Ikatlong Alaala

357 70 89
                                    

Ikatlong Alaala

+Ngiting Totoo+

Enero. 13, 1892.

Nagising ako ng maaga, at agad na nag-ayos ng sarili. Bumaba agad ako. Pero agad bumungad sa 'kin si Rosala. Nakangiti siya, at parang hindi beast mode.

"Aking kapatid! Mahusay talaga ang iyong pagkanta kagabi. Hindi ko alam na gumagawa ka pala ng mga kanta?" Nakangiti niyang tanong sa 'kin.

Hala? Ano nang nangyari sa ugali niya?

'Di kaya totoo ang sinabi ni Melissa? Na naiba ko na ang mga nakatakdang mangyari? Tumango na lang ako.

"...gusto ko rin gumawa ng sariling kanta—maari bang turuan mo ako kung minsan?"

Ha? Hakdog. Ayos 'to ah? Kahapon halos sabunutan na ko? Tapos ngayon nanghihingi ng pabor?

"...ay. Oo nga pala, ate Maxifina, halina't kumain, at kailangan pa nating maabutan ang barko ni kuya Mateo mulang Cuba."

Mateo? Maybe he's my big brother in this time.

Hinila lang ako ni Rosala. Masyadong atat 'teh? Umupo agad kami matapos bumati. First time kong kumain ng kasama ang buong pamilya. This time, iba na naman ang ulam nila.

Maliit na isda?

"Tuyo ang ating agahan. Kumain kayo ng mabuti para matuwa ang kuya Mateo niyo."

So sasalubungin nga namin si kuya Mateo?

Nahuli pala siya. Ano kayang ginawa niya sa Cuba? Siguro ay may ginawa lang siyang mahalaga. Natapos na kaming kumain. Dumiretso kami sa kalesa, at agad na pumunta sa pantalan. While me? I'm impressing.

I never thought that this place is more greatful than my modern city.

Nang bumaba kami ng kalesa, pinagtitinginan at ginawan pa kami ng daan sa gitna. Sosyal kami ah? Magagara din sila kung manamit. Maya-maya ay may tumunog na barko. Habang tumatagal ay papalapit ito ng papalapit sa amin.

Hanggang sa dumaong na ito sa pantalan ng San Aprosa. Naghihintay lang kami ng may biglang matangkad na lalaki ang humarap sa amin. Nakapang-heneral siyang damit, at namumukod tangi ang pagka-mestizo niya.

Nagmula pala ang lahi ko sa isang guwapong Mateo Fuentes?

"¡Mi hijo! Qué gusto verte de nuevo." ("My son! Nice to see you again.") Natutuwang saad ni Don Francisco/ama kay kuya Mateo.

"Yo tambièn, papà!" ("Me too, dad!") Masaya din namang saad ni kuya Mateo kay Don Francisco/ama. Napatingin naman siya sa 'min.

Ang guwapo pala ng ninuno ko?

"...kamusta na kayo aking mga magagandang kapatid?" Nakangiti niyang bati sa 'min sabay yakap.

Feel na feel mo, kuya?

"Ayos naman kami, kuya Mateo." Sagot ni Rosala.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon