Unang Alaala

622 79 41
                                    

Unang Alaala

+Pangako+

"Nasa pamamahay ka ng mga Loperaza, at taong 1892 na." Para akong binuhusan ng malamig na tubig, at nanghina ang mga tuhod ko.

N-Napunta ako sa taong 1892? Hala! What the heck!

"...Bakit binibini? Taga-saan ka ba? Bago lang sa akin ang iyong kasuotan." Lumuhod siya sa harap ko.

Bwiset. Kapag namatay na namatay na!

Bakit ko pa sila kailangang iligtas?! Kung patay na sila! Tinitigan ko siya ng masama. "HINDI MO MAIINTINDIHAN, AT KAHIT KAILAN HINDI MO KO MAIINTINDIHAN! DAHIL KAILANMAN HINDI KA MAKAKAPUNTA KUNG SAAN AKO NAGMULA!"

Nagulat naman siya dahil sinigawan ko siya. Alam kong labag ang ginagawa ko sa mga katangian ng mga dalaga sa panahong ito, but the hell I care?

Wala akong pake! Gano'n ako. Selfish.

"Pagpasensyahan mo na ako binibini... pero maaari bang tumayo ka na d'yan? At huwag kang sumigaw dahil baka may makarinig sa iyo."

Tumayo naman ako. Nang may marinig akong hakbang na papaakyat, at papunta sa kwarto niya. Tinignan ko naman siya.

"...Alam mo binibini, gusto kong itanong kung---" natigilan siya sa pagtatanong ng hilahin ko siya.

"Tama na muna ang mga tanong. May paparating," hinatak ko siya papunta sa sulok. Napangisi na lang ako.

This is the time to test my invention.

"...Invisibility."

Bigla naman pumasok ang maganda, at sa mga edad 40+ na. Lumingo-lingo siya sa buong paligid, at napakamot na lang sa ulo niya.

"Guni-guni ko lang ata iyon... nasaan na kaya si Ji?" Tanong niya sa sarili, at sinara na ang pinto.

Gumalaw na ako, at nawala na rin ang invisibility. Halata naman sa mukha niya ang pagtataka. Napaupo naman ako sa kama niya, at tumabi naman siya sa 'kin---pero may distansya.

"Paano mo nagawa iyon? Paanong hindi tayo nakita ni ina?" I just smirk.

Mahabang-habang explanation 'to.

Pinakita ko sa kaniya ang relo ko. "...Relo?" I nod.

"Oo, relo... kaya ng relong itong gawin lahat ng nasa isip ko. Kahit hindi na ako magsalita---direkta itong nakokontrol ng isip ko. Kung nasa malayo man siyang lugar---kapag gusto ko siyang magamit agad siyang makakapunta sa pulsuhan ko."

Halata namang namamangha siya sa mga sinasabi ko. May gan'yan ba sa lugar na ganito? Wala, ako lang. Iniabot naman niya ang kamay niya sa 'kin ng nakangiti.

Bakit ba siya ngumingiti?

I admit, I'm pretty. Pero hindi napapahalagahan sa panahon ko. Lagi lang akong naka-poker face. And for the first time napangisi ako ng dalawang beses because of him.

"Binibini, nais kong ipakilala ang aking sarili. Ako si Ji Loperaza, ikinagagalak kitang makilala." Tinitigan ko lang ang kamay niya.

'Ji'? Bakit parang hindi naman uso ang pangalan niya sa panahon na 'to?

"Maxifina Fuentes." Hindi ako nakikipag-shakehands.

What is the purpose of that?

Pilit lang siyang ngumiti, at ibinaba na ang kamay niya. "Ah ganoon ba? Fuentes? Kabilang ka pala sa pamilya ng mga Fuentes." Napatingin ako sa kaniya.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon