Ika-tatlompu't pitong Alaala

116 29 0
                                    

Ika-tatlompu't pitong Alaala

+Pagmulat+

Marso 26, 1892.

Napatingin ako kay Doña Teodora na nagbabantay kay Ji na hindi pa rin gumigising mahigit mag-iisang linggo na. Nakalipas na rin ang ilang araw simula nang makapunta dito ang mga magulang namin.

Oo, nasama na sina Don Francisco/ama at Doña Besalinda/ina, ang mga magulang ko sa panahon na 'to; Don Maldicion at Doña Teodora, ang mga magulang nila Ji't Fiona; Plastic at Doña Trinidad, ang mga magulang nila Carlo't Polina; at sina Don Joselino at Doña Zillia, ang mga magulang ng kambal itlog at Zerra.

Ilang araw na rin na hindi ako nakadalaw kay Ji dahil sa ayaw akong payagan ni Doña Besalinda/ina sa takot na baka ako ang mapagbuntungan ng galit ng mga Reyes-—ang Plastic.

Galit na galit daw kasi 'yon nang malamang nabaril si Ji dahil niligtas ako.

Psh! Anong galit? Baka nga nagpa-fiesta pa 'yon kasi nabawasan ng alas ang kalaban niya sa pamumuno ng San Aprosa at ang lalaking magdadala sa kaniya sa tinatawag na 'danger zone' para mawalan siya ng pwesto at mamatay.

Pero in a second thought... baka nag-aalala nga siya kasi baka hindi na niya mapakasal si Ji dahil dito. Ilang araw ko na rin 'yan pinag-iisipan. Kasi 'di ba sa March 30 na 'yong kasal nila? Which is two weeks from the day Ji got shot by a stranger.

Isa rin 'yon sa mga isipin ko-—ang kasal ni Ji at Polina na sobrang labag na labag ako.

Damn.

Kaya hindi na 'ko magtataka kung bakit sinisisi ako ng mag-asawang Reyes. Magiging manugang nila 'yon, tapos malalaman nilang nabaril?

Mukhang nasa danger zone na rin ang mga plano nila.

Hindi ko alam kung kasama 'to sa mga plano ni Ji... but the heck? Sure akong hindi niya 'to plano para mapatigil ang kasamaan ng mga Reyes. Like the fuck, 'di ba? Hindi pa natin alam kung buntis nga ba talaga si Polina or not.

Ngumiti naman si Doña Teodora nang makita akong pumasok sa silid ni Ji dito sa dormitoryo nila. Nilabas na kasi si Ji mula sa ospital ilang araw na rin ang nakalipas at ipinayo ni Luego na rito na lang siya magpagaling.

Tumayo si Doña Teodora mula sa pagkakaupo at lumapit sa'ming dalawa ni madam Victoria na kasunod ko sa likod ko.

Nagbeso muna kami bago niya 'ko harapin nang may malalapad na ngiti.

"Maxifina, oh, kay tagal kong hinintay na dumating ang araw na ito. Balita ko kasi mula kay Fiona na nahihiya ka pa. Hija, huwag ka nang mag-alala, alam ko ang pakiramdam na iyan. At saka, hindi naman ako sa iyo galit at para saan naman para magalit ako sa iyo?" nakangiti niyang tugon sa'kin.

Natigilan naman ako sa sinabi niya.

Hindi siya galit sa'kin?

"H-Hindi niyo po ako sinisisi?" paninigurado ko.

Tumango naman siya nang buong giliw at hinila nang marahan ang kamay ko dahilan para makapasok na kami nang tuluyan ni madam Victoria sa silid.

Sinara naman ni madam Victoria ang pinto ng silid at pinaupo ako ni Doña Teodora sa isang kama na malamang ay kay Arnesto.

"Ano ka ba, Maxifina? Malinaw na sinadya ng aking anak na iligtas ka... hindi nga lang natin alam kung bakit at kung sino ang may gawa. Ngunit sigurado akong wala kang sala sa bagay na ito." nakangiti niyang sagot sa'kin.

Napalunok nalang ako sa sinabi niya. Hindi ko expected na ganto ang sasabihin niya since maraming magulang ang padalos-dalos kung mag-isip at hindi maawat hangga't walang taong nasisisi sa isang bagay na kalakip ang kaligtasan ng anak nila.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon