Ikalimang Alaala

303 63 4
                                    

Ikalimang Alaala

+Obra+

"Binibini! Mali po 'yan!"

"Huwag niyo pong isaboy ang maraming toyo!"

"Mamaya pa po 'yang laurel!"

Nabibingi na ko. Ugh. Ano ba kasi 'tong niluluto namin! Ang baho ko na! My god. Nakaka-stress.

Umupo na lang ako sa isang tabi. Wala naman akong tulong sa kanila eh. Gulo lang talaga ang dala ko.

"Binibining Maxifina, ano ho bang ginagawa mo?" Takang tanong Melissa sabay upo sa tabi ko. I just rolled my eyes.

Like the hell. Obvious naman, 'di ba?

Hindi ko alam lutuin ang dish na 'yan. Masyado bang hindi obvious? Halos mabingi na nga ako sa mga katulong dito.

"...Hindi ka ba tinuruan ng iyong lola?"

"Damn. Halata bang tinuruan ako? Hindi ako nakikipag-usap sa kaniya. Kaya hindi niya din ako nagawang turuan. Basta, ang naalala ko lang kung kailan ko siya nakita ay noong namatay ang mga magulang ko noong 15 ako, kapag nagkakasalubong kami minsan, at noong pinanood ko siya nalalagutan ng hininga." Halata namang nalungkot si Melissa.

Like duh? Obvious naman Melissa eh.

"Kung ganoon, tuturuan na po lang kita. Sa mga susunod na araw, mahalagang matutunan mo na po kung paano lutuin ang Adobo ala Fuentes." She said sabay tapik sa ulo ko.

Iniwan na niya ko, at nagpatuloy na sila sa pagluluto ng tinatawag nilang 'adobo'. Umaakyat na lang ako sa silid ko. Wala akong matutulong sa kanila do'n.

I'm useless talaga.

"Dress exchange." Agad naman ako napalitan ng damit. Naka-shorts lang ako, and a simple t-shirt.

Duh? Ang hirap kaya mag-baro't saya.

Medyo malamig pa sa panahon nila, bukod sa may hanging amihan pa, ay wala pang climate change. Kasi wala pang mga mapolusyong mga kotse, mga pabrika, mga pagputol ng mga puno, at iba pa.

Malinis, at sariwa ang hangin dito. Wala ka nang hihilingin pa. Nakakarelaks talaga. Humiga agad ako sa higaan ko, at dumapa, ginawa kong sandalan 'yong unan.

"...Phone." At sa ilang saglit, nahawakan ko na ang phone ko.

Ang angas, 'di ba?

Naglibang-libang na ko, natigilan ako ng biglang may kumatok sa pinto ko. Agad bumalik lahat. Damit, at ayos ng buhok ko, nawala na din 'yong phone ko. Dumiretso ako sa pinto.

"Bakit po, ina?"

"Maxifina, bumaba ka na anak. Maya-maya lang, at makaka-uwi na ang iyong ama't kuya. Kaya halika, salubungin natin sila."

Nagkibit-balikat na lang ako. Kahit gusto ko pa gumamit ng phone, wala na kong magagawa. Bumaba na kami, pero natigilan ako ng mapansing marami na pa lang nandito.

Naririnig ko ang masiglang musika ng rondallà, mga taong nagkukuwentuhan, at nagtatawanan. Lalo akong na beast mode ng mapansin kong nasa harap ko na pala si Carlo.

"Magandang hapon, binibini't Doña Besalinda."

"Magandang hapon din, ginoong Carlo."

"Walang maganda sa hapon kapag ikaw ang nasilayan ng mga mata ko." Bulong ko.

"Paumanhin? Ano iyon? May gusto ka bang sabihin?" I just rolled my eyes.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon