba hindi na ko nagdalawang-isip na dapat akong maniwala kay Melissa? Dahil sa umpisa palang... marami na kong napapansin sa kaniya, na nagpapatunay na siya nga ang tunay kong ina. Pero kahit na ano pa man, sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon. Parang ngayon ko lang naramdaman ang saya kasama ang totoong kong ina.

Napakasaya.

"Alam ko, Maxifina... hindi lang ikaw, huwag mong solo-hin." Saad ni mom dahilan para matawa kaming dalawa.

Mula sa pagtayo, ang mga paa namin ay kusang umupo sa lupa na puno ng mga tuyong dahon mula sa mga puno. Bukod pa sa ibang dahilan, si Melissa ang tanging nag-iisang option na siya nga ang tunay kong ina... dahil imposible naman kung si Tanda.

"Melissa... c-can I now c-call you-" she cut me and smile.

"Of course! Hahaha! Ano bang gusto mong itawag sa 'kin?" tanong niya. Tinitigan ko si Melissa na napakaaliwalas na ng mukha ngayon. Hindi ko matanggap sa sarili kong marunong mag-English si Melissa...

Hindi sa panghuhusga, pero hindi ako sanay na marinig ang with accent na English niya. Parang lumaki pa nga siya sa Europe kasi kuhang-kuha niya ang accent nila. But who I am? I must be happy 'couz the one who I'm looking for my almost whole life is now in front of me.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon