Ikapitong Alaala
+Aking Diwata+
Enero. 15, 1892.
Minsan hindi ako makapaniwala. Pero gano'n talaga.
Nandito lang ako sa silid ko. Wala akong ganang lumabas ngayon, kahit ito pa ang sinasabi nilang masayang okasyon. Maya-maya, may biglang kumatok sa pinto kaya agad kong pinuntahan ito.
"Magandang araw! Ate Maxifina! Halina't lumabas! Minsan lang ang pagdiriwang ng mga intsik dito!" Masiglang yaya sa 'kin ni Rosala.
Binigyan ko lang siya ng poker face. Napasinghap lang siya, at agad na hinawakan ang pulsuhan ko. Sabay itong hinila-hila. Tumango na lang ako. Sabay kaming pumunta sa baba. Naabutan namin doon sila Doña Besalinda/ina, at Don Francisco/ama't si kuya Mateo.
"Ama, ina. Maari po ba kaming pumunta sa pagdiriwang ng mga intsik sa plaza ng San Aprosa?"
"Oo naman anak, basta... umuwi kayo bago pa maging kulay itim ang langit."
Agad kaming lumabas ni Rosala, at sumakay sa kalesa. Wala pa rin akong emosyon. Wala akong balak na magkaro'n ng mood ngayon.
I just hate it.
Habang nasa kalesa kami, nababalot kami ng katahimikan, pero nabasag ito ng magsalita si Rosala.
"Ate Maxifina, naalala mo ba iyong lalaking kaharap mo noong nagkaroon ng salusalo sa pamamahay ng mga Reyes?"
Huh? Ano naman kayang trip nito? Bakit niya tinatanong si Ji?
"Oh, anong meron do'n?"
Hindi pa rin ako nakatingin sa kaniya. Wala akong planong pag-usapan ng may gana ang lahat ng tungkol kay 'JI'.
Ayoko siyang maalala.
"Huh? Wala lang. Sadyang nakakahanga lang ang kaniyang itsura." Sabi niya with matching patakip-takip pa ng abaniko sa kalahati ng mukha niya.
Confirm. May gusto nga siya kay Ji---so, ano naman sa 'yo Maxifina? Affected ka? Of course, not! Why so defensive? Hays. Nag-aaway na ata ang puso't utak ko.
Iba talaga ang impact sa 'kin ni Ji.
"...Teka lang, hindi ka ba talaga ngumingiti? Ano bang kailangan kong gawin para mapangiti ka?" Nakakairita naman 'to. Puro tanong.
Obvious naman 'di ba? Hindi pala ngiti ate niya.
Hindi ko na lang siya pinansin hanggang sa makarating na kami sa plaza. Agad na bumungad sa 'min ang maingay na mga tambol ng mga chinese.
Maraming tao, may mga iba't ibang tinda. Hanggang sa may sumayaw na mga tao na nasa ilalim ng dragon. Ang ingay ng buong paligid. Hanggang sa mahagip ng mga mata ko si Ji. Mula siya sa kabilang kalye. Pero hindi ko siya pinansin. Nagtagal pa ang ilang oras, hindi na ko mapalagay.
Someone staring at me.
Nang tumingin ulit ako sa kaniya, wala siyang emosyon na nakatingin sa 'kin. Bakit hindi mo kasama ang Polina mo? Baka gawa-gawa mo lang 'yon? O echous lang? Para pagselosin ako?
Ano? Labas mo alas mo! Heh!
Biglang nagtulakan ang mga tao. Siguro malapit nang makita ang fireworks. Hapon na din, at mga 5:00 pm na. Natigilan ako ng bigla kong nakaharap si Ji. At biglang lumiwanag ang paligid, pero ang nakakapagtaka—wala akong marinig.
Siya lang ang nakikita ko. Parang nag-mute lahat. Bahagya siyang ngumiti, at ako naman alam na ang purpose ng abaniko. Kaya itinakip ko ito sa kalahati ng mukha ko.
BINABASA MO ANG
I Treasure You, 1893
Ficción histórica|NOVELA HISTORIA SERIÉ #1| [ONGOING] She once hated her own existence. She once wondered if she ever had a purpose living in this chaotic world. But not even once, in her whole life, had she imagined herself sacrificing for others. She never imagin...