Ikalabing limang Alaala

208 47 0
                                    

Ikalabing limang Alaala

+Eroplanong Papel+

Enero. 31, 1892.

Nagising ako ng ako lang ang mag-isang nasa silid. Ang sama nila. Iniwan talaga nila ko. Maayos ang mga kama nila. Nakatupi ang mga kumot nila.

Buti naman, at nagligpit ang dalawang 'yon.

Napansin kong may isang sulat sa ibabaw ng side table ni Amalia. Kinuha ko naman ito't binasa.

Maxifina,

          Pasensya ka na, Maxifina. May pupuntahan kasi kami ni Dolores kasama ang mga pamilya namin. Kaya kung nagising ka na ng nag-iisa. Patawad! Sana naman magkaroon ka ng magandang araw! Salamat!

Mga minamahal mong kaibigan,

Amalia at Dolores

Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa nabasa ko. Sabi ko na nga ba. Pambihira. But infairness, ang ganda ng cursive ah? Si Amalia siguro ang nagsulat.

"Dress exchange."

Agad akong nagpalit ng damit. Naging pula ang baro ko't naging orange naman ang saya. Sabi ni madam Victoria. Dapat daw gumawa daw ako ng bagong kanta sa mag-asawa.

Okay lang, madali naman—"Huh? Nanda? (What?)" May bigla na lang papel na eroplano na tumama sa ulo ko.

Pambihira.

Kinuha ko na lang ang eroplano, at sumilip sa bintana. Wala namang ibang tao. Mukhang tahimik ang campus namin ngayon ah? Binuklat ko na lang ang eroplanong papel.

Nais kong magkita tayo sa maliit na eskinita malapit sa pinag-kainan natin noon nila Carlo. May pag-uusapan tayo.

Oras

Ngumiti na lang ako sa kawalan. Pambihira din, ano? Nakuha pa talagang gamitin ang eroplanong papel para maipadala sa 'kin 'tong sulat niya. Agad na nawala ang eroplanong papel. Nasa loob na siya ng Watch 1000 ko.

"Watch 900, teleport." Agad akong nawala sa silid namin, at agad kong nakita si Ji. Nasa likod niya ko.

Halatang hinihintay ako ah? Sweet naman.

"...Oras? Nandito na ko." Nasa maliit na eskinita na kami. Bigla na lang siyang ngumiti.

Bakit kaya hindi kasama nito 'yong kasintahan niya? Mabuti na 'yon. Masosolo ko si crush! Ahihih...

"Ikinagagalak kitang makita muli, binibini."

Mas kinagagalak ko!

"Bakit mo ako nais makita? Ginoo?" Lumunok pa siya. Nakita ko pang gumalaw ang adam's apple niya.

Shocks!

"Nais kong pag-usapan natin ang kaso ng aking mga lolo't lola. Pero mahihirapan tayong pumunta sa San Aprosa." Hinila ko na lang siya palabas sa eskinita.

Paghihinalaan kaming may relasyon. Mahirap na, men.

"Dito na lang tayo mag-usap. Wala namang magdududa. Dahil nakikita tayo ng lahat. Iisipin nilang MAGKAIBIGAN lang tayo. Maliwanag?" Tumango na lang siya. Kung tutuusin, siya dapat ang mas nakakaalam ng mga rules dito eh. Kaysa sa 'kin? Siya kasi ang taga-rito.

Kaiba ka, men.

"...gusto mo bang pumunta sa San Aprosa?" Dahil sa tinanong ko. Tumingin naman siya sa 'kin. Itinaas niya pa talaga 'yong isa niyang kilay, at umiling.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon