Ikadalawampu't siyam na Alaala

141 32 0
                                    

Ikadalawampu't siyam na Alaala

+Ang Paglilitis+

2:35 PM. Pebrero. 21, 1892.

"Binibini, hinihintay na po kayo nila ginoong Loperaza't Severa, at binibining Severa. " Sabi ni Melissa. Tumango naman kaagad ako, at tumayo.

"Sige, eh, sila ama't ina?" Tanong ko habang sumisilip sa may labas ng silid ko.

"Abala po si Doña Besalinda sa pagbabasa sa kanilang silid, si Don Francisco naman po ay nasa isang pagpupulong na malamang na mamayang gabi pa makakauwi." Sagot ni Melissa. Tumango naman kaagad ako.

Maingat akong lumabas sa silid, hindi kasi pwedeng mahuli akong tumatakas kasi siguradong idada-daldal ng ibang katulong na mula ako sa mababang hukuman.

Siguradong makakakutob sila dahil napabalita na nga sa buong bayan at sa mga kalakip na bayan ang tungkol sa pagpatay. Kaya napagdisesyonan naming apat na patago kaming pumunta do'n, para walang isyu.

Kasabay kong maglakad si Melissa papunta sa kusina na tahimik na ngayon. Dumaan kami sa likod ng kusina, habang may kalesang nakaabang sa 'kin papunta sa plaza.

"Mag-iingat po kayo, binibini. Ako na po ang bahala kay Doña Besalinda, basta po, sikapin niyong makabalik ng maaga." Paalala ni Melissa na ka-partner in crime ko na. Tumango ako habang nakasakay na sa kalesa, at nakasuot ng belo.

"Oo, Melissa. Salamat ulit." Paalam ko habang nagsimula nang umalis ang kalesa.

Halos limang araw na ang nakalipas simula nang kausapin namin ni Ji si Arnesto... buong limang araw, wala kaming ibang ginawa kundi ang pilitin si Don Joselino na dinigin ang kaso ng mga lolo't lola ni Ji.

Napapayag naman namin si Arnesto na maging fiscal sa kaso, bilang matalik na kaibigan ni Ji, ginawa niya ang kailangan, buti nga... hindi na namin kailangan gawin ang sinasabi ni Ji'ng plano.

Plano sana namin ni Ji na akitin ko pa si Arnesto, buti na lang, at nakukuha sa mabilis na usapan si Arnesto. Hindi na kailangan pang akitin sa ganda ko.

Ang pagiging fiscal ni Arnesto ay alam na ng mga magulang nila, at pumayag naman sila Doña Zillia at Don Joselino, 'yon na lang din ang bagay na maitutulong nila sa mga Loperaza't mga Cruz.

"Binibini, nandito na po tayo." Sabi ni kuya. Tumango naman ako.

"Sige. Salamat." Sabi ko.

Bumaba naman na ko sa kalesa, at dumiretso sa lugar kung sa'n kami magkikita. Nasa gilid lang naman 'yon ng mga puno dito sa plaza, kaya madali kaming magkakakita-kita.

Nakita ko naman silang tatlo na magkasama, nakasumbrero sila Arnesto at Ji, samantalang si Zerra, may belo din katulad ko.

"Magandang hapon, binibini." Bati nila Ji kaya tumango ako sa kanilang dalawa.

"Magadang hapon, Maxifina. Mabuti't nandito ka na." Sabi ni Zerra habang nakangiti sa 'kin.

"Magandang hapon din sa inyo. Pupunta na ba tayo sa tanggapan ni Don Joselino?" Tanong ko. Tumango naman sila.

"Oo, binibini." Sagot ni Ji kaya ngumiti ako sa kaniya.

Katulad ng nakalipas na limang araw, dumiretso na kaagad kami sa tanggapan ni Don Joselino. Katulad ng inaasahan, nagbabasa pa rin siya.

"Arnesto, kayo ba ulit iyan?" Tanong ni Don Joselino kahit na hindi pa rin siya nakatingin sa 'min, pumasok naman kaagad kami, at isinara ang pinto.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon