A/N: H A P P Y 5 . 0 K R E A D S , I T Y 1 8 9 3 ! ! ! 🎉 🎉
Ang gandang bungad para sa 2021, 'no? Well, that's a lot for me since, I'm not okay. :( But then, I made this! Hope you like it! Welcome, 2021!
- MrssZoldyck
_____________
Ikaanim na pung Alaala
+Paghatol+
"Ang araw kung saan ako namulat sa katotohanang ang aking ina ay naaabuso sa pisikal na pananakit... dahil lamang sa hindi matugunang sagot. Inabuso ang akin ina ng labis ni Don Francisco." Saad ni Mileta dahilan para umingay ang buong korte.
Sa mga sandaling iyon, napuno ng maraming iba't ibang bulungan. Maraming nabuong tanong sa isip ng bawat isa... mga senaryong hindi mo aasahan na ginawa ba talaga ng isang itinalaga ng Hari ng Espanya para maging isang Gobernador.
Tumitig ako sa mata ni Mileta na talagang masamang nakatitig kay Don Francisco/ama. Ang mga mata niya ay walang halong nagsasabi ng hindi totoo. Kitang-kita ko 'yon. Walang halong kasinungalingan ang mga sinasabi niya-pero hindi ako naniniwalang si Don Francisco/ama ang may gawa no'n.
Walang kahit anong nabanggit si Carla na tungkol dito, marahil ay sa kadahilanang hindi naman siya pumupunta sa bahay nila. Kailangan kong makinig ng mabuti para mapag-isipan ko sa mabilis na paraan ang solusyon sa panibagong suliranin na ito.
"Binibining Mileta, maaari mo bang isalaysay ang buong mga nakita mo?" tanong ni Arnesto.
"Bumalik ako noon par asana kunin ang naiwan kong abaniko. Panigurado kasing magrereklamo na naman ang mga nakakabata kong kapatid kapag nagsimula na kaming magtinda sa harap ng simbahan. Ngunit papasok pa lamang ako sa aming pintuan, nang makarinig ako ng malakas na pagbagsak sa kawayang lapag namin."
"...Sumilip ako sa bintana't nakita ko si inang nakahandusay sa lapag at puno ng mga pasa ang mga braso't wala sa ayos ang buhok. Puno din ang aking ina ng pawis at tila pinahirapan ng lubos. Pinigilan kong hindi sumigaw sa nakikita ng salitang 'ina,' pero lumipat ang paningin ko sa isang lalaking nakatayo habang may gulat na emosyon."
"...Ang lalaking iyon ay si Don Francisco, lalapitan niya sana si ina; ngunit sumigaw ang aking ina: '"Huwag po, Don Francisco! Hindi ko na makakaya ang mga iyon... masyadong mabigat para sa isang gaya ko ang bagay na iyon. Pakiusap."' Pakiusap ng aking ina. Ngunit hindi nakinig si Don Francisco't naglagay ng kung ano sa isang lamesa-iyon ang sing-sing."
"...Umalis si Don Francisco, kasabay noon ang pagdinig ko sa paghikbi ng aking ina. Hindi ko matanggap sa aking loob na magagawa iyon ng aming Gobernador. Hindi na ako noon nakatiis at tinakbo na ang aking ama papunta sa loob."
"...Nasilayan ko ang aking ina na patuloy paring umaagos ng mga luha, niyakap ko siya't tinanong kung sino ang may gawa sa kaniya ng mga iyon. Ngunit hindi siya sumasagot at patuloy na nanahimik. Subalit... isang tanong ang kaniyang paulit-ulit na tinatanong: '"Bakit ako? Hindi ako karapat-dapat sa mga ito."'"
"...Lumala pa ang mga pasa't sugat ni ina, at parang pinapahirapan siya bago mamatay. Hindi ko kahit kailan nakita ang mismong pangyayari nang pananakit, ngunit nakakasigurado akong si Don Francisco ang gumawa ng mga iyon-siya ang pumatay sa aking ina!" inis na usal ni Mileta kasabay ng kaniyang pagtayo't pagduro kaya ma na tulala lang sa kaniya.
"Don Francisco Fuentes, may masasabi ka ba doon?" tanong sa kaniya ni hukom Sarmiento.
"Opo, hukom." Sagot ni Don Francisco/ama. Tumingin siya kay Mileta, seryosong-seryoso ang mga matang 'yon, "...Kahit kailan ay hindi ko inabuso ang iyong ina, para lamang malinawan ka, dalagita."
BINABASA MO ANG
I Treasure You, 1893
Ficción histórica|NOVELA HISTORIA SERIÉ #1| [ONGOING] She once hated her own existence. She once wondered if she ever had a purpose living in this chaotic world. But not even once, in her whole life, had she imagined herself sacrificing for others. She never imagin...