Ikalabing tatlong Alaala

202 51 0
                                    

Ikalabing tatlong Alaala

+Pagbagsak+

"Oy, Ji. Hindi ka ba napapagod? Kanina pa tayo nagtatanong dito, wala namang sumasagot." Seryoso lang ang aura niya, at halatang ayaw paistorbo.

Nakakairita pala kapag may kasama kang cold? Ngayon, alam ko na feeling ng mga kaklase ko.

"Hindi tayo titigil hangga't hindi pa natin nakikita ang saksi sa pagpatay sa kanila." Kapag pala sinimulan niya, hindi na siya titigil?

Ano? Atat lang ang peg? Saan bang baryo 'to? Baryo maulap? Char.

Nasa isang baryo kami. Hindi ko alam kung sa'n ba 'to. Pero sure akong malapit lang 'to sa Manila. "Eh paano ba natin malalaman kung sino ang saksi sa pagpatay sa kanila?"

Tumigil siya sa paglalakad, at tumingin sa 'kin. He's now wearing a cold face, but at the same time---he's still handsome. He actually had a poker face right now. He's so serious.

"Makikipagkita tayo sa isang saksi." nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

Sinong saksi?

"Bakit wala pa siya?"

"Isa siyang babae, kasing edad lang ni Polina. Sinabi sa 'kin ni madam Cecilia na siya ang nakakita sa bangkay nila lola. Kaya sigurado akong nakita na niya ang mga gumawa bago pa niya nakita ang bangkay nila." I nod at him.

Sa dinarami-rami ng magiging witness, isa pa talagang babae? At kasing edad ng karibal ko? Ayos ah.

Nakasuot lang ako ng belo, at si Ji naman naka-sumbrero. Mahirap na kung may makakita sa 'ming magkasama.

Baka isiping dakilang kabet ang kagandahan ko.

Maya-maya, may nakasangga sa 'king babae. Maraming tao kasi palengke. Hindi man lang nag-sorry, kaya hinatak ko ang braso niya, sapat na para pwersahan ko siyang maipunta sa harap ko.

No one can do that sh*t to me.

Napahinto naman si Ji dahil din sa paghinto ko. "Babae, nakasangga ka, hindi ka ba hihingi ng paumanhin?" Nakabelo din siya.

Pero sorry, mas matangkad ako sa kaniya.

She raised her head and look at me. "Babae, isa itong palengke. Natural lang na may makakasangga sa balikat mo." I smirk.

I think, kailangan muna madâla ng babaeng 'to, before I let her go.

"Alam ko, pero mahirap bang humingi ng paumanhin?" Sinamaan niya ko ng tingin, that make me smirk badly. Nasampal kasi siya ng balik kong tanong.

Bara ka noh? Sangga pa more.

"...Ano't nagmamadali ka? Hindi ka ba pwedeng maglakad?" I asked her again. Hindi nakasagot eh. Tanungin na lang ulit natin.

"May kikitain ako, isa itong mahalagang pagkikita, at hindi niyo maaring malaman." She seems so secretful. Agad na naagaw ang atensyon ni Ji, at tumingin na din sa babae. Nanlaki ang mata ng babae't hinarap na agad-agad si Ji.

Atat ka 'teh sa loves ko?

"...Ginoong Loperaza, ikinagagalak ko pong makita kayo," maybe she's the innosent witness, that madam Cecilia refer to.

Pero hindi kami agad nagtitiwala. Maybe, she's a big liar. So we have to make sure.

"Dalawang bangkay, nakita. Inilibing sa lupa." Napatingin ako kay Ji. Ang seryoso ng mukha niya. Maybe, that's the code.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon