Ikaapat na pung Alaala

107 27 0
                                    

Ikaapat na pung Alaala

+Kaniyang Paghihirap+

Abril. 08, 1892.

Ngumiti ako sa kaniya matapos kong makita na magaling na siya. Pinawala ko naman kaagad ang MR no. 4 na nag-aalaga sa kaniya habang wala ako.

"Ginoo, magaling ka na, ha? Magaling ka na! Baka naman, pwede na kong umuwi?" tanong ko kay Ji na ngiting-ngiti habang kaharap ang papel niya't hawak ang lapis.

"Umuwi?" painosente niya pang tanong kaya pinag-cross ko na ang mga braso ko.

"Ginoo, seryoso ako. Tignan mo, oh. Malapit na namang maghapunan. Papagalitan na naman ako ni Melissa at nila ama't ina dahil huli na naman ako sa hapunan." Sabi ko.

"Pwede ka naman nang lumisan. Maraming salamat sa pag-aalaga, binibini." Sabi niya habang hindi tumitingin sa 'kin. Kaharap niya pa rin ang papel na hindi niya pinapakita sa 'kin. Tss. Halata namang nagdo-drawing siya, eh.

"Sige."

¤¤¤

1:00 AM. Abril. 09, 1892.

Nagising ako, at lumunok. Nanunuyo ang lalamunan ko... parang gusto ko ng tubig. Bumangon ako sa pagkakahiga, at lumabas ng silid ko. Pababa palang ako sa grand staircase nang may bigla akong marinig.

"HINDI PWEDE 'YON!! MAY SARILI SIYANG BUHAY AT HINDI MO DAPAT DIKTAHAN 'YON!!" malakas ang boses ni Don Francisco/ama na halatang galit na galit. Hindi ko tuloy hindi maiwasan na hindi ma-curious sa narinig.

Mabagal at walang tunog akong naglakad papunta sa silid-tanggapan ni Don Francisco/ama. Bakit kaya galit si Don Francisco/ama? At sino ang kausap niya? At sino ang tinutukoy nila na hindi dapat diktahan ang buhay?

God. I'm freaking curious.

Nang makapunta ako sa harap ng silid-tanggapan ni Don Francisco/ama ay unti-unti kong binuksan ang pinto na halos walang maririnig na tunog. Sumilip ako at isang eksena ang hindi ko inaasahan na makikita.

Si Don Francisco/ama... kausap si Plastic.

Pinaningkitan ko sila ng mga mata. Bakit sila magkausap sa gan'tong oras? Madaling araw ang peg sa pagme-meeting? Bukod do'n katabi din ni Don Francisco/ama si Doña Besalinda/ina na mukhang hindi din sang-ayon ang mga mukha.

Ano 'to?

"Alam ko, Don Francisco... pero mapapalawig pa natin lalo ang ating pagkakaibigan kung iyon ang naging desisyon niyo. Alam niyo naman kung gaano kagusto ni—" hindi na natuloy ni Plastic ang sinasabi dahil sa biglang ingay na ginawa ni Don Francisco/ama sa paghampas ng mesa. Kahit ako, nagulat din sa ginawa niya.

"Hindi magbabago ang desisyon ko, Heneral Vogar. Mawalang galang lang, Heneral. KAMI ANG MGA MAGULANG AT HINDI IKAW. Kaya wala kang karapatan para pilitin kami sa hindi namin nais. Maliwanag ba ang bagay na iyon, Heneral Vogar?!" tanong ni Don Francisco/ama kay Plastic.

Tumayo naman si Plastic kaya kinutuban ako na mukhang aalis na siya, kaya naman nagpa-invisible na ko. Tumango-tango si Plastic, at nagbigay ng mga makahulugang mga titig sa kanila.

"Nauunawaan ko, Don Francisco. Ngunit hindi ako titigil hangga't hindi ko kayo nakukumbinsi. Ang kapalaran na lang ang magpasya para sa mga buhay natin. Magandang umaga sa inyo, Don Francisco't Doña Besalinda... magkita na lamang tayo sa mga susunod pang pagpupulong. Aalis na ko." Sabi niya bago siya lumabas.

Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila ng madaling araw na 'yon, pero may malaking parte sa 'kin na tungkol sa 'kin ang bagay na 'yon. Kalakip kasi na ang word na 'magulang' kay Don Francisco/ama ng sabihin niya 'yon.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon