Ikalabing apat na Alaala

187 47 0
                                    

Ikalabing apat na Alaala

+Alipin+

Enero. 29, 1892.

Nagising ako ng maaga dahil sa dalawang babaeng kasama ko ngayon sa silid na 'to. Kaloka. Napunta ako sa second floor, nasa pinakadulo.

Tanaw ko pa nga 'yong papunta sa kusina. Ang nakakaloka lang, 'yong dalawa kong bagong kasama sa silid ay waring mga lalaki kung humilik!

Sumalangit nawa! Ang iingay nila humilik!

Napakamot na lang ako sa ulo. Nakaka-stress! Sira tuloy ang beauty sleep ko. Sistema naman kasi! Naligo na lang ako, at nagpalit ng damit.

Naka-berde ang baro ko, at kulay dilaw naman ang saya. Lumabas na ko, at nakita ko pa talaga silang mga bagong gising lang.

"Magandang umaga sa inyo." Umupo ako sa kama ko. Like dati, nasa dulo pa din ang kama ko.

"Magandang araw, Maxifina. Naligo ka na pala."

Oo! Kasi baka natalsikan ako ng mga laway niyo! Dinaig niyo pa ko!

Hindi sila si Hanalia. Iba sila. 'Yong isa si Amalia Garcia, gusto niya sa mga bulaklak, and favorite niyang mamasyal. Ito namang isa medyo so-called—malusog. 'Yon lang.

She named Dolores Aguilar. Obvious namang favorite niyang kumain. HAHAHAH! Ang sama ko. Gusto niya ang musika. At hilig niyang mag-piano.

Well, girl. Mas magaling ata ako sa 'yo. WHAHAHA!

"Oo, kasi maya-maya lang, baba na tayo." Naligo na rin sila, at nagpalit.

At my goodness! Mahilig pala sila mag-make-up.

"Maari bang magtanong? Bakit niyo hilig maglagay ng kolorete sa inyong mga mukha?" Tinignan lang nila ko't ngumiti.

"Kilala mo ba sila ginoong Carlo Reyes, at ginoong Ji Loperaza? Nagbabaka-sakali kaming mapansin ang aming kagandahan." Tingnan niya pa si Dolores.

Kahiya naman.

"Siyang tunay." Napatango na lang ako.

Ang lalandi din ano? Pigil-pigil ka, selp! Pigilan niyo ko!

"...eh kilala mo ba si Polina? Hindi ba't kababayan mo siya?" I nod.

Ano namang meron kay Polina? Hindi ko naman siya talaga kaaway. Kasi wala naman akong magagawa kung pinagkasundo sila eh.

Susuko na ba ko para mapunta siya sa iba?

"Oo. Kababayan ko nga siya."

Tumingin sila sa isa't isa, at tumingin sa 'kin ng nakangiti. Magaganda naman pala sila. Simple lang din sila kung mag-make-up, at manamit. Kagaya ko lang.

Sa tingin ko... magkakaro'n na naman ako ng mga bagong kaibigan.

"Narinig mo na ba ang kumakalat na balita? Ipinagkasundo sila ni ginoong Loperaza?" Ngumiti lang ako sa kanila ng mapait. Tumango na rin ako.

Ang mga peste. Pinaalala pa talaga iih!

"Oo, alam ko 'yon, at bilang anak ng Gobernador Cillo, bahagi ng aming pamilya na pumunta sa kasal nila." Taka nila kong tinignan. Mula ulo hanggang paa pa talaga.

Anong meron sa dalawang 'to?

"Anak ka ng isang Gobernador?"

"Tama ang narinig niyo. Ako nga."

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon