Ika-tatlompu't anim na Alaala

124 28 0
                                    

Ika-tatlompu't anim na Alaala

+Bala Mula Sa Kawalan+

Marso. 21, 1892.

Halos magdadalawang linggo na simula no'ng huling away ko kay Emilia at huli kong kausap kay Ji. Hindi ko alam kung bakit biglang nawala ang mga guardia civil na nagbabantay at nagmamatyag sa 'min ng halos isang buwan na.

Pero naging pabor naman sa 'min 'yon para makabisita kami kay Diana na ginagamot ni Luego sa likod ng isang abandunadong gusali dito sa San Ramon. Mahigit isang linggo na siyang walang malay, at talagang nag-aaalala para sa kaniya ang mga kaibiga't kapatid niya.

Lumabas naman kami ni Luego mula sa silid ni Diana, medyo hindi na rin siya inaatake ng hika niya, at hindi na rin siya gaanong kahabol sa paghinga. Buti na lang nalaanan namin siya ng first aid no'n.

Siguro, magigising na rin siya. Based sa mga results, hinabol ng katawan niya ang pahinga para maka-recover sa lahat ng kabrutalan na ginawa sa kaniya sa kulungan. At thank goodness, at hindi siya nagahasa sa kulungan... nanatili pa rin siyang virgin.

Kung sakaling hindi, siguradong mapapatay na sila ni Diego dahil sa emosyon, pero buti na lang talaga at hindi gano'n ang nangyari. Bumaba na rin ang lagnat niya, at ngayo'y sinat na lang.

Mahirap siyang maalagaan lalo't hindi kami maaaring mahuli't makita na ginagamot namin siya. Bumibisita din naman dito si Saktibo kaya madalas na hindi ako nakakasama sa mga paggamot nila dito... hindi kasi talaga ko pwedeng mahuli, gano'n na din si Luego.

Baka mapatay ang mahangin.

('_ゝ')

"Aalis na kayo?" Tanong ni Diego habang kasama naming naglalakad palabas ng kakahuyan dito sa San Ramon.

Tumango naman kaming lahat. May mga maiiwan para hindi mawalan ng bantay si Diana... tatlo lang naman ang naiwan, si Cristina, Gabriella, at Elena. Si Teresa't Savannah, at Luego ang kasama naming bumalik.

"Oo, ginoong Favre. Hindi kasi maaaring mawala kami ng matagal. Lalo na si ginoong Luego, pasalamat nga tayo't sang-ayon si ginoong Luego sa mga rebelde... kung hindi ay matagal nang natutulog sa ilalim ng lupa si Diana." Natatawang sambit ni Savannah.

Napakamot naman siya ng ulo, at sabay-sabay kaming napatingin sa biglang sumigaw, "Sandali! Sasamahan ko na kayo." Pahabol ni Cesar na huminto sa harap namin matapos niyang tumakbo.

"...Baka maparatangan na babaero si ginoong Luego dahil may kasama siyang dalawang mga binibini. Kaya dapat na kasama ko." Sabi ni Cesar na kay Savannah lang naman nakatingin.

"Talaga lang, ha? Baka si binibining Villacelar lang ang nais mo? May nalalaman ka pang mga paratang sa ngalan ko bilang guro't doktor. Ikaw talaga, Cesar! Ang dami mong alam, maging ang pagiging maganda kong lalaki ko ay nadadamay." Mahanging wika ni Luego habang umiiling-iling pa talaga.

"Patawad naman, doktor." Sabi ni Cesar na halatang pilit.

"Oh sya-sya, nariyan na ang mga kalesa. Mag-iingat kayo sa pagbalik niyo, lalo't hindi natin alam kung bakit ba lumuwag ang pamahalaan." Paalala ni Diego. Tumango naman kami bago huminto sa harap namin ang dalawang kalesa.

Tumalikod naman kaagad si Diego para hindi siya makilala. Isa na kasi ngayon sa mga most wanted sila Diego't Diana. Ang sinumang makakita sa kanila ay bibigyan ng malaking pabuya mula sa Imperyong Espanya.

Sumakay naman kaagad kami sa mga kalesa, at matapos naming makasakay lahat ay nagsimula nang umandar ang mga 'to. Hindi din naman nagtagal ay narating na namin ang loob ng Intramuros.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon