Ikaapat na pu't isang Alaala

106 25 0
                                    

Ikaapat na pu't isang Alaala

+Hiling na Mahalin+

Abril. 16, 1892.

"Maxifina?" narinig kong boses ni Doña Besalinda/ina sa labas ng silid ko, kaya itinigil ko naman ang pagsusulat ko sa aklat ni grandma' at inukulan ng tingin si Doña Besalinda/ina na nakadungaw sa may pinto.

"Bakit po, ina?" magalang kong tanong.

"Maghanda ka na, Maxifina, malapit na tayong umalis." Paalala ni Doña Besalinda/ina sa 'kin habang sinasara niya ang pinto ng silid ko.

"Opo, ina. Tungkol po ba sa pasasalamat?" tanong ko.

Tumango naman siya, at nakita ko naman sa peripheral vision ko na papalapit na siya sa 'kin, kaya naman sinara ko kaagad ang aklat ni grandma', at tumingin sa kaniya.

"Oo, alam mo ba ang kwento sa likod ng pasasalamat na iyon?" tanong niya sa 'kin na nakakuha na naman ng atensyon ko.

"Sige po, ano po bang kwento?" tanong ko.

Umupo naman si Doña Besalinda/ina sa tabi ko, at inakbayan pa ko. "Noong unang panahon, ang bayan ng San Aprosa sa Pilipinas ay hindi pa kilala o wala pang pangalan. Wala kasing magandang lupa dito sa bayan noon, at wala ring ni isang bukal... kaya walang nagnanais na tumira dito dahil nga sa mga bagay na nabanggit. Isang araw, may babaeng napadpad sa bayan na ito, ang pangalan niya ay Aprosa... sa daan na binababalaan siya ng mga tao na huwag nang tumuloy dahil walang silbi ang bayang ito, pero hindi nakinig ang babae't tumuloy..."

"...Huminto si Aprosa sa harap ng isang bukal nang siya'y mauhaw, ngunit isang mapait na tubig ang kaniyang natikman, ngunit tiniis niya ito't ininom pa rin. Hanggang sa isang araw, ang babae ay nagkaroon ng malubhang sakit. Naglakad siya sa harap ng bukal na lagi niyang iniinuman bago bumigay ang kaniyang mga tuhod... nanalangin siya sa Maykapal: "Pakiusap, panginoon! Pagpalain nawa ang lugar na ito, nang sa gayon, bago ako mawala ay mapahalagahan ito ng mga tao. Hindi na layua't kutyain, dahil naniniwala akong may halaga ang lugar na ito! Panginoon, pakiusap! Kung naririnig niyo man ako!"'

"...Dininig ng Maykapal ang kaniyang munting hiling. Nang subukan ni Aprosa na uminom sa harap ng bukal, isang matamis ang kaniyang natikman. Tumubo ang mga mabubungang punongkahoy, mga gulay na ngayo'y hitik na sa mga bunga, ang tubig ng lawa't ilog ay napuno ng mga iba't ibang makakaing isda; napuno ang bayan ng mga yamang lupa, yamang tubig maging ang yamang mineral... simula noon ay nagsimula nang lumipat ang mga tao sa bayang ito."

"...Hanggang sa huling hininga ni Aprosa, hindi siya nagmintis sa pananalangin para pasalamatan ang Patron na gumawa ng utos ng panginoon para sa kaniyang hiling. At nang pumanaw si Aprosa, hindi nakalimutan ng mga tao na nakatira sa bayan ang kabaitan ng panginoo't Aprosa. Kaya ang mga tao ay nag-isip para mapanatili ang mga alaalang iyon mula sa babaeng nangangalang Aprosa... at simula noon, ipinangalan na sa kaniya ang bayang ito... ang bayan ng San Aprosa."

"...Bukod do'n, nangako ang mga taong pasasalamatan nila lagi ang Patron at ang kabaitan ni Aprosa, kaya... nagkaroon ng pasasalamat para sa Patron at ni Aprosa, sinasabi ding ang kahit anong hiling ay matutupad sa oras na manalangin ka sa pasasalamat ng panahon na ito. Iyon ang kwento, Maxifina. Anong masasabi mo?" nakangiting tanong sa 'kin ni Doña Besalinda/ina. Tumango na lang ako.

"Kaya pala kailangan nating gawin ang pasasalamat." Sagot ko.

"Ha? Hindi lang pasasalamat ang magaganap." Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Doña Besalinda/ina.

"Ano pa po?" taka kong tanong.

"Magkakaroon din ng fiesta't parada kung saan ang anak na babae ng Gobernador ang gaganap..." do'n palang, ramdam ko na ako ang tinutukoy ni Doña Besalinda/ina, eh.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon